• 2 years ago
Itinuring ni senator-elect JV Ejercito na milagro ang kaniyang pagkapanalo sa 2022 elections.
"Hindi ko akalain na ako'y magwagi muli sa eleksyong ito," pahayag ni Ejercito sa kaniyang talumpati sa proklamasyon ng mga nanalong senador. "Dito natin napatunayan, with Him nothing is impossible. We made the impossible, possible."
Nagsilbi na si Ejercito bilang senador mula noong 2013 hanggang 2019.
Pang-10 si Ejercito sa 2022 senatorial race, base sa datos ng Commission on Elections na umuupong National Board of Canvassers. #BilangPilipino2022

Recommended