• last year
Narito ang maiinit na balita sa Balitanghali Express ngayong Martes, August 13, 2024:


-21-anyos na rider, arestado dahil sa modus na pagnanakaw sa mga babaeng niyayayang mag-road trip
-Diplomatic protest, inihain ng Pilipinas matapos magpakawala ng flares ang eroplano ng China sa ruta ng eroplano ng Pilipinas sa Panatag Shoal
-Senate Pres. Escudero: Hindi babawasan ang mga holiday; pero hindi na basta-basta magdadagdag ng local holidays
-39-anyos na lalaki, arestado para sa mga kasong estafa at pagnanakaw; hindi pa makuhanan ng pahayag/ Lalaking inaresto sa Rizal, wanted din sa QC para sa iba pang mga kaso; wala pa siyang pahayag
-Pagbangga ng pickup sa isang bata, nahuli-cam
-Lalawigan ng Batangas, isinailalim sa State of Calamity dahil sa epekto ng African Swine Fever
-MERALCO, may dagdag-singil na P0.0327/kWh ngayong Agosto
-Richard Cruz at Jojo Nones, itinanggi sa Senado ang alegasyong sexual harassment kay Sandro Muhlach
-Halos 30 bahay, napinsala sa pananalasa ng buhawi
-Unang bugso ng dagdag-sahod sa mga empleyado ng gobyerno, inaasahang maibigay na ngayong taon
-Mga atletang Pinoy na lumaban sa Paris Olympics, pauwi na; bibigyang-pugay mamaya sa Malacañang
-Aso, patay matapos mabundol ng isang kotse; driver, tumakas
-Rider, sugatan matapos sumemplang dahil sa mga nahulog na basura mula sa truck
-"Two-fie" nina Miguel Tanfelix at Nancy McDonie, pinusuan
-P1M halaga ng umano'y shabu, nasabat sa isang lalaki/ 20-anyos na Grade 9 student, arestado dahil sa pagbebenta ng shabu; parokyano ng suspek, arestado rin
-PNP Chief Marbil sa kampanya kontra-droga: "Wala po tayong karapatan na kunin ang buhay ng ibang tao"
-Phase ng LRT-1 Cavite Extension mula Baclaran hanggang Dr. Santos, Parañaque, target buksan sa Oktubre
-Iloilo Province, nagdeklara ng dengue outbreak
-Furniture warehouse, nasunog; halaga ng pinsala, umabot sa P28M
-Pastor Quiboloy, hindi pa rin natutunton ng NBI sa KOJC Compound
-Helicopter, bumagsak sa bubong ng isang hotel; piloto, patay
-Dept. of Agriculture, hindi magdedeklara ng National State of Calamity dahil sa ASF
-Sparkle stars, pinasaya ang Global Pinoys sa "Sparkle World Tour" sa Amerika at Canada
-Golden retriever na well-behaved sa loob ng simbahan, kinagigiliwan online
-Batang lalaki, aksidenteng napana ng kalaro sa noo
-Pinoy Paralympians, nasa France na para maghanda sa 2024 Paralympics simula August 28









For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs, including the full version of Balitanghali.

Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 10:00 AM (PHL Time).

#GMAIntegratedNews #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

Category

🗞
News
Transcript
00:00Magandang tanghali po!
00:10Oras na para sa mai inat na balita!
00:13Arrestado ang isang lalaki sa Tanay Rizal na aminado sa modos niya sa pagnanakaw.
00:34Ang mga tinatarget ng suspect, mga babae na kikilala online, na niyayayan niyang mag-road trip.
00:40Balita atid ni EJ Gomez.
00:47Matapos makipaghabulan, nadakip ng Tanay Pulis ang 21 anos na lalaking ito,
00:53na inirereklamo ng pagnanakaw sa mga babaeng niyayaya umano niyang mag-road trip.
00:59Ayon sa Tanay Municipal Police Station, isang biktima ang dumulog sa kanila
01:03at inireport ang suspect na si Alyas Jello na tumangay umano ng kanyang mga gamit.
01:08Nangyari raw yan ang baybayin nila ang kahabaan ng marilaki highway sa Tanay Rizal,
01:12alas dos na madaling araw noong biernes.
01:15Nakilala ng biktima itong suspect through online.
01:18Sinundo ng suspect itong biktima sa Quezon City.
01:22So from Quezon City, pumunta sila ng Tanay.
01:26At yung gamit ni biktima ay nilagay muna dun sa u-box ng motor.
01:31Pagdating ng Tanay, ina-lockdown ng suspect ang babae na makipagpalitan sa pag-drive ng motorsiklo.
01:37Nang pumayag ang biktima at nakababa ng motorsiklo, doon na raw humarurot ang lalaki.
01:42Pumayag naman po siya. Wala naman po nangyari.
01:46Balay ang pakikulang po yung gamit niya po.
01:49Pagdating nila sa marilaki at actually madalim na.
01:53Noong si suspect na yung nakasakay, iniwan niya si girl dun sa madilim na lugar sa Tanay.
01:59Natonton ng polisya ang suspect kalahating oras matapos ang krimen.
02:03Nabawi sa kanya ang cellphone at iba pang gamit ng biktima.
02:06Aminado naman ang suspect sa kanyang modus.
02:09Nakaraang taon pa raw nagsimula ang kanyang modus at nasa limang mga babae na raw ang kanyang nabiktima.
02:15Ayayin ko po silang gumala.
02:18Tapos mag-aabot na lang ako.
02:22Pampambayad ganun po.
02:24Baliin po. Pag nakakuha lang po nandiyan po, iiwan po.
02:27Random ko lang po silang pinipiloy.
02:29Kasalukuyang nakaditini ang suspect sa custodial facility ng Tanay Municipal Police Station.
02:34EJ Gomez, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
02:39Bagong-bagong balita.
