Bagong real-life Barbie Alina Kovalevskaya, gustong agawin ang korona ni Valeria Lukyanova!

  • 9 years ago
Bagong real-life Barbie Alina Kovalevskaya, gustong agawin ang korona ni Valeria Lukyanova!


Bagong real-life Barbie, naghahanap ng kanyang real-life Ken!

Ang 21-year-old na si Alina Kovalevskaya ay sumikat sa Internet, salamat sa kanyang mga Youtube videos, kung saan ipinapakita niya ang kanyang mala-manyikang kagandahan.

Ang bagong human doll slash model na ito ay nanggaling rin sa southern Ukranian city, kung saan nanggaling ang kilalang Human Barbie -- ang 28-year-old na si Valeria Lukyanov.

Naku, Valeria, mag-ingat ka ay mukhang balak na agawin ni Alina ang iyong korona!

Mukhang okay naman din, dahil ikinagagalit ng mga netizens ang kontrobersiyal na pananaw ni Valeria tungkol sa "ethnic mixing" na siyang dahilan, ayon sa kanya, ng pagtaas ng demand para sa plastic surgery. Itinawag siyang "racist space alien" ng mga critics.

Ang bagong Human Barbie na si Alina, na sana ay mas racially sensitive, ay name-maintain daw ang kanyang makinis at mala-gatas na kutis, sa pamamagitan ng pag-iwas sa araw.

Ang pagkakaiba nila ni Valeria, ay hindi takot sa bata si Alina, at gusto niyang magkaroon ng dalawang anak, matapos niyang makilala ang kanyang real-life Ken.

Naku! Hindi ang fake Ken na ito!

Ang Odessa, na isang Black Sea port town kung saan nanggaling sina Alina at Valeria ay mabilis na nagiging mecca para sa mga babaeng mukhang manyika, salamat sa pausing tinatawag na 'Barbie-flu.'

Pero ayon kay Alina, hindi lahat ng residente ng lugar na iyon ang natutuwa sa kanyang manufactured na itsura -- pero hindi ito nakakaabala sa kanya.

Para sa inyo -- sino ang mas gusto niyo -- si Valeria, na may oversized na boobs at napakaliit na 18-inch na baywang, na hindi daw resulta ng surgery, kungdi ng isang striktong pagsunod sa breatharianism, isang paniniwala na maari siyang mabuhay sa ilaw at hangin lamang...

O ang mas nakababata at mas mukhang inosenteng si Alina, na sinabing ang kanyang pagiging mukhang Barbie Doll ay dahil lang sa pagsuot ng contacts?

Valeria...
O Alina?

Alina...
O Valeria?

Mag-iwan ng opinyon sa comments!



For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended