Mga usapin tulad ng global warming at pagpapababa ng greenhouse-gas emissions ang pakay ng mga bansang lumagda sa United Nations Framework Convention on Climate Change o UNFCCC.
Isang taon mang naantala, tuloy na ang ika-26 na Conference of Parties o COP na unang naganap noong 1995 para sa pagtalakay sa mga isyung may kinalaman sa climate change.
Bakit ito mahalaga at ano ang papel ng Pilipinas pagdating sa climate change?