02:41Naghahin na ng diplomatic protest ng Pilipinas laban sa China matapos itong magpakawalan ng flares sa himpapawidang Bajo de Macinloc o Panatag Shoal.
02:49Ibinagsak ng Chinese fighter jet ang flares habang nagsasagawa ng routine maritime patrol ang aeroplano ng Philippine Air Force noong Huebes.
02:57Bagaman may kasunduan ng Pilipinas sa China kaugnay ng resupply missions sa Yungin Shoal,
03:02nilinaw ng Department of Foreign Affairs na hindi niyan sakop ang mga patrol sa himpapawid ng Panatag Shoal.
03:08Inagusapan na ng National Maritime Council ang mga susunod itong hakbang.
03:12Sabi ni Defense Secretary Gibo Atedoro, asahan na raw na mauulit ang pangigipit ng China
03:18para naman sa National Task Force for the West Philippine Sea, irresponsable, unprofessional, at iligal ang ginawa ng China.
03:27Nalagay raw sa alanganin ng buhay ng mga Pinoy kahit hindi naman sila banta sa Chinese jets.
03:32Dagdag ng AFP Chief of Staff General Romeo Browner Jr.,
03:35delikado ang mga flare dahil posibling mapunta ito sa mga propeller o kaya'y masunog pa ang aeroplano.
03:42Una nang i-genate ang Southern Theater Command ng Chinese military na iligal na nang himasok umano sa kanilang training ang aeroplano ng Pilipinas.
03:50Nilinaw ni Senate President Chisa Escudero na hindi babawasa ng mga holidays sa bansa, pero hindi na rin ito basta-basta dadagdagan pa.
03:58Kasunod ito, napayangyay Escudero nung isang ligo na nagkasundo ang Senado na limitahan ang pag-aproba ng mga panukala para sa mga local holiday.
04:06Ayon kay Escudero, may 21 national holiday na, at buko dito, may local holiday rin ang mga bayan, lungsod, o probinsya.
04:15Dapat daw tignan na hindi na madagdagan o madoble ang mga local holiday.
04:20At dagdag naman ni Sen. Cynthia Villar, non-working holidays lang ang napagkasunod ng Senado na limitahan.
04:26Malaki raw kasi ang gastos nito para sa pribatong sektor, pati na sa gobyerno.
04:31Ayon naman sa Employers Confederation of the Philippines o ECOP, walang masama sa holiday kung hindi ito non-working holiday.
04:38At hindi na ma daw kailang maapektuhan ang productivity ng mga kumpanya dahil dito.
04:43Ang mapayag ng mga Senador ay kasunod ng rekomendasyon ni Labor Secretary Bienvenido Laguesma
04:49na nakaka-apekto umano sa productivity ang anyay masyadong maraming non-working holiday sa bansa.
04:57Arestado sa Rizal ang isang lalaki na napagalamang wanted din sa iba pang mga kaso sa Quezon City.
05:02Sa hewalay na operasyon, nahuhuli rin ang isa pang lalaking wanted para sa estafa at pagnanakaw.
05:08Balita natin ni James Agustin.
05:13I-inquest na ng polisya ang 39 anyo sa lalaki matapos mahuli sa reklamong pagnanakaw sa Quezon City.
05:19Pero bago pa mangyari yan, sinilbihan din siya ng mga warrant of arrest sa mga operatiba ng masambong polis
05:25para naman sa mga kasong estafa at two counts ng theft.
05:28Na-find out ng ating mga warrant personnel na ito pong tao na na-aresto ng station pong QCPD is the same person na hinahanap namin.
05:39Ikap ito sa most wanted persons list ng polisya ang lalaki.
05:42Ayon sa QCPD, mula 2015 ay pitong beses na siyang nasampah ng iba't-ibang kaso.
05:47Kinoconsidered as one of the member ng criminal gang involved particularly in robbery and theft here in Quezon City and some parts in Metro Manila.
06:02Nakulong na rin po siya dati dito way back 2022 na kalaya because of bail.
06:09Upon posting bail, nakagawa pa rin siya ng mga iba't-ibang crimes.
06:17Sinusubukan pa namin makuang panig ng lalaki na nakapiit sa Talipapa Police Station.
06:21Sa binangon ng city jail naman isinilbi ng masambong polis ang warrant laban sa 22 anos sa lalaki.
06:27Yan ay para sa mga kasong two counts ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act at paglabag sa Omnibus Election Code.
06:34Taga Quezon City ang lalaki at nahuli sa binangon ng Rizal dahil sa kasong carnapping at theft.
06:39Upon knowing the location of the arrested suspect, dun po natin naiserve yung warrant of arrest po na nasecure po ng ating warrant personnel.
06:50Una sa listahan ng mga most wanted person ng polisya ang lalaki.
06:54Sinusubukan pa namin makuhanan siya ng pahaya.
06:57James Agustin nagbabalita para sa GMA Integrated News.
07:05Ito ang inyong Regional TV News.
07:11Oras na para sa mga balitang hatin ng GMA Regional TV mula sa Luzon.
07:15At kasama po natin si Chris Zuniga.
07:18Chris?
07:21Salamat tiya. Arestado ang isang lalaki mula sa Vigan, Ilocos Sur, dahil sa pananaksak sa sarili niyang ama.
07:27Sa Batangas City naman, nasa pool ng pick-up ang isang bata.
07:31Ang may litabalita hatin ni Denise Abante ng GMA Regional TV.
07:37Kita sa CCTV footage ang pagbaba mula sa sinasakyang tricycle ng magamang nangangalakal sa Batangas City.
07:44Pumasok sila sa isang eskinita.
07:46Sasunod na kuha ng CCTV, makikita ang paparating na pick-up.
07:50Tsyempong lumabas din ang bata mula sa eskinita nang biglang,
07:54nasa pool ang bata ng sasakyan.
07:57Agad binuhat ng ama ang bata at isinakay sa naturang sasakyan.
08:00Yan po eh hindi po naman accident po.
08:03Ngayon lang po ako nakarinig na mayroon doon na aksidente.
08:07Hindi pwede magbilisan ang mga sasakyan.
08:10At talaga naman pong hindi talaga po yan nakakarinig pa ako na may report na doon po may aksidente na nangyari.
08:21Inaalam pa ng barangay ang pagkakakilan la ng driver ng nakabanggam pick-up at ng mag-aama.
08:26Wala raw kasi silang natanggap na reklamo kaugnay sa insidente.
08:31Sa San Fernando, Camarines Sur, hulikam ang salpukan ng multipurpose vehicle at isang trailer truck.
08:37Sa lakas ng impact, halos mawasak ang unahan ng MPV.
08:41Isa ang pataya.
08:43Sugata naman ang anim na iba pang sakay ng MPV.
08:46Nagswerve to the left, directly going to the direction of the trailer truck.
08:52Based po doon sa dalagan sa sasakyan niya, garo'ng nagluluwas po doon na garo'ng napa-idli po itong driver.
09:01Ang mga sakay ng MPV hindi na raw magsasampan ang kaso sa driver ng truck.
09:07Nakuna ng CCTV ang sasakiyang ito na huminto sa tapat ng barangay hall ng Lakyo Saray at Pampanga.
09:14Mabilis na bumaba ang mga armadong lalaki at pinagbabaril ang loob ng barangay hall.
09:20Patay sa pamamaril ang barangay chairman na si Mel Lumbang.
09:23Sinubukan gumanti ng putok ng baril ang mga umano'y bodyguard ng biktima pero mabilis na nakatakas ang mga suspect.
09:30Kakausap ko po mismo, ang commission director ng Pampanga initially allegedly ito na ang mga bodyguard ni Kapitan.
09:38Kaya alamin din po natin yan ma'am kung kailangan natin ma-identify itong nakita natin sa footage na tatlong armadong lalaki na pumutok din po.
09:48Kailangan natin malaman at kailangan din natin makuha ang mga baril na kanilang ginamit at titignan natin kung sila ba ay otorizade.
09:56Meron silang permit to own and possess firearms as well as permit to carry firearms outside their residence."
10:03Sa record ng PNP, dating miyembro ng New People's Army si Lumbang at nakulong noon dahil sa kasong murder at frustrated murder.
10:112022 nang makalaya siya, kumandidato at nanalos eleksyon.
10:16Atin dini-discount yung possibility na ito ang pagpatay sa kanya ay may kinalaman sa kanyang trabaho bilang barangay captain.
10:24At yung dating niyang background ay inaalam din natin.
10:27At syempre kung ito ba ay may kinalaman sa sinasabi nilang usap-usapan na may planong tumakbo dito sa dakating na eleksyon sa 2025
10:36dinang vice mayor kung si barangay captain Lumbang."
10:40Dito po, parang ang politika talagang mabigat po tuwing sasapit po ang eleksyon period.
10:48Ganyan po ang nangyayari dito sa bayan po namin."
10:51Hindi lang ako, anak, tsaka mami ko na magdadala mahati ngayon, hindi buong barangay."
11:01Tinutugis ng polisya ang mga suspect.
11:04Bumuon na rin ang Special Investigation Task Group Lumbang ang PNP upang tumutok sa kaso.
11:11Sa kulungan ang bagsak ng 42 anyos na lalaki matapos saksaki ng kanyang sariling ama sa Vigan City.
11:18Sa imestigasyon ng polisya, nakainom ang suspect nang puntahan ang bahay ng kanyang mga magulang para humingi ng pera na pambayad daw niya sa kuryente.
11:26Mas perdon sa father, hindi niya binigyan kasi parang ipangiinom lang kaya hindi binigyan."
11:35Dinala sa hospital ng biktima na nagtamon ng saksak sa kanang kamay.
11:39Ayon sa otoridad, desidido ang magulang ng suspect na sampahan ng kaso ang kanilang anak.
11:44Denise Abante ng GMA Regional TV nagbabalita para sa GMA Integrated News.
11:52Isinailalim na sa State of Calamity ang buong lalawigan ng Batangas dahil sa efekto ng African Swine Fever.
11:58Batayan sa rekomendasyon ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council na pinagtibay ng Sangguniang Panlalawigan.
12:05Mas makakakilos daw ang pamahalaan kung magagamit ang Pondo Bonsod ng Deklarasyon.
12:11Sa edisyon na tala ng Office of the Provincial Veterinarian, nasa 13 billion pesos na ang danyos dahil sa ASF.
12:18Mahigit dalawang libu na ang kinatay na baboy at patuloy parang itong nadaragdagan.
12:23Patuloy naman ang blood sampling at RT-PCR tests sa mga hindi efektadong barangay at munisipalidad.
12:30Sa ngayon, 6 bayan at 1 lungsod sa Batangas ang nakapagtala ng kustibong kaso ng ASF.
13:00Pagdating ng Miralco, nagmura ang generation charge o presyo ng kuryente mula sa mga planta.
13:05Sadyang mas malaki lang ang itinaas ng transmission charge ng National Grid Corporation of the Philippines o NGCP dahil sa binili nitong reserwang kuryente.
13:17Ito ang unang paglantad sa publiko ng dalawang inakusahan ng aktor na si Sandro Bulac ng sexual harassment,
13:24Richard Cruz, the script writer and creative consultant,
13:27at si Giorgio Nones, dating consultant,
13:29at kay Direktor, mga independent contractors ng GMA Entertainment Group.
13:34Sa harap ng Senate Committee on Public Information and Mass Media,
13:37itinanggi nila ang okusasyong minulestia ang anak ng veteranong aktor na si Nino Bulac.
13:43Hindi po kami gumawa ng kahit anong sexual harassment or abuse laban kay Sandro Bulac.
13:50Sa pagkakataong ito, sa harap ng iyong lahat, mariing tinatanggi po namin ang lahat ng mapanirang okusasyon na ito laban sa amin.
