24 Oras Express: October 3, 2022 [HD]

  • 2 years ago
Narito ang mga maiinit na balita sa 24 Oras Express ngayong Lunes, October 3, 2022:

- Pagbiyahe ni Pres. Marcos sa Singapore kung saan nanood din siya ng Grand Prix, binatikos ng ilang grupo

- Pres. Marcos, pinangunahan ang groundbreaking ceremony ng Metro Manila Subway Project sa Pasig; biyahe sa subway mula Valenzuela hanggang Pasay, magiging 35 minuto na lang

- Ilang naka-jackpot sa Grand Lotto 6/55 draw nitong Oct. 1, nagtungo na sa opisina ng PCSO para kunin ang kanilang napanalunan

- Gulay sa ilang pamilihan, nagtaas presyo dahil sa mahigpit na suplay matapos ang paghagupit ng Bagyong Karding

- LTFRB: Bawal maningil ng dagdag pasahe kung walang bagong fare matrix

- Mandatory drug testing sa mga artista at mga manggagawa ng pelikula, telebisyon, at radyo, iminungkahi ni Rep. Ace Barbers

- Samahan ng pork producers: Posibleng tumaas ng P20-P30 ang kada kilo ng baboy; hindi pa ganap na nalulutas ang problema sa African swine fever

- Grupo ng mga ni-repatriate na OFW, nagkilos-protesta sa tapat ng DMW; nanawagang asikasuhin ang aabot sa P4 Bclaims nila

- Dating Gov. Roel Degamo, pormal nang ipinroklama bilang nanalong gobernador ng Negros Oriental

- Ilang health workers, nanawagang ibigay na ang kanilang mga benepisyong 2 taon nang nakabinbin

- 372 dayuhan na karamihan ay Chinese nationals mula sa mga illegal POGO sa bansa, nakatakdang i-deport ngayong linggo

- ERC: Singil sa kuryente, posibleng mabawasan simula January 2023

- Higit 3,500 sundalong Pilipino at Amerikano, kalahok sa 'Kamandag' joint military exercise mula Oct. 3 hanggang 14, 2022

For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs, including the full version of 24 Oras.

24 Oras is GMA Network's flagship newscast, anchored by GMA News pillars Mike Enriquez, Mel Tiangco, and Vicky Morales, featuring top news stories from the Philippines and the hottest showbiz news on Chika Minute hosted by Iya Villania. Visit GMA News Online (http://www.gmanews.tv/24Oras) for more.

Recommended