• 10 years ago
Racist customer sa Red Lobster, binastos ang server sa resibo

Ito si Toni Christina Jenkins. Siya ay labingsiyam na taong gulang, nakatira sa Nashville, Tennessee (sa Estados Unidos), at kasalukuyang nag-aaral para maging nars.

Kasalukuyan rin siyang nagtatrabaho sa restawran na Red Lobster, na kung saan siya'y may naengkwentrong dalawang rasista.

Ayon kay Jenkins, matapos magbayad ng dalawang kostomer, ay nagsulat ang mga ito ng napakabulgar na salita sa resibo ng credit card, kung saan dapat ay nag-iwan sila ng tip.

Halos hindi makapagsalita si Jenkins sa sobrang gulat. Ipinakita niya ang resibo sa kanyang manager, na siya namang nanigurado na walang pagkakamali sa pangyayari si Jenkins.

Ipinost ni Jenkins sa kanyang Facebook ang resibo, para maibahagi ang nangyari sa iilang mga kaibigan.

Ngunit ang kanyang post ay nakakuha ng atensiyon mula sa mga web site tulad ng Gawker at Daily Mail -- at mabilis na kumalat ang balita.

Makikita natin dito na ang credit card na ginamit ay kabilang sa isang nagngangalang Devin Barnes.

Dahil dito ay maraming mga eksperto sa sulat-kamay ang nagsasabing inimbento lamang ni Jenkins ang buong istorya.

Si Jenkins ay ikikukumpara na ngayon kay Tawana Brawley, isang babaeng nagimbento rin ng kontrobersiyal na kwento mahigit dalawampung taon nang nakalipas.

Sa tingin niyo ba ay rasista itong si Devin Barnes? O inimbento lang ni Toni Christina Jenkins ang buong pangyayari? Mag-iwan ng opinyon sa comment box sa ibaba.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended