• last year
Kasama ang kanyang asawa na isang PWD, 14-anyos na anak na si Manuel na may epilepsy at ang 10-anyos na bunsong si Renalyn na may hydrocephalus, buong tapang na isinama ni Irene ang kanyang buong pamilya sa unang pagkakataon.

Isa lang daw ang hiling niya sa poon, ang pagalingin ang mga pinagdadaanan ng kanyang asawa at mga anak.

“Noong una umiiyak kami pero ngayon dahil lumalapit kami kay Lord, hinihiling po namin na maoperahan si Renalyn.”

Mabigat man ang pinagdadaanan, tila gumaan daw ang pakiramdam ni Irene nang magtulung-tulong ang mga deboto na maiakyat ang anak para mahawakan ang poon.

Ngayong taon, isinagawa ang kauna-unahang Walk of Faith o ang alternatibo sa nakasanayang Traslacion. Wala man daw ang andas, ramdam pa rin ang taimtim na pagdarasal ng mga deboto at ang kanilang kagustuhang matupad ang kani-kanilang kahilingan.

Panoorin ang buong kaganapan sa report na ito.

Category

🗞
News

Recommended