24 Oras Express: June 28, 2022 [HD]

  • 2 years ago
Narito ang mga maiinit na balita sa 24 Oras Express ngayong Martes, June 28, 2022:

- Korte Suprema, ibinasura ang mga petisyong humihiling na i-disqualify at kanselahin ang COC ni President-elect Marcos; desisyon, puwede pa raw iapela

- Ilang pisikal na paghahanda at simulation exercises, ikinasa bago ang inagurasyon ni President-elect Bongbong Marcos sa Huwebes

- Congressman-elect Sandro Marcos, nanumpa na kahapon; Ilan pang Marcos na nanalo sa iba't ibang posisyon sa Ilocos Norte, nanumpa na rin

- DOE: May nagbabadyang panibagong taas-presyo sa produktong petrolyo pagpasok ng Hulyo

- Magiging taimtim, simple at 'di lilihis sa tradisyon ang inagurasyon ni President-elect Bongbong Marcos, ayon sa kaniyang inaugural preparation committee

- Mga hindi bakunadong on-site workers sa Alert Level 1, hindi na required mag-RT PCR test kada 2 linggo basta walang sintomas

- VP Robredo, nagpaabot ng pasasalamat at humingi ng tawad sa kaniyang mga tauhan sa OVP

- Pinakamataas na pag-akyat ng mga kaso ng COVID, naitala sa Metro Manila; mananatili pa rin sa alert level 1 hanggang July 15

- BOC-IAS Dir. Abbas at BOC Chief Guerrero, tumangging sangkot sila sa smuggling

- Customs Intelligence and Investigation Service Dir. Joeffrey Tacio, itinanggi ang pagkakasama sa listahan ng mga umano'y protektor ng mga sangkot sa agricultural smuggling

- “No permit, no rally", ipatutupad sa mga magki-kilos protesta; pagsusunog ng effigy, bawal din

- Kamuning footbridge, pinuna ng Consul General ng Kingdom of Netherlands dahil sa tarik nito; giit ng MMDA, ginawa ang footbridge para makaiwas sa disgrasya

- Outgoing DND Sec. Lorenzana: hindi titigil ang AFP sa pagpapatibay at pagpapaganda sa mga pasilidad ng BRP Sierra Madre

For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs, including the full version of 24 Oras.

24 Oras is GMA Network's flagship newscast, anchored by GMA News pillars Mike Enriquez, Mel Tiangco, and Vicky Morales, featuring top news stories from the Philippines and the hottest showbiz news on Chika Minute hosted by Iya Villania. Visit GMA News Online (http://www.gmanews.tv/24Oras) for more.

Recommended