PHL passport appointment scam? | Stand for Truth

  • 3 years ago
May passport ka na ba o nagbabalak ka pa lang kumuha nito?


Tandaan lang, mag-ingat! Sa hirap at tagal ng proseso, maraming kababayan natin ang naloloko ng ilang online appointment fixers na nagsasabing mapapabilis ang pagkuha ng passport nila.


Isa si Lany Viray sa mga napaniwala ng mga manlolokong ito. Dahil sa pangakong makakakuha ng appointment sa loob ng isa hanggang tatlong araw, nagbayad siya ng Php 1,750 sa fixer. Pero matapos nito, agad na itong naglaho.


Anu-ano nga bang diskarte ang ginagawa ng mga kawatang ito? Paano natin sila maiiwasan? Alamin sa report ni Abby Espiritu.

Recommended