14:02Guys, Sandro, wala kaming ginawang masama sa iyo at alam mo yan sa puso mo.
14:09Hindi pa huli ang lahat na magsabi ng totoo.
14:14Dagdag ng dalawa.
14:16Sa tinagal-dagal namin sa industriya, wala po kahit na isang reklamo, sexual man or anuman, ang nagpile sa amin.
14:25Kaya hindi po namin sisirain ang iniingatan naming pangalan at karera at reputasyon para makapag-abuso o harass ng isang tao.
14:39Lalo na po na alam namin na anak ng sikat na artista at ma-influence ang pamilya.
14:45Ano ba naman po ang laban naming mga ordinaryong manggagawa lamang laban sa kanila?
14:51Hindi naman po namin itinatangging bakla kami.
14:54Sa katunayan, ang pagiging bakla namin ang isa sa mga dahilan kaya kami naging creative, artistic at nagkaroon ng skills na kailangan sa industriya.
15:03Buong buhay namin, ginamit namin ang pagiging bakla namin sa maayos na paraan para maitaguyod ang aming mga pamilya.
15:13May panawagan sila sa publiko.
15:15Sa huli kami rin po ay humihiling ng Hustisya, mabigyan sana ng Hustisya ang malisyosong pagbibintang sa aming.
15:22Kaya po namin, kaya po namin mapatunayan sa Piskalya o Korte na wala kaming kasalanan.
15:28Hintayin lang po sana natin ang proseso, ang due process.
15:32Habang hinihintay po yan, humihiling po kami sa sambayanan na huwag niyo po muna kaming husgahan.
15:39Ipakawa na para mga convicted na criminals.
15:43Sa pagtatanong ng Sen. Djingo Estrada, kaugnay sa ilang detalya ng pangyayari,
15:47humiling ng Executive Session ang dalawang inereklamo na pinagbigyan naman ng Komite.
15:53Matapos ang Executive Session, kung saan confidential ang mga pinag-usapan, itong sinabi ng ilang Senador.
15:59We cannot divulge first yet the details of what transpired during the Executive Session.
16:08But what we all understand right now, there is a strong evidence against these two gentlemen.
16:19Binasa ni Nino sa pagdinig ang palitan ng text ng anak niya si Sandro at ni Nones maga alas 4 ng umaga ng July 21
16:28para raw maipakita na si Nones ang unang nag-message kay Sandro.
16:32Depensa ng abogado ni Nones, hindi nila itinatanggi kung sino ang unang nag-text
16:37pero hindi umano nila inimbita si Sandro sa hotel room.
17:03Tapos sumagot nalang si Jojo.
17:05Gusto mo ba, we have some alcohol here in the room.
17:08You can order some more.
17:10Sa samin ni Sandro, sino-sino po kayo sir? Ha-ha-ha-ha.
17:14Just me.
17:16And then, matagal na rin na hindi nag-reply si Sandro.
17:21Siyempre, yung bata nakita niyang siya na mag-isa, hindi na sumagot.
17:26Takot, diba?
17:29Okay, so...
17:31After a while, siguro nung na-realize na hindi na sumagot si...
17:36Ha-ha-ha, just kidding.
17:38Kasama ko sa drama, peeps.
17:40But we're wrapping up in a bit.
17:42Answer pa ba kay sir, baka po pwede dumaan saglit.
17:45Sure, may kasama ka?
17:47No po, ako lang.
17:49Sabi pa ni Nino, sa naunang pag-aharap nila ni na Cruz at Nones,
17:55nagsori sa kanyang dalawa.
17:57Umiiyak sila nung nagsori sila.
17:59They were crying, both of them.
18:01And they even offered to donate a certain amount to a charitable institution of my choice.
18:09Ano sabi ko po sa kanila?
18:11Ako, tao lang ako.
18:13Diyos nga, marunong magpatawad.
18:14Kaya ko kayong patawarin.
18:15Pero kailangan pagbayaran niyo yung ginawa niyo.
18:17Ang context po kasi, yung parang, sorry, pero wala po kaming ginawang masama sa anak niyo.
18:24Sa susunod na pagdinig, kakausapin din ni Nino ang kanyang anak kung maari itong magbigay ng payag sa Senado kahit sa pamamagitan ng video conferencing.
18:33Sandra Aguinaldo, Nagbabalita para sa GMA Integrated News.
18:53Sa basista Pangasinan ang napinsala sa pananalasan ng isang buhawi.
18:58Sa kuha ng isang netizen, naglipalan ng yerok, kahoy at iba pang gamit dahil sa sobrang lakas ng hangin at ulan.
19:06At sa isa pang kuha, makikita namang nagbagsakan ang mga puno sa kalsada.
19:16Nataganan pa ang kuliglig ng isang residente.
19:19Ayon sa basista MDR-RMO, 26 na bahay ang napinsala sa kanilang lugar.
19:26Sa bahay ng Urbis Tondo, may tatlong bahay ring nasira dahil sa buhawi.
19:30Sa Sinayte, Ilocos Sur naman, bago tumama sa lupa, namataan ng mga residente ang nabuong ipo-ipo sa dagat.
19:37Ayon sa kumuha ng video, mabilis ang paggalaw ng ipo-ipo. Wala naman na saktan sa ipo-ipo.
19:44Ang masamang panahon sa Ilocos Region ay efekto ng hanging habagat at asahan muli yan.
19:50Apektado rin ang habagat ang ibabang bahagi ng Luzon kasama ng Metro Manila at Western Section ng Visayas, ayon sa pag-asa.
19:57Malaking bahagi ng bansa ang posiblo muli ang ulanin sa mga susunod na oras basa sa rainfall forecast ng Metro Weather.
20:04Posible ang heavy to intense rains na maaaring magdulot ng baha o landslide.
