• last month
Narito ang maiinit na balita sa Balitanghali Express ngayong Miyerkules, Oktubre 9, 2024:


-PNP: 1, patay sa kaguluhan sa paghahain ng COC ng mga tatakbong lokal na opisyal; 5 sugatan


-Pamumuno sa DILG, ni-turn-over na kay Sec. Jonvic Remulla/DILG Sec. Remulla: Walang shake-up o reorganisasyon na mangyayari sa DILG


-PHIVOLCS: Bulkang Taal, nagbuga ng makapal at puting usok kaninang umaga


-2 barko ng BFAR, tinangkang harangan at bombahin ng tubig ng mga barko ng China malapit sa Panatag Shoal


-Pagpapaigting ng agrikultura at kalakalan, tinalakay ni PBBM at ni Vietnam PM Pham Minh Chinh


-SUV, sumampa sa center island para mag-u-turn


-Lalaki, umakyat ng puno para manloob sa isang motorcycle shop/Suspek at kanyang kaanak, nakipag-areglo sa may-ari ng shop


-2 magnanakaw, hinabol ng itak ng may-ari ng bahay/Rider, sugatan matapos sumemplang at bumangga sa poste


-Alice Guo, hindi tatakbo sa Eleksyon 2025/ Paghahain ng kasong material misrepresentation vs. Guo, inirekomenda ng COMELEC


-Trailer ng "Hello, Love, Again," usap-usapan


-P276M ill-gotten wealth case laban kina dating Pres. Ferdinand Marcos, Sr., Imelda Marcos at Roman Cruz, ibinasura ng Sandiganbayan


-Interview: Myra Aragon, OFW sa Lebanon


-Ilang personalidad, humabol sa paghahain ng COC kahapon (Oct. 8)


-Workers and Peasants Party, itinangging pinirmahan ang Certificate of Nomination and Acceptance ni Apollo Quiboloy.


-Mahigit 2 toneladang taklobo, nakumpiska; nagbebenta nito, arestado


-Hurricane Milton, nanalasa sa Quintana Roo, Mexico/Hurricane Milton, inaasahang tatama sa Florida ngayong Miyerkules o Huwebes


-Panloloob ng 3 menor de edad sa isang eskuwelahan, nahuli-cam


-Ilang personalidad, humabol sa paghahain ng COC kahapon (Oct. 8)


-Eleksyon 2025 Explainer


-WEATHER: Northeasterly Surface Windflow, apektado ang Northern Luzon


-Bagong renovate na Bahay Pangulo, ipinasilip sa unang pagkakataon


-Koala, nagpagala-gala sa isang istasyon ng tren


-Biyahe ng ilang motorista, naantala dahil sa sawang tumatawid sa kalsada


-MERALCO: Posible ang bawas-singil sa kuryente ngayong Oktubre


-"Paw-shionistang" mga aso at kanilang owners, bumidsa sa Dog Fashion Show


-Mahigit P111M halaga ng shabu, bistadong hinalo sa was na itinago sa mga painting mula sa Mexico


Lalaking sangkot umano sa cryptocurrency scam, arestado; hindi nagbigay ng pahayag


-Teacher Emmy makeup transformation ni Marian Rivera, may 1.9M views na sa TikTok


-44th at 45th ASEAN Summits, nagsimula na


-CBB: Asong mahilig magbitbit ng gamit, naging palengke sidekick



For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs, including the full version of Balitanghali.

Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time).

