• last month
- Juan Ponce Enrile, Atty. Gigi Reyes at Janet Lim-Napoles, acquitted sa kasong plunder kaugnay sa Pork Barrel Scam






-Principal, arestado matapos ireklamo ng pangmomolestiya ng 4 na Grade 10 students; tumangging magbigay ng pahayag






-Dagdag-bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo, posibleng ipatupad sa susunod na linggo






-Phl Statistics Authority: 1.9% inflation rate nitong Setyembre, pinakamabagal mula May 2020






-Taxi driver, patay matapos saksakin ng nakagitgitan umanong kapwa taxi driver at kapatid niya/ 2 suspek na sumuko sa pulisya, umamin sa krimen






-Lalaki, arestado matapos umanong mangholdap ng isang motorcycle shop owner; kasabwat, nakatakas






-Ilan pang senatorial aspirant, naghain ng kanilang Certificate of Candidacy


 Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Breaking news this morning, Sandigan Bayan 3rd Division released the former Senator and now Chief Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile
00:11and their accomplices, Gigi Reyes and Janet Klim Napolez in the Plunder case related to the Pork Barrel Scam.
00:19Maki Pulido has the latest on the spot.
00:21Maki?
00:24Matapos nga ang isang dekada ay nagbaba ng hato ng Sandigan Bayan kaugnay sa kasong Plunder laban kina dating Senador at ngayon ay Chief Presidential Counsel Juan Ponce Enrile.
00:37Ang dating Chief of Staff ni Enrile na si Gigi Reyes, si Naponet Napolez, Janet Napolez at dalawang iba pa na hanggang ngayon ay at-large.
00:46Sa botong 4-1 ay pinawalang sala ng Sandigan Bayan Special 3rd Division si Enrile, Reyes at Napolez.
00:55Apat ang bumoto for acquittal, isa ang dissenting opinion at ang dissenting opinion ay kay Sandigan Bayan Presiding Justice Amparo Cabotajetang.
01:05Pagkatapos pang magbigay ng kopya ng Sandigan Bayan, hihintayin daw ang upload pero sa binasa sa loob ng korte, ipinawalang sala sila dahil sa lack of evidence o kakulangan ng ebidensya.
01:16Pagkatapos ibaba ang hato, sabi ni Atty. Estelito Mendoza, vindication daw ito para kay Enrile at kay Reyes.
01:24Sabi naman ni Napolez, God is good at nagpasalamat sa mga sumuporta sa kanya.
01:29Si Reyes ay tumangging magbigay ng pahayag.
01:32Lumapit din si Napolez kay Enrile pagkatapos ibaba ang hatol ng korte at lumapit din si Reyes kay Atty. Mendoza at nagmano.
01:41Matatanda ang sinampahan sila ng plunder dahil umano sa P172M na kickback umano ni Enrile mula sa pagpondo sa mga bogus na non-government organizations noon ni Napolez gamit ang kanyang Pork Barrel o Priority Development Assistance Fund.
01:57Nananatili naman at large ang dalawa pang akusado na si Ronald John Lim at John Raymond de Asis.
02:04June 2014 ang ihain ng plunder case laban sa mga akusado.
02:08Sumuko si Enrile ng sumunod na buwan at nakalaya mula sa hospital arrest matapos magpiansa noong 2015.
02:16Narito po ang kanilang mga pahayag.
02:20Sinasasalamatan ko yung mga akusado.
02:24For rendering justice to all of us.
02:29I knew all along that I'd be acquitted because I've not done anything.
02:35But we have not done anything in this case.
02:40And I hope that the people who file those cases of their choice will examine their conscience.
03:11Maraming salamat, Maki Pulido.
03:14Sa ibang balita, sa presinto naman ang bagsak ng isang prinsipal na nang-molest siya umano sa apat na grade 10 students.
03:22Tumangi siyang magbigay ng pahayag.
03:24Balitang hatid ni James Agustinez.
03:31Sa ikinasang follow-up operation ng mga operatiba ng Project 6 Police Station, inaresto sa kanyang bahay sa Kainta Rizal.
03:37Ang 59 anyo sa lalaking prinsipal na inereklamo ng pumomolest siya umano sa apat na grade 10 students.
03:44Nangyari umano ang insidente sa opisina ng prinsipal, sa isang skwelahan sa Quezon City.
03:49Sabado raw napapuntahin ng prinsipal ang ilang sodyante kahit walang pasok noon.
03:53Para magpatulong na magprint ng mga certificate.
03:55Ang isang biktima pinapunta sa kusina kung saan sumunod ang prinsipal.
03:59Dun po niya ako tinatanong na kilang taon na daw po ba ako.
04:02Kung nagamit ko na po ba daw yung pagkalalaki ko.
04:05Dun na po niya sinimulan yung panghalay sa akin.
04:08Hanggang sa natigil lang po ito nung kumatok yung isa sa aking mga kaibigan at pinuksa ng pintuhan po.
04:13Ayon sa polisya, dumulog sa kanilang tanggapan ng apat na lalaking biktima.
04:17Ang isa ay 17 taong gulang, habang ang tatlo ay 15 taong gulang.
04:21Pinatawag sila ng kanilang prinsipal na may pagagawa sa kanila.
04:30Isa nga, notusan magluto.
04:32Ang iba naman, naglilinis ng personal na utos ng suspect natin.
04:40At yung isa doon, ang unang na biktima doon, yung 17 years old, ginawa ng isang kalayan at nasundan pa ng tatlo pa.
04:50Yung huling-huling minority na biktima natin, tumakbo at itulak nga itong suspect at direkyong nagsumbong sa kanyang mga magulang.
05:01Ikinagulat ng mga magulang na mga biktima ang pangyayari.
05:04Ang gusto ko lang pong mangyari sa anak ko sir, magkaroon po ng ustisya sir para sa anak ko.
05:12Gusto ko mong mangyari na makulungsa na pagbayaran niya nung ginawa niya yan.
05:16Sa totoo lang sir, galit-galit ako.
05:18Kung mabalit ako na ganyan na ginawa niya sa anak ko.
05:21Nakakulong sa Project 6 Police Station ang sospek na nasampana ng reklamong nasevious conduct in relation to Republic Act 7610
05:29or Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act.
05:33Tumangin siyang magbigay ng paya.
05:35Inaalam pa ng QCPD kung may iba pang estudyante na nabiktima ang sospek.
05:39Sinuman na mayroon na biktima ng sospek namin na ito, pumunta lang kayo sa aming police station, Police Station 15,
05:48Quezon City Police District para maimbistigan at masampan natin ang kaukulang demanda.
05:55Nakarating na rin sa kaalaman ng Department of Education ng insidente.
05:58Pero hindi parao nila natatanggap ang buong report.
06:01Pinaimbisigan na ito ni Education Secretary Sunny Angara.
06:04James Agustin nagbabalita para sa GME Integrated News.
06:3515 centavos hanggang 35 centavos naman ang nakikita para sa kerosene.
06:40Pusing din naman pong 50 centavos hanggang 70 centavos ang bawas presyo sa gasolina.
06:46Inaasahan po itong magbago depende sa huling araw ng trading ngayong biyernes.
06:51Paliwanag ng Energy Department, may papel sa inaasahang taas presyo
06:55ang pag-atake ng Iran sa Israel at epekto ng Hurricane Helene sa Timog Silangan ng Amerika.
07:02Kaya naman daw, pusibling bumaba ang presyo ng gasolina ay dahil sa nakikitang pagbalance ng demand at supply
07:09at hindi pagkaantala ng trading sa pagitan ng Persian Gulf at Asia.
07:16Lalo pang bumagal ang inflation o ang bilis ng pagmahal ng mga produkto sa serbisyo at serbisyo sa bansa,
07:23ayon sa Philippine Statistics Authority.
07:25Naitala po ito sa 1.9% nitong Setiembre na mas mabagal sa 3.3% noong Agosto.
07:33Pinakamabagal din po yan mula pa noong May 2020 o sa mahigit apat na taon.
