Huwag judgemental: Ang kabataan ayon sa komiks ni Hulyen | Share Ko Lang

  • last year
"Siguro ‘yung pinakamaraming na-share na drawing ko ‘yung mga nagmumura. So siguro maraming nakaka-relate doon. Parang sa loob-loob nila, inis na rin sila, tapos ‘yung drawing na ‘yun na-capture iyong ganoong feeling nila."

Marami ang nakaka-relate sa kanyang comic strips dahil sa mga witty nitong hugot at kuwento na sumasalamin daw sa mga istorya ng mga nakababatang henerasyon. Sa episode na ito ng #ShareKoLang, pag-uusapan nina Doc Anna at ng malikhaing kamay sa likod ng komiks na ito, na si Julienne "Hulyen" Dadivas, ang mga problema at misconception na madalas kinakaharap ng mga kabataan.