• 3 years ago
Narito ang mga maiinit na balita sa 24 Oras Express ngayong Biyernes, August 26, 2022:

- DOE: Posible ang dagdag na P5/L sa presyo ng diesel at kerosene at higit P1/L sa gasolina

- SRA: Puwedeng maramdaman ang dagdag-supply ng asukal sa katapusan ng Setyembre

- Pres. Bongbong Marcos, gustong palakasin pa ang ugnayan ng Amerika at Pilipinas pagdating sa pagpapalago sa MSME

- Barko, nasusunog malapit sa Batangas Port; nasa 70 ang sakay ng barko

- Finance Sec. Diokno: Kailangang mangutang ng gobyerno dahil nasa P1.6-T ang inaasahang kulang sa panukalang 2023 Nat'l Budget

- Budget Sec. Amenah Pangandaman, umapela sa Kongreso na bigyan sila ng pagkakataong linisin ang PS-DBM sa gitna ng pagkakadawit nito sa ilang anomalya

- Daloy ng trapiko, posibleng bumigat sa susunod na linggo 'pag nagsimula ang pasukan sa mga pribadong paaralan

- Paalala ng DOH, 'wag maniwala sa mga umano'y illegal organ selling online; may dinadaanang masinsing proseso ang organ donation

- PCG: isa sugatan, nasa 34 na-rescue sa sunog sa barko malapit sa Batangas Port

- Social media influencer at 4 Tiktoker, inireklamo ng BSP dahil sa pagsira o hindi maayos na paggamit ng pera sa kanilang mga video

- Lalaki, nag-propose sa kanyang longtime girlfriend sa gitna ng kanlang pag-scuba diving

- DSWD, naglatag ng mga bagong patakaran para sa muling pamimigay ng educational assistance bukas

For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs, including the full version of 24 Oras.

24 Oras is GMA Network's flagship newscast, anchored by GMA News pillars Mike Enriquez, Mel Tiangco, and Vicky Morales, featuring top news stories from the Philippines and the hottest showbiz news on Chika Minute hosted by Iya Villania. Visit GMA News Online (http://www.gmanews.tv/24Oras) for more.

Recommended