20:09Wala naman efekto sa lagay ng ating panahon ng bagong bagyo sa Pacific Ocean na may international name na Amphil.
20:14Isa itong tropical storm na huling namataan, 1,570 kilometers east-northeast na extreme northern Luzon.
20:22Inaasahang tutumbukin nito ang bansang Japa.
20:27Inaasahang may bibigay na ngayong taon ang unang bugso ng dagdag sahod sa mga empleyado ng gobyerno.
20:33Ayon sa Department of Budget and Management, puponduhan daw ito ng Miscellaneous Personal Benefits Fund at Unprogrammed Appropriations.
20:40Pinatayang nasa P36 billion pesos ang halaga ng unang tranche.
20:44Sa ngayon, inilabas na ang Budget Circular na nagdedetali ng unang tranche.
20:48Nagpadala rin sila ng guidelines sa mga opisina at ahensya ng gobyerno para simulan na ang pagkocompute sa salary adjustments.
20:55Retroactive raw ito na dapat noong Enero pa na ipatupad.
20:59Kung magkano, depende sa salary grade o ranggo.
21:02Hindi kasama rito ang mga polis at sundalo dahil may sarili silang salary structure.
21:06Liyang Pilipinas na ang Pinoy Olympians na lumaban sa 2024 Paris Olympics.
21:16Ayon sa Office of the Presidential Protocol, bandang alas 6 ng gabi sila darating sa bansa.
21:21Susunduin sila sa Villamer Air Base at didiretso sa Malacanang, kung san sila sasalubungin ni Pangulong Bongbong Marcos at ng First Family.
21:29Magkakarundoon ang awarding ceremony at dinner reception.
21:32Labim-pito sa 22 olympian ang makakasama dyan ayon sa Presidential Communications Office.
21:38Makatatanggap sila ng Presidential Citation, habang Presidential Medal of Merit naman para kay Olympic Double Gold Medalist Carlos Yulo.
21:46Makatatanggap din sila ng cash incentive mula sa Pangulo.
21:50Bukas naman gagawin ang Heroes Parade para sa mga Pinoy Olympian sa Maynila.
21:54Samantala, bibig ang pagkilala ng kamara sa na-Olympic Bronze Medalists Ira Villegas at Nesty Pepesho.
22:01Batay sa dalawang inihaing resolusyon, gumawa ng makasaysayang milestone ng dalawa sa nagdaang Paris Olympics.
22:08Sa isa pang resolusyon, binatirin ang kamara ang buong Philippine delegation para sa kanilang paglaban sa kompetisyon.
22:16Huli ka mang pagbundol ng isang kotse sa asong yan sa labas ng isang bahay sa Naga Kamarinesur.
22:22Tumilapo ng aso at namatay. Hindi huminto ang kotse para tingnan ang kalagayan ng aso.
22:28Pakiusap ng isang animal rights group sa mga sana ay sanagay sana isinuri naman lang nang tumaka sa driver ang aso at baka naisalba pa ito.
22:36Panawagan din nila na magkaroon ng ordinansa sa lungsod para ma-monitor ang mga may-ari ng alagang hayo.
22:45Sugatan ang isang rider matapos sumemplang sa Ortigas flyover at ang dahilan mga plastik ng basura
22:52na nahulog mula sa isang truck.
22:54Balit ang hatid ni James Agustin.
22:59Nagtamo ng mga sugat sa braso at tuwod ng lalaking ito matapos sumemplang ang minamaneho niyang motorsiklo
23:05sa northbound lane ng Ortigas flyover pasado las dos sa madaling araw kanina.
23:09Ang dahilan ng aksidente, ang mga plastik ng basura na nahulog mula sa dumaang garbage truck.
23:15Ayon sa straight sweeper na si Romy, mabilis na takbo ng truck.
23:18Nakita ko nga bumagsak yung basura sa garbage truck.
23:24Pagbagsak nung kumalat na, sabi ko pa naman, sabi ko, nako, andami na naman trabaho mamaya umaga kako.
23:30E mamaya kunti may narinig akong pumalabog. Nakita ko nakatiyaya yung motosiklo na dito.
23:36Hindi makatayo ang 27 anyos na rider na agad namang nilapatan ang paunang lunas ng MMDA.
23:42Isinakay siya sa ambulansya.
23:43Galing ang rider sa Mandaluyong at pauwi na rao sa San Mateo Rizal.
23:47Nang mangyari ang aksidente, ang mga plastik ng basura, iginilid ng mga straight sweeper.
23:53Binuhusan din ng tubig ang mga sebo na nagkalat sa kalsada.
23:56Dalawang lane ng flyover ang pansamantalang hindi nadaana ng mga motorista.
24:00Kaya bagyang bumagal ang daloy ng mga sasakyan.
24:03Inalam pa ng MMDA ang plate number ng garbage truck.
24:06James Agustin nagbabalita para sa GMA Integrated News.
24:14Mga mare at pare, kilig overload ang fans sa 2Fee ni na-Sparkle stars Miguel Tan Felix at Nancy Macnoni na former member ng Momoland.
24:24Sa official ID account ng Sparkle, ipinost ang 2Fee ng dalawa with Machi Machi Winter OOTD.
24:31Ship kaagad ang fans sa MIGZ.
24:33Matatandaan na first project na magkasama sina Miguel at Nancy sa reality TV show na Running Man Philippines Season 2.
24:40Kung saan si Miguel ang bagong runner at ito naman, ang first appearance ni Nancy simula na maging Sparkle artist siya.
24:48Na-discharge na sa ospital ang singer-actor at its showtime host na si Darren Espanto.
24:54Yan ay matapos siyang ma-ospital dahil sa appendicitis.
24:58Kwento ni Darren, kakababa lang niya sa aeroplano mula sa Los Angeles, California na makaramdam siya ng pananakit ng chan.
25:06Hanggang sa lumala ito at nagpa siya na magtungo na sa ospital.
25:11Doon na niya nalaman na may appendicitis siya at kailangang operahan.
25:15Thankful si Darren sa suporta at well-wishers.
25:18Nag-sorry rin ang singer-actor para sa mga nakansilang commitments.
25:24Eto na ang mabibilis na balita.
25:27Arestado ang isang lalaki sa isinagawang bar bust sa Maynila.
25:31Arestado ang isang lalaki sa isinagawang bar bust sa Maynila.
25:34Nasabat sa kanya ang mahigit isang milyong pisong halaga ng umunoy shabu, baril, at hand grenade.
25:40Napagalamang meron na siyang warrant of arrest dahil din sa pagubenta ng ilegal na droga.
25:45Tumanggi magkomento ang suspect na maaharap sa reklamong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act
25:50at Illegal Possession of Firearms and Explosives.
25:53Arestado naman sa Paranaque ang isang grade 9 student na 20 anyos nang nahuli sa aktong pagubenta ng shabu.
26:01Nasabat sa kanya isang 150 gramo ng umunoy shabu na may halagang mahigit isang milyong piso.
26:07Aminado ang suspect na nagbibenta siya ng shabu para may ipambaon daw sa eskwela.
26:12Naaresto rin ang isang umunoy niyang parokyano na umaming gumagamit ng ilegal na droga.
26:17Maaharap ang mga suspect sa reklamong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.
26:25Sumentro sa pangangalaga sa buhay ng tao at mga karapatang pantawong kautosan
26:30ni Philippine National Police Chief Romel Marbil sa pagkapatupad ng bagong kampanya konta-droga ng administrasyon.
26:38Ito po, dun sa ating recalibrated na drug war,
26:42ang unang-una nating iiintindihin
26:47ay pagtangkilik po sa ating batas.
26:51Let us observe human rights.
26:55Let us preserve human life.
26:59Wala po tayong karapatan na kunin ang buhay ng ibang tao.
27:03Binigyang DNI Marbil na may pag-asa ang mga nasasangkot sa ilegal na droga
27:08at ang mga polis ay takapagpatupad ng batas at kayusan.
27:12Parinsunod yan sa bloodless operations campaign ng Administrasyong Marcos.
27:16Welcome development para sa ilang human rights advocate ang kautosan ni Marbil.
27:20Pero nakukulangan dito si Human Rights Lawyer-Attorney Shell Giocno
27:23na isa sa mga nanguna sa pagsasampan ng mga kaso labas sa war on drugs ng nakaraang administrasyon.
27:29Swestion ni Giocno ipatupad ang pagsusuot ng mga body camera sa anti-drug operations ng mga polis
27:34pati na ang lahat ng requirements sa pagpapatupad ng Comprehensive Dangerous Drugs Act sa mga by-bust operation.
27:43Para sa mas mabilis na byahe ng mga pasahero,
27:46target ng Department of Transportation ang interconnectivity ng mga tren sa Metro Manila
27:51at sa mga kalapit na lalawigan.
27:53Sa pamamagitan po yan ang Greater Capital Region Railway System.
27:58Balita hatid ni Joseph Moro.
28:03Sa Oktubre, target buksan ng Department of Transportation ang Phase 1
28:08ng LRT-1 mula Baklaran hanggang Paranyake.
28:10Kaya nga nagsususpindi na ang LRT-1 ng operasyon nila tuwing weekends bilang paghahanda rito.
28:29Isa ang LRT-1 sa apat na linya ng tren sa Metro Manila
28:33pero limitado ang sakop ng mga ito at mahirap para sa ilan ang magpalipat-lipat ng tren.
28:38Pero may plano ang DOTR na pagkabit-kabitin lahat ng mga proyekto ng tren
28:43tulad ng MRT-4, MRT-7, Metro Manila Subway at North-South Commuter Railway
28:48sa pamamagitan ng Greater Capital Region Railway System.
28:52Sa ngayon, maaaring mauna ang pag-connect ng MRT-3 at LRT-1
28:56sa pamamagitan ng isang common station na target pag-anahin sa susunod na taon.
29:08Kapag napagdugtong na ang dalawang linyang ito ng MRT-3 at LRT-1
29:13ito ang magiging loop kung saan tila kakabit ang iba pang linya ng tren na ginagawa ng gobyerno
29:18tulad ng North-South Commuter Railway Project.
29:21Pinuntahan ang DOTR ang depo sa Clark, Pampanga
29:24kung saan 82% ng kompleto ang mga pasilidad.
29:27Ito ang main depo ng buong NSCR or North-South Commuter Railway Project
29:32at ito gagawin yung mga heavy at light repairs sa mga tren
29:35kapag umaandar na ang proyekto.
29:38Itong depo na ito ay nasa ang matatapos sa Hunyo.
29:412027 ang target na partial operability mula Valenzuela hanggang sa Clark ng NSCR.
29:47Ang Metro Manila Subway naman maaaring dumugtong sa common station
29:52pati ang ginagawa pa ring MRT-7.
29:55Sa Greater Capital Region Railway System, may nakalatag ng railway system na magdudugtong
29:59sa mga probinsya ng Pampanga, Bulacan, Metro Manila, Rizal, Cavite at Laguna.
30:04Yun talaga ang dream natin na yung train system natin will be operational
30:12similar to the operations of trains in Japan or in other developed countries.
30:20Joseph Moro nagbabalita para sa GMA Integrated News.
30:28Nagdeklara na ng dengue outbreak sa lalawigan ng Iloilo
30:31dahil sa naitatalang pagtaas sa kaso nito.
30:34Ayon sa Iloilo Provincial Health Office, 36 sa 43 bayan at lungsod
30:39ang umabot na sa tinatawag na epidemic threshold.
30:42Sa tala ng Department of Health, Region 6, Iloilo Province
30:46ang may pinakamaraming kaso ng dengue sa regyon na abot sa halos 4,000.
30:51Habang sa buong Western Visayas, aabot na sa mahigit 10,000
30:55ang nagkakadengge ngayong taon.