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
Transcript
00:00Magandang Tanghali po!
00:11Oras na para sa maiinip na balita!
00:25Balitanghali!
00:30Bagong-bagong balita po!
00:32Kinumpirma ng Philippine National Police na isa ang patay sa kaguluhang sumiklab sa huling araw
00:38ng pag-aahain ng Certificate of Candidacy kahapon sa Sheriff Aguak Maguindanao del Sur.
00:43May lima ring sugatan sa batuhan at palitan ang putok ng baril sa pagitan ng dalawang grupo
00:48na mga tagal-suporta ng mga kakandidato.
00:50May lima ring sugatan sa batuhan at palitan ang putok ng baril sa pagitan ng dalawang grupo
00:55na mga tagal-suporta ng mga kakandidato.
01:06Ayon kay TNT Spokesperson Police Colonel Gene Fajardo sa panayam sa kanya ng Super Radio DZW,
01:13gulo ito sa pagitan ng mga tagal-suporta ng incumbent mayor ng bayan at ng makakalaban niya.
01:19Nangyari raw ito humigit-kumulang dalawang daan hanggang tatlong daang metro layo
01:24mula po sa municipal compound kung saan ang tanggapan ng Comelec.
01:30Noong panahang doon yun ay nasa labas ng Comelec office ang incumbent mayor
01:33habang nasa loob ang kanyang makakalaban.
01:36Hinitingnan pa ng polisya kung politically motivated ang gulo
01:39at kung posibling isa-ilalim ang lugar sa areas of concern sa eleksyon 2025.
01:46Walang shake-up o reorganization.
01:48Yan po ang pagtitiyak ni bagong Interior Secretary John Vic Rimulia
01:52sa kanyang unang araw ng pamumuno sa kagawaran.
01:55May ulit on the spot si June Veneracion.
02:02Connie, opisyal lang mo po sa pwesto si dating Cavite Governor John Vic Rimulia
02:08bilang nga nga bagong Secretary ng Department of Interior Local Government o DILG
02:14Sa turnover ceremony ngayong umaga ipinasan ni dating DILG Secretary Benno Abalos
02:19ang pamumuno ng DILG kay Rimulia.
02:23Itinalaga ni Pangulong Bongbong Marcos si Rimulia bilang kapalit kay Abalos
02:27na tatakbo naman sa pagkasenador sa eleksyon sa susunod na taon.
02:30Kay Rimulia kakausapin niya muna ang mga opisyal ng DILG
02:34di ba pang attach agencies.
02:36Walang shake-up o reorganization na mangyayari sa ngayon.
02:41Ang PNP, Bureau of Fire Protection, Bureau of Jail Management and Penology at iba pa.
02:47Ayo kay Rimulia, nung unang nag-alilangan siya dahil iiwan niya ang Cavite
02:53kung saan familiar na siya sa trabaho.
02:55At ang hahawakan niya ay isang ahensya na mahirap patakbuhin niya ng alilangan niya
03:01nung unang sinabi sa kanya ni Pangulong Bongbong Marcos
03:04ang tukul nga dito sa babakanting pwesto ni Abalos.
03:08Pero naniniwala siya na sa tulong ng 30 taong karanasan niya sa local government
03:13ay magagawa niya ng maayos ang kanyang bagong trabaho.
03:16Ang bagong DILG Sekretary ay pangalawang mula sa kanilang pamilya
03:19na kasama na ngayon sa gabinete ni Pangulong Marcos
03:23na una sa kanya ang nakatatandang kapatida si Justice Sekretary Boeing Rimulia.
03:27Narito ang bahagi ng pahayag ni Sekretary John Vic Rimulia.
03:32Rest assured, no shakeups are necessary, no dramatic announcements will be made.
03:41But let me get my feet wet, but tomorrow we hit the ground running.
03:45There will be no policy announcements today, not yet.
03:48I will talk to each and every USEC, each and every ASEC.
03:52I will talk to the heads of offices.
03:55Sa media interview naman pagkatapos ng turnover ceremony,
04:03sinabi ni Rimulia na nakausap na niya ang mga nagpapatakbo sa focus
04:08sa kanilang province sa Cavite at tangako na kusang magsasara sa December 15.
04:14Kabilang naman sa mga gusto niyang magbago sa PNP,
04:16ay mawala ang politika at palakasan system sa promotion.
04:20May iba pang reforma raw na pinag-aaralang gawin sa PNP at iba pang ahensya na nasa ilalim ng DILG.
04:28Connie?
04:29Yes, Jun. Yang nabanggit mo nga na sinabi niya nakalakaran ng palakasan sa promotion system,
04:34matagal na rin usap-usapan yan, Jun.
04:37Papaano ba daw yan na balak-baguhin ng bagong DILG Sekretary natin?
04:41Isa rin talaga yan sa hamon nakakaharapin ni bagong DILG Sekretary, Jun Vic Rimulia,
04:51dahil marami na rin ang nangako niya, hindi lamang dito sa DILG,
04:55kung hindi pa sa iba-iba ahensya ng pamahalaan.
04:59Pero ang sabi niya rito, ang promotion system ay dapat merit-based.
05:04At ang sabi niya, ang mga mapupromote lang dapat, ay yung mga karapat dapat.
05:09In fact, nung nga daw pinanggalingan niyang opisina, yung office of the governor ng Cavite,
05:14ay niminsan daw ay hindi siya nakialam kung sino ang itatalagang police provincial director yun sa katilang probinsya.
05:22Anong nangyayari daw, ay tinatanggap na lang niya yung pangalan,
05:25kung aling nais ng liderato ng PNP na maupo bilang provincial director ng kanyang probinsya.
05:30Connie?
05:31Marami salamat, Jun Veneration.
05:34Tagbuga ng makapal at puting usok ang Bulcang Taal sa Batangas kaninang umaga.
05:38Batay sa pinakababang buletin ng PHIVOX,
05:40naitala ang volcanic plume o usok na siyam na rang metro ang taas.
05:45Nagkaroon din ang dalawang volcanic earthquakes.
05:48Nitong Lunes, nakapagtala naman ng PHIVOX ng mahigit sanlibong tonelad ng asupre na ibinuga ng vulkan.
05:54Sa ngayon, naka-alert level 1 pa rin ang Bulcang Taal.
05:57Bawal pa rin ang pagpasok sa Taal Volcano Island
06:00at ang pagpapalipad ng anumang sasakyang panghukapawid malapit sa tuktok ng vulkan.
06:06Sinubukang harangin at bombahin ang tubig ng mga barko ng China
06:11ang dalawang barko ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources
06:14malapit sa panatag Sholo, Bajo de Macinloc, sa West Philippine Sea.
06:18Ayon sa BFAR, tatlong barko ng China Coast Guard at isang Chinese Navy Vessel
06:23ang lumapit sa BRP Dato Cabaylo at BRP Dato Sandai na may resupply mission sa panatag Sholo kahapon.
06:29Hindi naabot ng water cannon ng mga barko ng BFAR
06:32at nagtagumpay ang pamahagi nila ng tulong sa mga manging isdang Pinoy.
06:37Gate ng China Coast Guard pangihimasok ang ginawa ng mga barko ng BFAR sa panatag Sholo
06:42na tinatawag nilang Huangyan Island kahit bahagi ito ng exclusive economic zone ng Pilipinas.
06:49Ayon naman sa Philippine Navy's spokesperson for the West Philippine Sea,
06:52Rear Admiral Roy Vincent Trinidad,
06:54karamihan sa assets ng Armed Forces of the Philippines ay nagbabantay na sa West Philippine Sea.
07:01Nasa Laos na si Pangulong Bongbong Marcos para dumalo sa ASEAN Summit.
07:05Kagabi po ay nakapulong niya ang leader ng Vietnam para pag-usapan
07:09ang mga nangyayarang insidente sa South China Sea.
07:12Balitang hatid ni Yvonne Mayrino.
07:17Unang official engagement ni Pangulong Bongbong Marcos sa Lao People's Democratic Republic,
07:21ang bilateral meeting nila sa Vietnamese Prime Minister Pham Minh Chin.
07:25Sumentro ang pulong sa pagpapaitinog dahil ng Pilipinas at Vietnam,
07:28particular sa agrikultura at kalakalan.
07:30Ang Vietnam ay isa sa mga pangunahin pinagkukunan na important na bigas ng Pilipinas.
07:34Bukod dyan ay may parehong karanasan ng dalawang bansa,
07:37mga insidente ng harassment ng China sa mga makangisda.
07:41Kamakailan nga isang pumangangisdang Vietnamese
07:43ang nasaktan sa harassment ng mga pwersa ng China,
07:45na sinasakob din ang bahagi ng exclusive economic zone ng Vietnam,
07:49tulad ng nakikita na rin natin sa EEZ naman ng Pilipinas.
07:53Sabi na sa mga napagusapang kasunduan,
07:55ang kaugnay sa incident prevention sa South China Sea.
08:02Matapos ang bilateral meeting,
08:04ay dumalo naman ang Pangulo sa pagtitipo ng Filipino community dito sa Lao PDR.
08:08First time ng Pangulo sa Laos at siya mismo.
08:11Aminadong hindi inakalang may mahigit dalawang libong Pilipinong nagtatrabaho
08:14at gumagawa ng magandang marka dito sa Lao People's Democratic Republic.
08:18May apatar ang miyembro ng Filipino community na dumalo sa pagtitipot.
08:22Ang mga Pilipino rito, highly regarded ika nga ni Ambassador Dina Joy Amato.
08:27Karamihan mga guru, meron din mga engineer, mga manager, at mga skilled worker.
08:31Binating ng Pangulo mga Pinoy dito at pinasalamatan sa pagbigay ng magandang pangalan sa Pilipinas.
08:36Ipiniliwanag din niya magiging participation niya para isulo ang kapakalan ng mga Pilipino,
08:41kabila ng pagsawata sa transnational crimes tulad ng human trafficking,
08:44kung saan ilang Pilipino rin ang nabibiktima.
08:48The world and our region are facing challenging times.
08:51From conflicts in Europe to the Middle East,
08:54to global existential threats such as climate change and natural and man-made disasters,
08:59to transnational crime and economic downturns.
09:03All these, in one way or another, affect the lives and livelihoods of peace-loving
09:08and hard-working people like yourselves.
09:11So my participation and that of the Philippines in the ASEAN meetings
09:16is precisely to find ways to cooperate with partners to better meet the challenges of today,
09:22to forge a better future for our beloved Philippines.
09:27Mula sa Bientian Laos, Ivan Merino nagbabalita para sa GMA Integrated News.
09:34Nakatigil ang mga sasakyang yan sa southbound lane ng EDSA Aurora Boulevard sa Quezon City kahapon ng umaga.
09:39Maya-maya, biglang sumampa sa Center Island ang isang SUV para mag U-turn.
09:45Wala naman siya nabanggang sa sakyan, pero ang MMDA maghahay ng reklamo sa Land Transportation Office
09:51para mapatawa ng parusa ang driver nito.
09:54Tukuin na raw nila ang plate number ng sasakyan.
09:57Paalala ng MMDA, sumunod sa batas trapiko dahil mapanganib ang maling diskarte sa kalsada.
10:06Hulikam ang pag-alan ninja ng isang lalaki para loobah ng isang motorcycle shop sa Morong Rizal.
10:12Ang suspect nagawa raw ang krimen dahil sa sugal.
10:16Balitang Hatid by EJ Gomez.
10:23Kuha ang CCTV na ito sa labas ng isang motorcycle shop sa Sitio Sagbat, Barangay Maybankal sa Morong Rizal noong Sabado.
10:31Ang lalaki nag-ala ninja sa pag-akyat sa puno para makapasok sa shop at mag-nakaw.
10:38Kita pa ang pagtakip niya sa CCTV camera bago gawin ang panluloob.
10:43Kwento ng staff ng ninakawang motorcycle shop, sa sinirang bubong dumaan ng sospek papasok ng shop.
10:50Pumasok siya doon sa gate sa parking lot nakatabi ng shop namin.
10:54Nandun po yung puno na inakitan para makapasok sa loob ng shop.
10:59Parang inopek o sinira niya po yung bubong.
11:03Sa pilitan din daw na binuksan ang sospek ang pintuan at sinira ang doorknob.
11:08Napansin daw ito ng staff nang may kailangang kunin na plaka ng customer sa stockroom ng shop.
11:13Natangero ng sospek ang halos 20,000 pesos na nakalagay sa cashbox sa front desk ng shop.
11:19Pero ang talagang pakiro ng sospek, ang motor.
11:33Meron tayong isang witness na nakilala na kung saan positive na na-identify niya yung sospek.
11:43Upon showing them the CCTV footage, na-identify nila clearly.
11:49Kaya na-file natin yung kaso against this sospek.
11:54Nang maipost ang CCTV footage sa social media,
11:58Kusaro lumapit ang sospek at kaanak niya sa may-ari ng ninakawan itong shop at nakipag-areglo.
12:03Nangako silang ibabalik ang perang ninakaw.
12:06Babayaran din daw ang mga na-damage sa panaloob sa shop.
12:09At humingin ang pasensya sa mga biktima.
12:30Nahaharap sa reklamong robbery ang sospek.
12:33EJ Gomez, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
12:40Ito ang GMA Regional TV News.
12:45Oras na para sa maiinit na balita ng GMA Regional TV.
12:48Muna po sa Luzon at makakasama natin si Chris Zuniga.
12:52Chris?
12:54Salamat, Connie.
12:55Tatlo ang sugatan sa magkahihulay na aksidente
12:58yung sangkot ang mga motorcyclo sa Mangaldan dito sa Pangasinan.
13:02Sa bayan naman ng Kalasaw, hinabon ng itak ng isang babayan,
13:05dalawang nagnakaw sa kanyang bahay.
13:07Ang maiinit na balita hatid ni Claire Lacanilau-Dunca ng GMA Regional TV.
13:15Nakuhanan ng CCTV ang dalawang lalaking nakamotorcyclo
13:18na huminto at pumarada sa gilid ng kalsada sa barangay Kesban sa Kalasaw, Pangasinan.
13:23Ilang sandali pa, makikitang naglalakad sila papasok sa isang eskinita.
13:28Ang susunod na eksena, lumabas ang isa na may hawak na jacket.
13:32Maya-maya pay, kumaripas ang dalawa.
13:35Hinabol pala sila ng itak ng may-ari ng bahay, na pinagnakawa nila.
13:40Kwento ng may-ari ng bahay, napansin niya na may nagbubukas ng bintana ng bahay niya.
13:45Nang silipin, nakita niya ang isang lalaki na nakamask.
13:49Hinabol ko na may dalakong itak. Akala ko eh, iisa lang magnanakaw.
13:53Yung pala dalawa. Pagtingin ko, unang pumasok doon sa kabilang bahay,
13:57kina si Rube. Ang kinuha nila, mga short, damit.
14:01Tapos pagdating dito, chinelas nila dito sa kabila.
14:04Tanging ang jacket na nakasampay at chinelas ang natangay ng mga kawatan.
14:09Hindi na nagpablatter sa pulis ang may-ari ng bahay.
14:12Ayon sa barangay council, posibleng dayo ang mga sospek.
14:16Pinaiting nila ang siguridad sa barangay.
14:18Ano man yung makita nila, makukuha na nila. Chinelas, damit, kukunin nila.
14:27Sa Mangaldan, Pangasinan, hulikam naman ng dalawang aksidente.
14:31Sa barangay Malabago, may kita ang paglikon ng isang motosiklo.
14:35Makikita rin ang mabilis na takbo ng isa pang motosiklo.
14:38Iniwasan niya ang papalikong motosiklo saka dumiretso sa pagsemplang
14:42at bumangga pa sa isang poste.
14:44Galo sa ibat-ibang bahagi ng katawan ang tinamu ng sumemplang na rider.
14:48Ayon sa barangay, nagkaayos ng dalawang panig.
14:52Sa barangay Salay, nakuhanan rin ng CCTV kamera ang papatawid na babaeng nakabisikleta.
14:58Nang biglang, mabangga siya ng paparating na motosiklo.
15:02Tumilapo ng babae habang sumemplang ang rider ng motosiklo.
15:06Nagtamu ng sugat sa ibat-ibang bahagi ng katawan ng 61 taong gulang na babae
15:11at rider ng motosiklo.
15:13Nagkaayos naman ng dalawang panig matapos sa aksidente.
15:16Sa ating mga kababayan, especially mga drivers,
15:19sa ating mga gumagamit ng sasakyan, na mag-ingat po tayo lagi.
15:23Alam niyo po, ang pagdadrive po ng sasakyan, isang privilege lang na binibigay sa atin ng gobyerno.
15:30And we need to, kung magdadrive tayo, kailangan natin ang driver's license.
15:36Kasi privilege nga yan, hindi rights.
15:39Claire Lacanilo-Dunca ng GEMI Regional TV, nagbabalita para sa GEMI Integrated News.
15:46Lumabas sa pagdilig ng Senado na posibleng China
15:49ang nag-organisa ng pagpasas sa politika ni Dismissed Mayor Alice Goh.
15:53Isiniwalat niya ng dati umanong kaselda ng self-confessed Chinese spy na si Xie Zhijiang.
15:58Balita ang hatid ni Mav Gonzalez.
16:01Taliwasan na unang pahayag ng kanyang abugado na naghahanda siyang tumakbo ulit na mayor ng Bamban Tarlac.
16:07Sabi ni Dismissed Mayor Alice Goh sa Senate hearing, hindi siya kakandidato sa election 2025.
16:13Mahaharapin ko po muna yung mga accusations sa akin.
16:16Ninising ko po muna yung sarili ko po.
16:19At para maging fair din po para sa mga constituents ko.
16:23Ang Komelek inirekomenda na ang paghahain ng kasong paglabag sa omnibus election code laban kay Goh.
16:29Dahil yan sa material misrepresentation, punsud ng pagsisinungaling umano sa kanyang Certificate of Candidacy nang tumakbo siyang Bamban Mayor ng 2022.
16:38Wala pang pahayag ang kampo ni Goh tungkol sa rekomendasyon ng Komelek.
16:42Dadagdag yan sa ibat-ibang kaso at reklamong kinakaharap ni Goh gaya ng human trafficking, money laundering at iba pa, kaugnay sa Pogo sa Bamban Tarlac.
16:51Lumabas ang pagdinig ng Senado.
16:53Mula Pilipinas, aeroplano ang sinakyan ni Goh patungong Malaysia.
16:56Taniwas sa sinabi niya nung mga nakaraang pagdinig na bangka ang ginamit nila paalis ng bansa noong Hulyo.
17:27Inilabas din sa pagdinig ang pahayag ng Chinese na si Wang Fugui na dati umanong kaseldan ng self-confessed Chinese spy na si Xie Zhijiang.
17:35Si Xie ang nagsiwalat sa dokumentaryo ng Al Jazeera na SP ya rin umano ng China si Goh.
17:41Sabi ng Chinese din si Wang, isat kalahating taon silang magkaseldan ni Xie at naging malapit na magkaibigan.
17:47Nagkaroon daw siya ng access sa mga dokumentong hawak nito.
17:50Sabi rin ni Wang, Chinese spy umano si Goh pero hindi daw siya espesyal.
17:54Dagdag niya, mismong gobyerno umano ng China ang nagayos ng pagpasok ni Goh sa politika.
18:09Binanggit din ni Wang ang kontak ni Xie sa Communist Party ng China na isang ma-dong-li na maaring handler din umano ni Goh.
18:24Base sa record ng Bureau of Immigration, tig mahigit dalawampung beses pumasok sa bansa sina Xie at ma-dong-li.
18:31Si Mr. Xie nakulong sa Thailand for the same crimes, human trafficking, scamming.
18:38Ma-dong-li is a partner of Mr. Xie in the Yatai Myanmar company which operates yung Pogo Hub sa Myanmar.
18:50Nagpatulong na si Ontiveros sa Department of Foreign Affairs para makausap ng kumite si Xie.
18:55I have persuasive information that the file of at least one young brother is with Xie, conforming that young brother as a foreign agent.
19:07Mukhang yung buong gobyerno natin, hindi lang kami sa legislature, kayo po sa executive, may makukuhang importanteng impormasyon.
19:15Mav Gonzalez, Nagbabalita, para sa GMA Integrated News.
19:20Wednesday latest na mga mari at pare!
19:27Trending ang official trailer ng sequel film ni Alden Richards at Catherine Bernardo na Hello Love Again.
19:38Do you want me back?
19:44Do you still love me?
19:51I don't.
19:54Sa trailer, ramdam na agad ang mapanakit feels.
19:58New life na sa Canada at tila, naglaho na ang pag-iibigan ni Nathan and Joy played by Alden Richards at Catherine Bernardo.
20:06Sa muli nilang pagkikita, mag-ibang lalaki ring umiksena, ang Korean-American actor na si Kevin Crader.
20:12One more hello pa kaya o mau-uwi sa one last goodbye.
20:18Mahigit one more month before ang showing sa November 13, full support na agad ang fans ng Kat-den.
20:24Dinagsa ang Hello Love Again Mall Tour sa Taguig kahapon.
20:28Mainit din ang pagtanggap ng fans nang i-reveal ng lead stars ang poster ng pelikula last weekend.
20:35Kaya ang tanong, pressured kaya si Alden at Katrina Sundan ang blockbuster success ng Hello Love Goodbye?
20:44We have our hopes up, pero hindi na namin siya masyadong iniisip kasi nga we want to enjoy the process.
20:50We're just very proud of this. We know we gave it our all.
20:53The pressure is always there.
20:54Yes, of course.
20:55But for me personally, hindi siya kasi nakakatulong kung iisipin ko.
21:00Happy lang kami with the material we have now.
21:03Ibinasura ng Sandigan Bayan ang Php 276 million ill-gotten wealth case lamang kinadating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.,
21:11dating First Lady Imelda Marcos at kanilang associate na si Roman Cruz.
21:15Si Cruz ay umawak ng ilang posisyon sa gobyerno at pribadong sektor.
21:20Tinatiga ng Sandigan Bayan ang motion ng mga defendant na i-dismiss ang civil case 0006
21:26dahil sa inordinate delay o matinding delay.
21:29Tungkol po yan sa kaso ng pagsasabuatan-umanoh ng mag-asawang Marcos at ni Cruz
21:35para bumili ng mga ari-arian na hindi ang kuk sa kanilang kita.
21:39Gaya na lang ng residential lands sa Metro Manila,
21:42dalawang residential lot at dalawang condominium units sa Baguio City,
21:46residential buildings sa Makati City at Lupa,
21:50residential buildings sa Makati City at Lupa,
21:53at alim na condominium units sa California sa Amerika.
21:57Ayon sa Sandigan Bayan, hindi kinontra ng mga prosekusyon ang motion ng mga Marcos
22:02para mabasura na ang halos apat na dekadang kaso.
22:06Kabilang si Pangulong Bongbong Marcos sa estate executors ng dating Pangulo.
22:11Wala pang komento ang pamilya Marcos tungkol sa desisyon.
22:16Update tayo sa lagay ng ilang OFW sa Lebanon
22:20na nananatili pa rin doon sa kabila namang papatuloy na tensyon.
22:23Kausapin natin si Myra Aragon, 20 years ng OFW sa Lebanon.
22:27Magandang umaga at welcome po sa Balitang Hali.
22:30Good morning po.
22:31Good morning po, sa ino lang sa amin.
22:34Opo, opo. Kamusta po kayo dyan?
22:37Sa kinalalagyan nyo ngayon?
22:38Sa mga sandal na ito, may mga pagsabug pa rin po ba kayo naririnig?
22:42Yes po, marami pa. Sunod-sunod ang mga pagsabug. Wala pang tigil na pagsabug dito sa Lebanon.
22:55Pero sa place ko naman kung saan ako nakatira, safe naman ako.
23:00Although kung may mga pagsabug naririnig namin at na-feel din namin.
23:06Kung parang akala mo may mga earthquake.
23:08Parang yumayanig.
23:09Yumayanig-yanig.
23:11Eh bakit hindi po kayo sumasama sa repatriation?
23:14Nagpalista na po ba kayo para umuwi sa bansa?
23:20So far sir, hindi pa. Kasi dito naman sa area namin, kumikita pa naman.
23:28Nakakalabas pa naman yung mga tao na pumasok, pumunta sa trabaho nila.
23:34Kasi yung mga pagbobomba naman, precise naman po yung target.
23:38At bago naman sila din magbobomba, sinasabi nila kung ano-ano yung mga areas na tatargetin nila.
23:46At lumikas na para hindi madamay.
23:51Saang bandaho ba kayo sa Lebanon? May bandang gitna o malapit sa Israel na bahagi ng Lebanon?
23:56Hindi po kami malapit sa Israel at hindi kami doon sa area na tinatarget ng Israel.
24:12Pero ang pangangamba namin ngayon dahil sa nangyayaring mga pagbobomba, marami nang lumiligas sa area na iyon...
24:23... at pumupunta na rin dito sa area namin. So nagiging alarming na rin dahil hindi na namin kilala yung mga kapitbahay namin.
24:32So kasi ang kinatatakutan namin, kasi kung saan sila tatakbo, nakikita ng kalaban, at tatargetin.
24:41For example, kung official yun ng HB ang tumakbo sa area namin, baka tatargetin at madadamay.
24:49Pero yun pa rin, bago naman din sila nagbobomba, sinasabi nila na lumiligas kayo sa area na yan, sa building na yan dahil bobombahin namin.
25:00Ayan po ba na ibahagin nyo po sa ating mga official na mahala dyan sa Lebanon, yung ganyang takot?
25:08At yun na ba ang magiging hudyat kapag nagtakbuhan na dyan talaga yung mga Hezbollah, kayo iaalis na dyan sa Lebanon?
25:14Sa ngayon sir, kahit nga malapit sa embassy, malapit sa embahada natin, feel na feel nila yung mga pagbobomba.
25:30Yung area na binobombahan ngayon ng Israel is close lang po sa embassy natin. Kaya mas na-feel nila yun ang pagbobomba.
25:51Mas malakas ang mga sounds doon at yung mga pagyanin. Parang mga intensity 7 or 8 yung temblor doon dahil sa pagbobomba.
26:03Pero hindi yun sir. Yung feel ba natin na binobomba nila.
26:09So para sa inyo, relatively safe pa kayo. Pero ang takot nyo kapag lumalayong sitwasyon, baka pati kayo madamay na sa inyong lugar.
26:16Siguro nasa inyong pagkakataon kung gusto nyo manawagan sa inyong mga kababayan.
26:20Sir?
26:51migrants. Kasi dito sa Lebanon, hindi katulad ng Israel na may gobyerno, dito sa Lebanon walang working government. So walang mag-aasikaso.
27:01Especially yung mga migrants, iniiwanan lang yan. Meron mga government set evacuation centers pero hindi tinatanggap yung migrants.
27:15Kasi yung Philippine Embassy natin ay inaasikaso yung mga Pilipino at open yung shelter ng Philippine Embassy.
27:22Pero yung non-Filipinos, migrants, literally natutulog na lang sila sa kalsada dahil walang shelter para sa mga migrants.
27:32So kami ito nagluluto at nagde-distribute ng pagkain.
27:37Well good to know na hanggang diyan sa ibang bansa talagang buhay na buhay yung spirit ng bayanihan sa mga Pilipino at tumutulong pa sa ibang lahay.
27:44Maraming salamat po sa inyo at ingat po kayo.
27:46Yes po. Pilipino tayo.
27:48Maraming salamat at ingat po kayo.
27:50Ginang Mayra Aragon.
27:52Pa.
28:23Gayun din sina Rodolfo Basilan, Primo Aquino, Ruel Alamoste na nagpadala ng representative, at Vicente Domingo.
28:32Naghahin din po ng COC sina Jem Domagdoy, Monique Solis Cocoranas, Injim Bunayog, Ismael Bajo, at Omar Tomanong.
28:45Eto ang ilan pang naghahin ng kandidatura sa pagkasenador kahapon.
28:48Naghahin ng COC si dating senador, Kiko Pangilinan, Salvador Cabalida, Francis Leo Marcos, Eric Martinez, at Martin Mendoza III.
29:01Naghahin din ng COC si Pastor Apolo Kibuloy sa pamamagitan ng kanyang representative, Bertini Kausing, Melchor Locañas, Antonio Parr, at Robert Marcos Taliano, Tagayan.
29:15Nagfile din ng COC si Loretto Banosan, Faith Ugsad, Wilfredo Red, Edmundo Rubi, at dating Executive Secretary Vic Rodriguez.
29:26Ikinanggipo ni Atty. Sonny Matula ng Workers and Peasants Party o WPP na may pinirmahan silang certificate of nomination and acceptance ni Pastor Apolo Kibuloy.
29:37Base kasi sa inihaing CONA ni Kibuloy sa pamamagitan ng kanyang abogado, nasa ilalim siya ng partidong WPP.
29:44Sabi ni Matula, wala sa tatlong otorizado sa kanilang partido ang pumirma roon.
29:50Git naman ang kampo ni Kibuloy, inaprubahan yun ng lehitimong kinatawan ng WPP.
29:56Represyonin daw ito ng partido sa COMELEC na nagsabi na ring may panahon para risolbahin itong issue.
30:02Kaminan po sa mga requirement ng mga aspirant ang CONA kasabay ng certificate of candidacy.
30:07Wala pang reaksyon sa pahayag ni Matula ang kampo ni Kibuloy at COMELEC.
30:15Ito ang GMA Regional TV News.
30:20Iahatid na ng GMA Regional TV ang may inip na balita mula sa Visayas at Mindanao kasama si Cecil Kibolcastro.
30:27Cecil?
30:29Salamat Rafi!
30:30Aabot sa 70 sako o mahigit dalawang tonela ng taklobo o giant clams ang nakukiska sa isla ng gigante Sa Carles, Iloilo.
30:39Tatumbas yan at halagag mahigit 4 na milyong piso.
30:43Ayon sa Iloilo Maritime Police, walang maipakitang dokumento ang sospek na nahuling nagbibenta ng mga taklobo.
30:50Sa ilalim ng batas, ipinagbabawal ang pagkuha at pagbenta ng mga taklobo dahil ito ay vulnerable species.
30:57Mahaharap ang sospek sa paglabag sa Philippine Fisheries Code.
31:08Nanalasa na sa Mexican Caribbean Coast ang Hurricane Milton.
31:11Bumaba ang bagyo sa category 4 pero muling itinaas sa category 5 batay sa US National Hurricane Center.
