• 2 years ago
Sa ikalawa niyang termino bilang senador, tututukan aniya ni Sen. Joel Villanueva ang pagbaba sa unemployment rate ng bansa.
"Alam natin na mabigat ang hamon ng ating pamahalaan sa darating na mga panahon. Importante na magtrabaho, importanteng magkaisa tayo para isulong ang mas maganda, mas maayos na Pilipinas," mensahe ni Villanueva sa proklamasyon ng mga nanalong senador sa 2022 elections.
Pang-siyam si Villanueva sa senatorial candidates na may pinakamaraming boto sa nakaraang eleksyon, ayon sa Commission on Elections. #BilangPilipino2022

Recommended