30:5723 na ang nasawi.
30:58Sabi ng Provincial Health Officer ng Iloilo,
31:01papaubos na ang supply ng test kits sa mga LGU
31:04maging ang supply ng insecticide na pumupuksa sa adult mosquitos.
31:08Paalala ng DOH, sundin ang 5S kontra dengue,
31:12search and destroy, self-protect, seek consultation,
31:16support fogging in outbreak areas, at sustain hydration.
31:23Ito ang inyong Regional TV News!
31:29Iyahatid na ng GMA Regional TV ang mga balita mula sa Visayas at Mindanao.
31:34Kasama si Sarah Hilomen Velasco.
31:36Sarah?
31:38Salamat, Rafi!
31:40Natangay ng umano-scammer na recruiter sa Iloilo City
31:44ang Php 180,000 ng isang lalaking gustong magtrabaho abroad.
31:49Sa Lapu-Lapu, Cebu naman, aabot sa Php 28,000,000
31:53ang halaga ng pinsala sa nasunog na warehouse ng furniture.
31:56Ang mainit na balita hatid ni Adrian Prietos ng GMA Regional TV.
32:26Patuloy ang abisigasyon ng ma-autoridad sa San Ninang Apoy.
32:43Bibilid daw sana ng aircon sa Bacol City,
32:46pero sa kulungan ng bagsak na isang mag-live-in partner,
32:49nahulihan sila ng may 2,000,000 pesos na halaga ng iligal na droga.
32:52Ayon sa ma-autoridad, palusot lang ng dalawa na bibili sila ng appliance.
32:57Matagal na umanong minomonitor ng pulisya, si Alex Jerome,
33:00na itinuturong aktibong miyembro ng Bugalon Drug Syndicate.
33:17Arestado rin ang umano-runner nila.
33:20Nareso rin sa Barangay Singkang Airport ang itinuturing na drug queen.
33:25Mahigit 1.7 million pesos na halaga ng syabuang na kuha sa kanya.
33:29Ayon sa pulisya, nakulong na siya noon dahil sa iligal na aktibidad,
33:33pero depensa naman niya, matagal na siyang tumigil rito.
33:37Nagtitinda umano siya ng isda.
33:44Emosyonal ang isang lalaki sa Iloilo City matapos umanong matangay
33:47ng skamer ang kanyang perang Php 180,000.
33:51Sabi ng biktima, inutang niyang pera para sana makapagtrabaho sa Canada kasama ang nobya.
33:57At laun lang, blaserga, gano ka sa depression.
34:02At laun lang, hindi ka katalog sa panumdong, sa utang.
34:07Kita ko nanay ko, gawi, baby help me.
34:10Muna nga, dunalooy ko sa nanay kung paano yan imabayaran.
34:16October 2023, nang alukin umano sila ni Alias Inday na magproseso ng kanilang dokumento.
34:23Ang pangako, makakaalis sila noong Enero.
34:26Ang inaraw ng lalaking biktima, ang kumausap sa suspect.
34:43Nagduda raw ang pamilya kay Alias Inday.
34:46Nang pinuspo nito, ang pangakong alis at na magkasintahan.
34:50Aniya, kailangan pa raw ng dagdag ng Php 1,000 para sa plane ticket.
34:56Ang tao, galing nga na-scam niya.
34:58Kung way ko gimpos, wala kami tanikabalong na damo na gilis niya.
35:04Dain lain man, may bicol, may sambuanga kagbakulod.
35:10O pati pakaisaya, ging scam niya man.
35:13Nauna nang nangako si Alias Inday na i-refund ang pera.
35:17Pero matapos ang ilang buwan, wala pa rin silang natanggap na pera.
35:20Plano ng Pamilang Idolog sa NBI, ang reklamo.
35:23Lalo't hindi na sumasagot sa kanila si Alias Inday.
35:40Si Alias Inday, posibling masampahan ng staff at illegal recruitment in relation to cybercrime.
35:47Adrian Prepos ng GEMI Regional TV, nagbabalita para si GEMI Integrated News.
35:53Hindi pa rin nakikitan mga operatiba ng National Bureau of Investigation,
35:58si Pastor Apolo Kibuloy sa Kingdom of Jesus Christ Compound sa Davao City.
36:03Muling kumunta mga operatiba sa KOJC Compound itong biyernes
36:07para isilbi ang mga arrest warrant at contempt order ng Senado Laban sa Paskor.
36:12Hindi gaya ng pagsisilbi ng warrant noong June 10,
36:15pinapasok sa KOJC Compound ang mga operatiba ng NBI.
36:19Isang gusali pa lang ang napuntahan nila.
36:22Pinsino pa rin ang Police Regional Office 11 na nagtatago ang pastor sa KOJC Compound.
36:27Umaapela sila sa mga taga-suporta ni Kibuloy na hayaan silang magsagawa ng search operation sa compound.
36:34Sabi naman ang abogado ni Kibuloy at ng KOJC,
36:37wala nang say-say na magpabalik-balik ang mga otoridad sa KOJC Compound
36:42kung parehong warrant lang din ang isisilbi.
36:45Nahaharap ang pastor sa mga kasong child and sexual abuse
36:48at qualified human trafficking na dati na niyang itinanggi.
36:53Sumiklab ang sunog sa bubong ng hotel na iyan,
36:56sakyan sa Australia, matapos bumagsak ang isang helicopter doon.
37:00Ayon sa Australian Emergency Services,
37:02nahulog sa pool ng hotel ang ilang parte ng propeller ng helicopter.
37:06Nasawi ang piloto nito.
37:08Inilika sa mga guests ng hotel dahil sa nangyari.
37:11Dalawang senior citizen ang dinala sa ospital at ngayon na-discharge na.
37:15Ayon sa Australian Police,
37:17hindi otorizado ang natutuloy ng helicopter.
