• 3 years ago
Narito ang mga maiinit na balita sa Balitanghali Express ngayong Lunes, October 18, 2021:

- Dolomite Beach sa Manila Bay, dinagsa ng mga namamasyal ngayong ikatlong araw na naka-Alert Level 3 ang NCR

- 14 na pamilya sa Brgy. Paraiso, nasunugan

- 4, arestado matapos makuhanan ng mahigit P2-M halaga ng umano'y marijuana

- Motorsiklo ng food delivery at e-bike, nagsalpukan

- Presyo ng ilang gulay sa Marikina Market, sumipa dahil sa nagdaang masamang panahon at pagmahal ng gasolina

- Presyo ng ilang produktong petrolyo, may posible na namang big-time price hike

- DOH: 6,913 ang naitalang bagong COVID cases sa bansa

- Bilang ng mga pasahero, dumami na kasabay ng pagluluwag sa Metro Manila

- DOH: 4 minors na nabakunahan kontra-COVID nitong Biyernes, nag-manifest ng adverse event tulad ng high BP, allergic reaction at stress-related cases

- Ilang bata, kabilang sa mga namasyal sa Dolomite Sand Beach

- PHIVOLCS: 28 volcanic tremors, naitala sa Taal Volcano sa nakalipas na 24 oras; Sulfur dioxide emission, umabot sa 11,432 tonelada kahapon

- Online booking para sa mga bibisita sa sementaryo sa San Juan, binuksan para iwas-hawahan ng COVID

- Super Tekla, ikinuwento na napagkamalan siyang shoplifter sa isang convenience store

- Ginang na may mga saksak sa katawan, natagpuang patay sa loob ng kaniyang bahay

- 72-anyos na Australian, huli sa panggagahasa umano sa kaniyang 4-anyos na stepdaughter

- Halos P1.7-B halaga ng ilegal na droga, nasabat; 2 nahuling suspek, walang pahayag

- Mga pampublikong sasakyan na puno ng pasahero kahit bawal pa, sinita at pinagmulta ng I-ACT

- Inter-Agency Task Force o IATF, inaprubahan na ang rekomendasyong ibaba ang quarantine classification ng ilang probinsya.

- COMELEC, pinahaba pa ang oras at dinagdagan ang mga araw ng voter registration sa ilang lugar sa bansa

- Dedikasyon ng guro para mapuntahan ang kanyang estudyante, hinangaan online

- Ulan na may kasamang tipak ng yelo, naranasan sa Cotabato

- Weather update

- DOST: SARS-CoV-2 count sa mga mild case, nababawasan ng VCO, ayon sa pag-aaral

- Panayam ng Balitanghali kay MMDA Chairman Benhur Abalos Jr.

- Department of Justice, sumagot kaugnay sa report ng World Justice Project na bumaba ang score ng Pilipinas sa 2021 Rule of Law Index

- Dolomite Beach sa Manila Bay, patuloy na binibisita ng mga gustong mamasyal

- 2 nagpapatrolyang pulis, patay matapos pagbabarilin; suspek, napatay rin

- Miss Universe queens Pia Wurtzbach, Catriona Gray, Zozibini Tunzi at Andrea Meza, reunited sa Miss South Africa 2021

- COVID-19 vaccine, tema ng pinailawang giant Christmas tree

Category

😹
Fun

Recommended