• 4 years ago
Narito ang mga maiinit na balita sa 24 Oras Express ngayong Miyerkoles, October 20, 2021:

- Ilang nagtitinda sa palengke, nalulugi na raw dahil sa taas ng presyo ng petrolyo

- League of Provinces in the Philippines, hiniling sa IATF na sa Nov. 1 na lang ipatupad ang alert level system para makapaghanda pa sila

- Mandatory vaccination sa mga empleyado, pinag-aaralan na ng NTF against COVID-19

- DENR, hindi nangangambang maging superspreader event ang pagdagsa ng mga tao sa dolomite sand beach

- Hindi nagpaputok ng baril ang ilang nasawi at nanlaban umano sa operasyon kontra-droga, batay sa imbestigasyon ng DOJ

- Pres. Duterte, hinamon ang mga senador na harangin ang pondo ng Ehekutibo

- Video ng batang nagra-rap sa loob ng jeep para mamalimos, nag-viral online at nagsilbing inspirasyon ng sumulat ng kanta

- Bride na kakakasal pa lang, dumiretso sa COVID-19 vaccination site imbes na sa reception

- Negosyante, natangayan umano ng libo-libong pisong halaga ng produkto at pera dahil sa customer na nameke raw ng patunay ng bayad

- Pagbabakuna sa mga student-athletes sa kolehiyo, pinangunahan ni Vaccine Czar Galvez Jr. at CHED Chairman De Vera

For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs, including the full version of 24 Oras.

24 Oras is GMA Network's flagship newscast, anchored by GMA News pillars Mike Enriquez, Mel Tiangco, and Vicky Morales, featuring top news stories from the Philippines and the hottest showbiz news on Chika Minute hosted by Iya Villania. Visit GMA News Online (http://www.gmanews.tv/24Oras) for more.

Recommended