Tsuper Heroes (2021)

  • 2 years ago
Bilang selebrasyon sa Father's Day 2021, kasabay na inilunsad ng LTO NCR East ang ikatlong taon ng TsuperHeroes Day kung saan ay nagkaroon ng maikling impormasyon tungkol sa Road Safety Awareness at namahagi ng Food Packs, Road Safety Merchandise at libreng gupit sa ating magigiting na Tsuper.

Ito ay nagsisilbing pagkilala, pagpupugay at pagbibigay importansya sa lahat ng Tsuper. Isang munting pasasalamat sa serbisyong hatid sa ating mamamayan sa ligtas na paghatid sa ating destinasyon.

Karamihan sa mga drayber na ito ay mga magigiting din na Ama ng kanilang tahanan. Mga mabubuting haligi na lahat ay gagawin upang itaguyod ang kanilang pamilya.

Mula sa LTO NCR East, Mabuhay po kayo!

Happy Father's Day and Happy TsuperHeroes Day.

Recommended