COVID-19: No to FAKE NEWS! (Department of Health)

  • 4 years ago
Upang malabanan at maiwasan ang COVID-19 ang kailangan natin ay tama at totoong impormasyon. HINDI FAKE NEWS!

Palagi nating tatandaan na huwag basta-basta naniniwala sa mga nababasa,naririnig at binabahagi sa mga social media at sa iba pang hindi pinagkakatiwalaang pahayagan.

Dahil dito, nagkakaroon ng pagpa-panic, pagkatakot at maling pagde-desisyon.

Tandaan ang sumusunod para maiwasan ang maling balita o fake news:

1. Kunin lamang ang mahahalagang impormasyon sa pinagkakatiwalaang sites.

doh.gov.ph
who.int
unicef.org

2. Maging mapanuri at i-share lang ang tamang impormasyon.

Sa ganitong paraan, nakakatulong ka para maayos ang pagtugon sa crisis na ito.

Isang paalala mula sa DOH, UNICEF at USAID.

#BeatCOVID19
#WeHealAsOne
#COVID19PH

Recommended