Sa wastong pag-iingat ang virus hindi kakalat! (Department of Health)

  • 4 years ago
Ang COVID-19 ay isang nakahahawang sakit dulot ng bagong virus. Ito ay maaaring maikalat sa pamamagitan ng droplets dala ng talsik ng laway habang nagsasalita, bumabahing, o umuubo ang taong may COVID-19. Ang virus ay sumasama sa laway at maaari ding maiwan sa mga gamit na madalas hawakan ng tao. Mula sa mga bagay ito ay maaaring maipasa sa tao sa pamamagitan ng paghawak sa mata, ilong, at bibig.

Napakahalagang maunawaan at malaman ang maaaring gawin upang maiwasan at masugpo ang patuloy nitong pagkalat. Kung kaya't hinihikayat ng DOH ang lahat na:

1. Iwasan ang paghawak sa inyong bibig, mata o ilong;
2. Ugaliin ang palagiang paghuhugas ng kamay;
3. Linisin ang mga bagay na laging hinahawakan;
4. Kumain nang balanse at ng masusustansyang pagkain; at
5. Matulog nang sapat.

Stay home, stay safe ngunit kung kinakailangang lumabas huwag kalimutang magsuot ng proteksyon sa sarili katulad ng face mask, siguraduhin ang isang metrong distansya sa ibang tao, at magdala lagi ng alcohol o hand sanitizer.⏲2️⃣0️⃣

Sa wastong pag-iingat, ang virus hindi kakalat!

Isang mahalagang paalala mula sa DOH, UNICEF, at USAID.

#BeatCOVID19
#WeHealAsOne
#COVID19PH

Category

📚
Learning

Recommended