• 4 years ago
Sa PEP Live interview nina Jayda at Darren Espanto kamakailan, nag-promote sila ng kanilang latest single na "Sana Tayo Na."

Ang "Sana Tayo Na" ay composition ng ama ni Jayda.

Si Jayda ay anak ng '90s singing sensations na sina Dingdong Avanzado at Jessa Zaragoza.

Ang mga magulang ni Jayda ang siyang pumili sa The Voice finalist at United Nations Development Programme (UNDP) youth advocate na si Darren Espanto para maka-duet sa "Sana Tayo Na."

Habang dini-discuss ang "Sana Tayo Na," nagbigay ng tips sina Jayda at Darren sa mga taong gustong umamin sa crush nila pero ayaw magpaka-obvious.

Puwede raw gamitin ang kanilang kanta, na tungkol naman pag-asam ng isang tao sa minamahal nito na sana'y sila na ang magkasama habang buhay.

Para sa buong PEP Live interview nina Jayda at Darren, i-click ang link na ito: https://www.youtube.com/watch?v=J0KqwznG3M8

#jayda #darrenespanto #DarJayonPEPLive #SanaTayoNa

Host: Jimpy Anarcon
Producer: Rommel Llanes
Director: Kim Justine Gan

Know the latest in showbiz on http://www.pep.ph!

Subscribe to our YouTube channel! https://www.youtube.com/PEPMediabox

Follow us!
Instagram: https://www.instagram.com/pepalerts/
Facebook: https://www.facebook.com/PEPalerts
Twitter: https://twitter.com/pepalerts

Visit our DailyMotion channel! https://www.dailymotion.com/PEPalerts

Join us on Viber: https://bit.ly/PEPonViber

Category

People

Recommended