Masked robbers, nagnakaw ng 100k mula sa armored truck sa Philadelphia!

  • 9 years ago
Masked robbers, nagnakaw ng 100k mula sa armored truck sa Philadelphia!


Taong naka-maskara, nagnakaw ng 105,000 USD mula sa isang armored truck sa Philadelphia!

Ang pagnakaw mula sa armored trucks, nang nakasuot ng maskara, ay kadalasang napapanood lamang sa pelikula.

Pero nagawa ito ng dalawang tao sa tutoong buhay, Huwebes ng hapin sa labas ng isang bangko sa Philadelphia.

Suot ang itim na bandana, at hawak ang mga assaut rifles, hinold up ng magnanakaw ang crew ng isang Garda armored truck, at nakatakas sila, dala ang 100k sa isang ninakaw na minivan.

Nakita ng isang saksi ang mga magnanakaw, na tina-transfer ang pera sa isang putting Cadillac Escalade, dalawang block mula sa eksena.

Na-trace ng pulis ang license plates sa Henry on the Park apartments, kung saan natagpuan nila ang SUV.

Pinasok ng pulis ang apartment, at nakita nila ang isang malaking plastic bag na puno ng pera, pero hindi nila nakita ang mga suspects, o ang mga armas na kanilang ginamit.

Naniniwala ang mga imbestigador na ang mga suspects ay maaring tumakas mula sa pintuan sa likod, nang dumating ang pulis.

Ito kaya ang bakas ng pagtakas ng mga magnanakaw?

Iniimbestigahan ng FBI kung ang pagnanakaw na ito ay kaugnay ng isang armed robvery sa labas ng isang Philadelphia Wells Fargo noong Oktubre.

Sa kasong iyon, ang mga magnanakaw ay nagsuot ng mga scream masks, at nakakuha ng 300,000 USD.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended