- Away ng 2 motorista, sapul sa dashcam
- Baptismal Certificate ng mga kapatid ni Alice Guo na ginamit sa late registration, pineke rin, ayon kay Sen. Gatchalian
- Pulse Asia: 76% ng mga Pinoy pabor sa pagbabawal ng paggamit ng cellphone sa mga eskuwelahan
- Mahigit P10-M kada araw, hiling ng Cavite Gov. sa may-ari ng MTKR Terranova para sa mga residenteng apektado ng oil spill
- Carlos Yulo, sinabing ginalaw umano ng ina ang kanyang incentives nang hindi ipinapaalam sa kanya
- Magbabalik trabaho na si Bohol Governor Erico Aristotle Aumentado.
- World News | Batang natutulog sa kanilang bahay, inatake ng asong gala; atbp.
- Niño Muhlach at anak na si Sandro, nagsumite ng mga dagdag-dokumento sa NBI
State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo and Maki Pulido. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation
#GMAIntegratedNews #BreakingNews
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: / gmanews
TikTok: / gmanews
Twitter: / gmanews
Instagram: / gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
- Baptismal Certificate ng mga kapatid ni Alice Guo na ginamit sa late registration, pineke rin, ayon kay Sen. Gatchalian
- Pulse Asia: 76% ng mga Pinoy pabor sa pagbabawal ng paggamit ng cellphone sa mga eskuwelahan
- Mahigit P10-M kada araw, hiling ng Cavite Gov. sa may-ari ng MTKR Terranova para sa mga residenteng apektado ng oil spill
- Carlos Yulo, sinabing ginalaw umano ng ina ang kanyang incentives nang hindi ipinapaalam sa kanya
- Magbabalik trabaho na si Bohol Governor Erico Aristotle Aumentado.
- World News | Batang natutulog sa kanilang bahay, inatake ng asong gala; atbp.
- Niño Muhlach at anak na si Sandro, nagsumite ng mga dagdag-dokumento sa NBI
State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo and Maki Pulido. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation
#GMAIntegratedNews #BreakingNews
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: / gmanews
TikTok: / gmanews
Twitter: / gmanews
Instagram: / gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:00Tumatakbo ang naka-stripes na lalaking yan ng madapa sa gitna ng traffic sa Bacolod City.
00:28Mayamaya, isang lalaking nakaputing t-shirt ang humabun sa kanya at inambahan siya ng hampas ng sisidlan ng samurai sword.
00:35Naghabulan ng dalawa hanggang sa magpambuno. Inawat sila ng mga enforcer.
00:40Ayon sa mga otoridad, nasangkot sa aksidente ang sasakyan ng naka-stripes na lalaki.
00:46Sa sobrang init daw ng ulo nito, napagbunto na nito at hinampas ang sasakyan ng lalaking nakaputi na ikinagalit naman ito.
00:55Nagkaayos ang dalawa ng dalhin sa istasyon ng pulis.
01:01Pineka-umano ang baptismal certificate ng dalawang kapatid ni suspended Bamban Mayor Alice Guo.
01:07Baptismal certificate ang ginamit ng magkapatid para sa kanilang late registration of birth sa kaluokan.
01:13Magsasagawa naman ang preliminary investigation ng Comelec kaugnay ng pagsisinungaling umano ng Alcalde sa kanyang Certificate of Candidacy.
01:22Narito ang aking report.
01:26Hindi lang daw passport ang pineka ni Wesley Guo, kapatid ni suspended Bamban Mayor Alice Guo.
01:34Ayon kay Sen. Win Gatchalian, pineka rin ni Wesley at ng isa pang kapatid na si Seimin ang kanilang baptismal certificate.
01:42We went to that parish to ask for details and nag-issue sila ng negative certification na walang ganun na baptismal record in their parish.
01:56So in other words, itong baptismal certificate na binigay sa kaluokan is spurious, fake.
02:03Bago nito, isiniwalat sa Senado na nag-match ang fingerprint ni Wesley sa fingerprint ng isang Chinese national na si Guo Xiangdian.
02:12Matatandaang magkapareho rin ang fingerprint ng Alcalde at ang Chinese national na si Guo Huaping.
02:19Ang fingerprints na ito ang ginamit ang Comelec ng suriin ang records ni Guo noong magparehistro siya bilang botante at ang mag-file ng Certificate of Candidacy.