37:19Ayon sa Australian Police,
37:21hindi otorizado ang naturang flight.
37:23Nakikipagtulungan na rao sa embestigasyon ang may-ari ng helicopter.
37:31Sa kabila ng pagkalat ang African Swine Fever sa ilang probinsya
37:35at paggamatay ng libo-libong baboy,
37:38walang nakikitang problema sa supply ng karneng baboy
37:41ang kalihim ng Department of Agriculture.
37:44Ito kasi ang pangamba ng agap party list,
37:46lalo na sa Burmonks kung saan maraming handaan.
38:02Sabi ni Laurel,
38:04wala rin dahilan para tumaas ang presya ng karne ng baboy at processed meat.
38:17So same lang din po na no supply shortage and no price increase dapat?
38:23Yes.
38:25Naglaan ang DA ng P150M para sa tulong pinansyal sa mga apektadong hog racers.
38:31P4,000 ang ibabayad sa kada biik o maliit na baboy,
38:35P8,000 para sa medium-sized at P12,000 para sa malaki.
38:40Itinaas na rao ng DA ang bayad para hindi naiposlit ang mga may sakit na baboy.
38:46Inaasahan ng DA na sa susunod na linggo
38:50ay naipamahagi na ang unang batch ng 10,000 doses ng bakuna contra ASF.
38:56P350M ang nakalaang pondo para sa 600,000 doses
39:01na libreng ipamimigay ng DA sa mga apektado ng ASF.
39:06Sabi ng agap party list, kulang ito.
39:09Dahil sa backyard hog racers pa lang, P6,000,000 na rao ang inaalaga ang baboy.
39:14Ang mga backyard racers, hindi ko kaya ang P600 na bakuna kada isang baboy.
39:21So kung ating po ilibre ang ating mga backyard racers,
39:26mga ngailangan po tayo ng P3.6B na pambili ng bakuna.
39:32Tina Panganiban Perez, Nagbabalita para sa GMA Integrated News.
39:45sa Sparkle World Tour sa Canada at America.
39:49Sa Anaheim sa California, pinagkilig di Polang Araw star Alden Richards
39:54ang Global Pinoys doon.
39:56Kilig overload din ang katidina Julian San Jose at River Cruise.
40:00Instant saya at good vibes naman ang dala ni Naayay De Las Alas,
40:05Isko Moreno at Bubay.
40:07Todo bigay rin sila sa kanilang pangalawang show sa San Francisco.
40:11Sa Calgary, Canada.
40:13Ramdam din ang mainit na pagtanggap ng Global Pinoys
40:16kina Alden Richards at Bubay.
40:19Nagpasalamat ang Sparkle Stars sa patuloy na pagsuporta
40:22ng ating mga kababayan sa Sparkle World Tour.
40:26Official Media Partner ng Sparkle World Tour,
40:29ang GMA Pinoy TV.
40:31Kinagigiliwan online ang isang fur baby na Aobidian
40:35sa pagiging well behaved habang nasa loob ng simbahan.
40:39Yan po ang golden retriever na si Boy Boy,
40:42na good boy habang nakikinig sa ceremony father.
40:45At sa kanyang fur parent na si Marie Mejes,
40:48wala silang ibang napag-iwanan kay Boy Boy,
40:50kaya kay Father Franco muna nila ibiniliin ang alaga.
40:54At pati ang mga demokrata,
40:55naaaliw kay Boy Boy dahil sa inyong pagiging masunurin.
40:59At take note, nakatanggap na ng Basic Obedience Training si Boy Boy.
41:04Wow!
41:26Eto na ang mabibilis na balita sa Luzon.
41:30Sugatan ng isang batang lalaki sa Matnog, Sorsogon,
41:34matapos tamaan ng pana sa noo.
41:36Kwento ng ina na bata naglalaro ang kanyang anak
41:39ng aksidenteng mapana ng kalaro.
41:41Dinala siya sa ospital at natanggal din ang pana kalaunan.
41:45Nakalabas na rin ang ospital ang bata na nasa mabuti ng kalagayan.
41:49Nasawi naman sa pananaksak ang isang gurong 37 anos
41:52sa Garcitorena Camarena Sur.
41:55Apat na beses sinaksak ang biktima,
41:57sospek sa krimen,
41:59ang live-in partner niya na sinubukan daw makipag-ayos
42:02matapos silang mag-away ng biktima dahil umano sa selos.
42:06Pinutungis pa ang tumaka sa sospek.
42:13Kung pauwi na ang Pinoy Olympians na lumaban sa 2024 Paris Olympics,
42:18nasa France naman ang mga Pinoy Paralympian.
42:21Bumiyahe po sila nitong linggo ayon sa Philippine Sports Commission.
42:25Para po yan sa 2024 Paralympics sa Paris na magsisimula sa August 28
42:30at tatagal hanggang September 8.
42:32Binubuo ng anim na atleta ang Philippine Delegation para sa kompetisyon.
42:36Yan po ay sina para-swimmers Ernie Gawilan at Angel May Othom.
42:41Si Augustina Bantilo para sa archery.
42:46Alain Keanu Ganapin sa taekwondo.
42:49Sendi Asosano sa javelin throw.
42:52At Gerald Mangliwan sa wheelchair race.
42:57Ito po ang Balitang Hali.
42:59Bahagi kami ng mas malaking misyon.
43:01Raffi Pimo po.
43:03At sa ngalan ni Connie Sison, PR kang help po.
43:05Kasama niyo rin po ako, Aubrey Carampel.
43:07Para sa mas malawak na paglilingkod sa bayan.
43:10Mula sa GMA Integrated News, ang news authority ng Pilipino.
43:18Kapuso, para sa mga maiinit na balita,
43:21mag-subscribe sa GMA Integrated News sa YouTube.
43:24Sa mga kapuso naman abroad, subaybayan nyo kami sa GMA Pinoy TV
43:28at sa www.gmanews.tv.

Recommended