Tadhana: Penitensya the Finale

  • last year
Ang unti-unting pagbabalik loob ni Faith sa Diyos at sa kanyang pamilya, tila hahadlangan muli ng tadhana! Ang tunay na pagkatao kasi ng kanyang ama, mabubunyag sa mismong misa ni Father Larry! Malalagay pa sa peligro ang buhay ng kanyang fiance na si Joshua dahil sa isang insidente! Ang mga pagsubok na ito na nga ba ang magpapalapit kay Faith sa Diyos o mas lalong magpapalayo sa kanya?

Huwag palalampasin ang natatanging pagganap nina Thea Tolentino, Dion Ignacio, Juancho Triviño, Tina Paner, Jan Marini, Smokey Manaloto, Mosang, Euleen Castro AKA Yobab. Samahan si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera sa istoryang susubok sa inyong pananampalataya sa Tadhana: Penitensya the Finale ngayong Sabado, 3:15 PM sa GMA-7 at sa GMA Public Affairs’ Facebook and YouTube livestream.