• 2 years ago
Narito ang mga maiinit na balita sa 24 Oras Express ngayong Lunes, January 24, 2022:

- Mga kaso ng COVID-19 sa Metro Manila, pababa na, ayon sa DOH at OCTA Research; pagbaba sa Alert Level 2, pinag-uusapan na

- Bagong kaso ng COVID-19 ngayong araw, bumaba sa 24,938; pinakamababa sa nakalipas na 5-araw

- CCTV footage ng paglabas ng sasakyan ng mga nawawalang sabungero at mga nakabuntos na van at kotse, hawak na ng PNP-CIDG

- Hirit ng PhilBaking, taas presyo na P2.50 sa kada pakete ng Pinoy Pandesal at P4.50 sa Pinoy Tasty

- Ilang construction worker na nawalan ng trabaho sa Alert Level 3, dumulog sa DOLE; aplikasyon para sa P5,000 cash assistance, online lang

- Rider na nag-iiwan ng mga mensaheng nagbibigay pag-asa sa kaniyang mga customer, pinag-usapan at hinangaan sa social media

- Grupo ng mga petitioner, pinababaligtad sa Comelec en banc ang desisyon ng Comelec 2nd division na nagbasura sa kanilang petisyong kanselahin ang COC ni Bongbong Marcos

- Paglilinaw ng caretaker ng lupa, hindi 10 kilo kundi 10 kaing ng mangga ang pinitas ng lolong kanilang inireklamo

- 2 suspek sa umano'y bentahan ng pekeng vaccination card sa Marikina, arestado

- Ilang senatorial aspirant para sa #Eleksyon2022, nagbigay ng pahayag sa iba't ibang isyu

- Pagdiriwang ng Chinese New Year, ipinagbawal muli ng Manila LGU dahil sa dami ng COVID cases

- Ilang presidential at vice presidential aspirant para sa #Eleksyon2022, tuloy sa kani-kanilang aktibidad

For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs, including the full version of 24 Oras.

24 Oras is GMA Network's flagship newscast, anchored by GMA News pillars Mike Enriquez, Mel Tiangco, and Vicky Morales, featuring top news stories from the Philippines and the hottest showbiz news on Chika Minute hosted by Iya Villania. Visit GMA News Online (http://www.gmanews.tv/24Oras) for more.

Recommended