07:39Mula Enero hanggang Setiembre, nasa 3.4% na ang inflation rate sa Pilipinas.
07:45Mas mababa ito sa 6.4% sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.
07:51Ayon sa PSA, pamunahing nakaapekto rito ang pagbagal ng pagtaas ng presyo ng mga pagkain at non-alcoholic beverages.
08:01Nang dahil umano sa git-gitan sa kalsada patayong sang taxi driver sa Baguio City matapos kuyugin at saksakin,
08:08sumuko na ang magkapatid na sospek.
08:11Ang mailitan balita hatid ni Claire Lacanilaw-Dunca ng GMA Regional TV.
08:17Bumalandra sa gitna ng kalsada ang puting sasakyang ito sa Asin Road sa Baguio City nitong Martes ng gabi.
08:25Hindi nahagip sa kuha ng kamera pero kinuyog na pala noon at sinaksak ang taxi driver na kinilalang si Johnson Pelayo
08:32ng isa pang taxi driver at kapatid nito na nakaalitan umano ng biktima.
08:37Pagkatapos, mabilis na tumakas ang mga sospek at iniwang duguan sa kalsada si Pelayo
08:44Basis sa investigasyon ng Baguio City Police, git-gitan sa kalsada ang ugat ng krimen.
08:49Allegedly, itong mga biktim ay nag-overtake at itong mga sospek ay hindi siya natuwa rin siya
08:58nag-overtake itong biktim kaya nagkaroon na ng git-gitan sa daan
09:03and allegedly, nagsakita na kung saan, ito nga, nagdulot nga nitong pananak sakit.
09:09Nadalapas sa ospital ang 21 taong gulang na si Pelayo pero nasawi rin kalaunan.
09:14Sumuko sa polisya ang magkapatid na sospek.
09:16Tumanggi silang humarap sa kamera pero aminado sa kanilang ginawa.
09:20Na-inquest na ang dalawang sospek at maharap sa kaso murder.
09:24Lair La Canilao, Dunka, ng Jimmy Regional TV, nagbabalita para sa Jimmy Integrated News.
09:32Arestado naman ang isa sa dalawang ng hold-up umano sa isang motorcycle shop owner sa Imus, Cavite.
09:38Ang sa biktima, pinasok ng dalawang sospek ang kanyang shop at tinutukan siya ng baril sa katinangay,
09:44ang isang cellphone at 10,000 pisong kita ng shop.
09:47Umali sa mga sospek sakay ng isang van.
09:49Natinto ng mga otoridad ng van at naaresto ang isa sa mga sospek. Nakatakas naman ang kasabot niya.
09:56Narecover mula sa sospek ang isang barila, dalawang magasin, airsoft pistol at mga pakete ng umalisyabu,
10:03drug para pernalya at mahigit sa 1,500 pesos at mga ID, kadilang na isang police ID.
10:10Tumanggi magbigay ng pahayag ang sospek na maharap sa mga reklamong robbery,
10:14illegal possession of firearms at paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.
10:19Pusipin siyang kasuhan ng Usurpation of Authority kung mapapatunayang nagpapanggap siyang polis.
10:49Incumbent Congresswoman Franz Castro at Mimi Doringo.
10:54Naghahin din po ng COC sina Modi Floranda, Amira Lidasan, Liza Maza at Danilo Ramos.
11:04Narito po ang ilan pang personalidad na naghahin ng kanilang kandidatura sa pagkasenador kahapon.
11:09Naghahin na po ng kanilang Certificate of Candidacy ang mga re-electionist senator na sina Sen. Bongo at Sen. Bato de la Rosa.
11:18Naghahin din po ng COC si Philip Salvador, Elpidio Rosales, Robert Agad, Khaled Casimra, Jimmy Salapantan, Rex Noel at Ruel Pacquiao.
11:32Shabna partylist organizations naman ang naghahin kahapon ng kanilang Certificate of Nomination and Certificate of Acceptance of Nomination o CONCAN.
11:43Kapuso, para sa mga maiinit na balita, mag-subscribe sa GMA Integrated News sa YouTube.
11:49Sa mga kapuso naman abroad, subaybayan nyo kami sa GMA Pinoy TV at sa www.gmanews.tv.

Recommended