02:30Adopted unanimously ng Comelec and Bank, ang rekomendasyon ng kanilang legal department na maghainang reklamo laban kay Guo.
02:38Pinapasimulan po ang pagkukondak ng preliminary investigation.
02:42Pinapalabas mo na ikaw ay kwalifikado, ikaw ay merong eligibility, subarat ikaw naman pala ay wala.
02:48Yan po ay isang kasong misrepresentation sa omnibus election ko.
02:52Sakaling makitaan ng probable cause, iaakyat ng Comelec ang kaso sa korte.
02:57Nauna ng tinawag ng abogado ni Guo na premature ang pagkahain ng misrepresentation case laban sa Alcalde.
03:04Naharap din sa reklamang qualified human trafficking si Guo sa DOJ.
03:09Nag-lapse na ang deadline ngayong araw para magsumitin ang counter affidavit si Guo na no show sa DOJ.
03:16It was decided not to give them another extension.
03:18Yung prosecutor ay magre-resolve na ng kaso on the basis only of the complaint.
03:25Dahil naman sa pagkakasangkot-umano ni dating presidential spokesperson Harry Roque,
03:30sa Lockheed South 99 Pogo sa Porak, Pampanga, inisyuan siya ng immigration lookout bulletin order na DOJ.
03:38Tinawag ito ni Roque na harassment, wala raw siyang dahilan para mag-abroad at haharapin niya ang mga aligasyon.
03:45Sakop rin ang order si Dennis Cunanan, Cassandra Leong at siyam na iba pang incorporators at officials ng illegal na Pogo.
03:56Suportado ng walo sa sampung Pilipino ang pagbabawal sa paggamit ng cellphone sa mga eskwelahan.
04:02Sa Pulse Asia survey na kinumisyo ni Senate Committee on Basic Education, Arts and Culture,
04:08chairperson Nguyen Gatchalian, 76% ang nagsabing pabor sila sa pagkakaroon ng cellphone ban sa loob ng paaralan.
04:1613% naman ang tutol, habang 11% ang hindi masabi kung tutol sila o hindi.
04:221,200 respondents ang sumagot sa survey.
04:25Naghahin si Gatchalian ng panukalang nagbabawal sa paggamit ng gadgets mula kinder hanggang senior high school
04:32sa loob ng eskwelahan sa oras ng klase.
04:37Muling isinailalim sa state of calamity ang bataan dahil sa efekto ng oil spill.
04:42Apektado rin ang mga tagakavite, kaya hiling na kanilang gobernador bayaran sila ng may gitsampung milyong pisong danyos kada araw.
04:51May report si Jun Vederacion.
04:58Mula nang lumubog ang motor tanker Terra Nova sa limay bataan.
05:01Unti-unti na rin lumulubog ang kabuhayan ni Baby Lynn sa Cavite.
05:05Lapis na napuruhan ang kita niya sa pagtitinda ng tahong at alaba.
05:09Mula nung mapadpa doon ang lagis mula sa bataan.
05:12Kapag naubos na rawa ka rin ng paninda, hihinto muna sila sa pagbebenta.
05:16Malaking tulong daw para sa mga tulad niya ang hinihiling na danyos ng lokal na pamahalaan ng Cavite sa mga kinatawa ng MTKR Terra Nova at International Oil Pollution Compensation Fund.
05:33May gitsampung milyong piso yan kada araw.
05:36Batay ito sa tinatayang P350 na arawang kita ng 31,000 na Caviteño na obaasa sa huli mula sa dagat.
05:45Ngunit kahit mabayaran yan, pananagutin pa rin daw ang mamay-ari ng barko.
05:50Wala ho kaming arigluhan. Kung mayroong pananagutan na kriminal, mananagut sila.
05:55Kabilang sa embestigasyon ay kung sangkot ang MTKR Terra Nova, so morey paihi o iligal na pagsasali ng langis ng mga barko para makaiwas sa pagbabayad ng buwis.
06:06May ulat kasing may katabi itong isa pang barko habang matagal nang nakahinto sa karagatan ng bataan.
06:11Sa ganung paraan, dun sila nakatinga na abutan tuloy sila ng bagyo.
06:15We cannot make conclusions right now, pero red flag siya.
