Singaporean Pres. Tharman Shanmugaratnam, may 3-day state visit sa Pilipinas;
Paglagda ng PHL at Singapore ng MOU sa pagkuha ng Filipino healthcare workers, inaasahan
Paglagda ng PHL at Singapore ng MOU sa pagkuha ng Filipino healthcare workers, inaasahan
Category
🗞
NewsTranscript
00:00President Tharman Shanmugaratnam has just arrived in the country today for a three-day state visit and he has a wife, Mrs. Janie Togi.
00:10President Ferdinand R. Marcos Jr. wants to strengthen the relationship between the Philippines and Singapore.
00:15Ken and Paciente with the report.
00:17Pagtibayan ang relasyon ng Pilipinas at Singapore. Iyan ang isusulong ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
00:27sa tatlong araw na state visit ni Singapore President Tharman Shanmugaratnam at may bahay nitong si Mrs. Jane Itogi.
00:34Aarangkada ang pagbisita ng Singaporean official ngayong araw.
00:38Ayun sa Presidential Communications Office, kasama sa bilateral meeting ang usapin ng energy at healthcare.
00:45Inaasahan din ang pagpirman ng Pangulo at ni Shanmugaratnam sa mga memorandum of understanding.
00:51May kinalaman ito sa pag-hires sa Filipino healthcare workers patungong Singapore.
00:56Gayun din ang pagsasanib pwersa ng Pilipinas at Singapore.
01:00Ukol naman sa climate financing.
01:02Dakong alas 4 ng hapon, magsisimula ang mga aktividad ng state visit.
01:07Una rito, ang wreath laying ceremony ng Singapore leader sa Rizal Monument.
01:12Saka ito didiretso sa palasyo kung saan sasalubungin siya ng Pangulo at ni First Lady Luis Araneta Marcos.
01:19Agad nadidiretso ang dalawang official sa kanilang tet-a-tet at bilateral meetings
01:24na agad susundan ng presentation of signed agreements at joint press conference.
01:29Isang state banquet din ang inihanda para sa Singaporean President at may bahay nito.
01:34Ito ang kauna-unahang pagbisita ni President Shanmugaratnam sa bansa
01:39mula ng bumisita rito si dating Singapore President Halimah Yacob taong 2019.
01:44Una ng nagkadaupang palad ang dalawang leader
01:47ng magkaroon ng working visit si President Marcos Jr. sa Singapore noong Mayo.
01:52Nagkaroon din ang bilateral meeting doon si Pangulong Marcos Jr.
01:55sa iba pang Singapore top officials kabilang na kay Prime Minister Lawrence Wong
02:00maging kay dating Prime Minister at kasalukuyang Senior Minister Lee Hsien Loong.
02:05The President has already graced our invitation for him to visit
02:09and is planning a visit to our country in August.
02:13And the Prime Minister, he says, he will follow as quickly as he can.
02:17And this is very important as most especially 2024 marks 55 years of diplomatic relations
02:24between the two countries.
02:25We committed to work hard in pursuing the signing of three near-completion LNOUs
02:30by the time the Singaporean President visits Manila later this year.
02:34Naitatag ang diplomatic relations ng Pilipinas at Singapore noong May 16, 1969.