06:18Marein itong itinanggi ng may-ari ng MTKR Terra Nova at may CCTV rawang barko para maiwasan ang paihi.
06:26Samantala, nasa limay bataan na ang mga tauhan ng U.S. Coast Guard at National Oceanic and Atmospheric Administration para magbigay ng technical assistance sa mga isinasagawang oil recovery operations.
06:39Ang bataan naman na naunang sinailalim sa State of Calamity dahil sa bagyong Karina at Habagat,
06:44nagdeklara ulit ng State of Calamity dahil sa epekto ng paglubog ng mga oil tanker na MTKR Terra Nova, MTKR Jason Bradley, at pagsansad ng MV Mirola One.
06:55Labing pitong libong mangis daroon ang apektado ng oil spill.
06:59Jun Veneración, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
07:03Sinagot ni Olympic double gold medalist Carlos Yulo ang mga pahayag ng kanyang ina tungkol sa kanilang tampuhan dahil sa pera.
07:11Ipinagtanggol din niya ang kanyang nobya. May report si Mariz Umali.
07:18May mga gusto lang po akong i-clarify doon sa mga interviews at mga sagot ng nanay ko po.
07:24Sa isang video na kanyang pino sa social media, si Olympic double gold medalist Carlos Yulo na mismo
07:29ang sumagot sa mga isyo kaugnay sa pera na isa sa pinagmumula ng tampuhan nila ng kanyang inang si Angelica Yulo.
07:36Hindi niya sa akin sinasabi na nareceive niya na pala yung incentives ko from world championships.
07:42Hindi ko pa po malalaman na nareceive niya na po yung incentives ko kung hindi ko pa po hinanap.
07:49Never ko na po nareceive yung incentives ko po na yun.
07:52Never ko na rin naman po na hiningi yun sa kanila.
07:57Nasa kanya din kasi yung bank account ko sa monthly allowances sa pagsigymnastics ko.
08:04Nung nakuha ko na yung bank account ko po na yun, doon ko po nalaman na inuubos niya po yung laman nun.
08:11Nasa akin po yung mga bank statement ng withdrawal po.
08:14Yung principle po kasi dito wala po sa liit o laki ng amount po na incentives po na ginalaw niya.
08:22Kundi po sa pagtago at paggalaw niya nang wala ko pong consent.
08:32Sabi niya po nagsimula daw yung hindi namin pagkakaindindihan dahil kay Chloe daw po.
08:37Opo, totoo po yun.
08:39Dahil ever since unang-una pa lang ayaw niya na kay Chloe kahit hindi niya pa po nakikita or nakikilala in person.
08:48And mas nagkalabuan po kami nung naglagay po ako ng boundaries sa relationship ko.
08:54Kasi pinaglaban ko po si Chloe dahil gusto ko po siya.
08:58Si Chloe po may sarili po siyang income.
09:00Lahat po nang nakikita yung gamit o yung pag-travel niya kung saan saan po.
09:05Galing po yun sa pinagpaguran niya po.
09:07And lahat po ng bank account ko po nasa mama ko po.
09:11May mga instances po talaga na si Chloe po yung sumasalo sa akin.
09:20Actually, nagkita po yung mama ko and yung family ni Chloe twice po.
09:23The last resort, my family made a group chat nakasama everybody involved.
09:29Because my family wanted to address kung ano yung issues ni mama towards me.
09:35Even though my family knew na madami na siyang pinupost.
09:39My family still welcomed them, treated them with respect.
09:43May tugon din si Carlos sa ina na nagpa-abot ng pagbati sa kanya.
09:47Kung genuine po talaga kayo, maraming maraming salamat po.
09:50Ina-acknowledge ko po yung pagka-congratulate niyo sa akin.
09:52Pero nagpa-flashback pa rin po talaga yung masasakit yung sinabi sa akin.
09:59At yung mga hindi niyo pag-wish well sa akin.
10:03Like, tumatatakpo yun sa akin talaga.
10:06Ang message ko po sa inyo na mag-heal kayo, mag-move on.
10:11At napatawad ko na kayo long time ago po.
10:14Pinagpipray ko na maging safe kayo palagi.
10:17At nasa maayos kayong kalagayan dyan lahat.
10:21Tigilan na po natin to.
10:24I-celebrate na lang po natin yung mga ginawa po ng paghihirap,
10:28pagsasakripisyo ng bawat atletang Pilipino dito sa Olympics.
10:32Mariz Umali nagbabalita para sa GMA Integrated News.
10:37Magbabalik trabaho na si Bohol Governor Errico Aristotol Aumentado.
10:42Binawi na kasi ng ombudsman ang six-month preventive suspension sa gobernador
10:47at ilan pang opisyal.
10:49Dahil yan sa pagtatayo ng Captain's Peak Resort sa Chocolate Hills.
10:59Inatake ng asong galang isang batang natutulog sa kanilang bahay sa India.
11:04Yan at iba pang balita abroad sa report ni Ian Cruz.
11:10Palibot-libot ang asong yan hanggang makapasok sa isang bahay sa Gujarat, India.
11:16Nakalapit ang aso sa batang natutulog sa sofa at sinakmalito.
11:20Nahulog ang bata sa sahig habang iwinawasiwas ng aso.
11:25Nataboy lang ang aso nang dumating ang isang lalaki.
11:29Naturo ka na ng anti-rabies ang bata.
11:32Kinailangan ding tahiin ang kanyang mga sugat.
11:35Walang nagmamayari sa umataking aso.
11:39Mundik mahagip ang lalaking naglalaro sa golf course sa California, USA
11:44nang mag-emergency landing ang isang aeroplano.
11:47Ayon sa local media, nagkaproblema sa makina ng aeroplano.
11:51Ligtas ang piloto na nagtamo ng sugat.
11:57Kinailangan ng mag-water drop ng helicopter para apulahin ang nasusunog na bahay sa Southern California, USA.
12:05Inabutan ito ng wildfire na sumiklab dito pang lunes.
12:10Abot na sa dalawad na ang bumbero ang Romes Ponde.
12:14Nagpatupad na rin ang mandatory evacuation.
12:17Ian Cruz ang babalita para sa GMA Integrated News.
12:22Nagsumite ng mga dagdag na dokumento sa NBI ang magamang Nino at Sandro Mulak.
12:27Kaugnayan ng reklamo laban sa dalawang independent contractor ng GMA Network.
12:32May report si Nelson Canlas.
12:35Muling nagtungo sa opisina ng NBI sa Quezon City ngayong araw si Nino Mulak
12:40at anak niyang si Sparkle Artist Sandro Mulak.
12:43Nagsumite sila ng ilan pang dokumento para pagtibayin ang kanilang reklamo laban sa dalawang individual.
12:50Nagbigay na rin na kanyang ofisyal na pahayag si Nino sa NBI.
12:54Pero tumanggi ang mag-ama na magpa-interview.
12:57Dumating rin ang kinatawa ng isang hotel kung saan umabot.
13:01Dumating rin ang kinatawa ng isang hotel kung saan umabot na ganap ang insidenteng inireklamo
13:06ng mag-ama para isumiti ang CCTV footage na ipinasabina ng NBI.
13:12Walang pahayag ang NBI o ang magamang Mulak kung ano ang isinampang kaso at kung sino ang mga inireklamo.
13:20Pero kinumpirma ng abogado ng dalawang independent contractors ng GMA Network
13:25na ang kanyang mga kliyenteng sina Jojo Nones at Richard Cruz ang sinampahan ng reklamo.
13:32Natanggap na rin daw nila ang sabina mula sa NBI Public Corruption Division
13:37para sa isang hearing sa biernes ng hapon.
13:40Sina Nones at Cruz din ang iniimbestigahan ngayon ng home network ni Sandro na GMA
13:46matapos silang ireklamo ng batang aktor noong isang linggo.
13:50When si Sandro nga filed the written complaint with GMA,
13:54we already gave them notice of preventive suspension pending the investigation
14:00and yun nga, we constituted an independent body to conduct the formal impartial investigation of the case.
14:09And of course, we have to abide by the rules of due process.
14:14Nelson Canlas nagbabalita para sa GMA Integrated News.
14:20Yan po ang State of the Nation. Para sa mas malaking misyon, ako si Mackie Pulido.
14:24Para sa mas malawak na paglilingkod sa bayan, sa ngala ni Atom Araulio, ako si Sandra Aguinaldo.
14:30Mula sa GMA Integrated News, ang news authority ng Pilipino.
14:50www.gmanews.tv