31:18Bukod sa minor damages, walang naiulat na sugatan sa pananalasa ng Hurricane Milton sa Mexico.
31:24Sa kuha mula sa International Space Station, kita kung gaano kalaki ang bagyo.
31:29Inaasahang tatamas sa Florida gabi ng Merkoles o sa Huebes ang Hurricane Milton, particular sa Tampa Bay area.
31:37Naka-setup na sa isang stadium ang mga kama na mga re-responde sa pagtulong sa mga maapektuhang residente.
31:44Naghahanda na rin ang mga residente at nililini sa mga debri na mula sa pananalasa ng Hurricane Helen.
31:50Pinag-iingat naman ang ating embahada ang mga Pinoy doon.
31:53Ang mga nakatira sa mga tatamaan ng bagyo, kinaalalahanan na maghanda sa paglikas at sumunod sa protocols.
32:00Mahigit 178,000 na Pinoy ang nakatira sa Florida.
32:08Ito ang GMA Regional TV News.
32:14Pataya nilang driver habang sugatan ang kanyang pahinante matapos mahulog sa bangin ang minamanihong six-wheeler sa magpet kutabato.
32:22Sa Sipalay Negros Occidental naman, hulikang ang panluloob ng tatlong minor na edad sa isang eskwilahan.
32:29Ang may initabalita hatid ni Aileen Fedreso ng GMA Regional TV.
32:35Makikita sa CCTV ang tatlong lalaking nakatakip ang mga mukha na naglalakad sa Sipalay Negros Occidental.
32:41Ang isa sa kanila lumapit pa sa CCTV at ila sumayaw pa.
32:45Sa isa pangkuha ng CCTV, paalis na sa lugar ang mga lalaki.
32:49Ang dalawa sa mga ito may bit-bit ng plastic bag.
32:52Laman ng mga bit-bit nilang plastic bag ang ilang ninakaw nila.
32:56Ayon sa Sipalay City Police, mga minor de edad ng mga lalaki sa video.
33:00Matapos ipatawag sa barangay mga magulang, isinaoli naman ito ang items na ninakaw gaya ng soft drinks, cup noodles at iba pang pagkain.
33:23Sa pahayag ng mga magulang, umami ng mga tatlo sa kanilang ginawa at humingi ng tawad.
33:30Matago kay Demo ng ilang attitude, medyo paluluoy.
33:33Siyempre nilo eh. Demo ng ilang reaksyon paluluoy. Tapos suda sa nopra naman."
33:37Desidido ang eskwelahan na magsampa ng kasong thef laban sa tatlo.
33:42Bumaliktad sa isang sapang isang six-wheeler matapos mahulog sa bangin sa magpet kutabato.
33:48Dead on the spot ang driver ng truck matapos siyang maipit sa loob ng sasakyana.
33:52Nagtamu naman ng sugat sa katawan ng pahinante na isinugol sa ospital.
33:57Ayon sa magpet municipal police station, may karga mga saging ang tumaob na truck na pupunta sana sa palengke.
34:10Aileen Pedrezo ng GEME Regional TV, nagbabalita para sa GEME Integrity News.
34:27Sina po ay sina Patrick Artadio, Rafael Chico, Romeo Macaraig, Shirley Quachin, at Subair Mustafa.
34:40Maging sina Celeste Aguilar, Sunny Pimentel, Enrique Olonan, Ricardo Arguelles, at Willie Rica Blanca.
34:49Naghahin din po ng COCC na Alexander Lague, Melissa Sanchez, Willie Revillame, Roberto Sembrano, at Gabriel Shaklag.
35:01Nag-withdraw naman ang kanyang COCC dating Defense Secretary Delphine Lorenzana matapos itong ifile ni Tupong Nunez ayon sa Comelec.
35:10Sasalain pa ng Comelec ang mga naghahin ng COC gaya ng mga napatawan ng perpetual disqualification to hold public office.
35:18Bago rin matapos ang Nobyembre ay asaha makakapaglabas na ang Comelec na mga deklaradong nuisance at disqualified as pirates.
35:2753 party list naman ang naghahin ng kanilang Certificate of Nomination at Certificate of Acceptance of Nomination kahapon.
35:38Tapos na nga po ang 8 araw na paghahin ng Certificate of Candidacy para sa National Tukal Positions sa eleksyon 2025.
35:45Mula Oktober 1 hanggang 8, 184 ang naghahin ng kandidatura sa pagkasenador at 190 na grupo naman para sa party list ayon sa Commission on Elections.
35:56Sa dami ng gustong kumandidato, 12 lang ang mananalo at mauupo sa pwesto bilang senador ng 6 na taon.
36:04Para naman sa mababang kapulungan ng kongreso, 63 ang pipiliin na kinatawan ng mga party list at 254 ang kinatawan ng mga distrito.
36:16Boboto rin ang tig-isang gobernador at bisigobernador ang 82 ang probinsya.
36:21800 naman ang mayahalal ng miyembro ng mga sangguniang panlalawigan sa buong bansa.
36:28Pagdating naman sa City Mayor at Vice Mayor, tig-143 ang mga posisyon.
36:33Halos 1,007 naman para sa sangguniang lunsod o City Councilors.
36:38Sa Municipal Mayors at Vice Mayors, tig-halos 1,500 ang iyahalal sa pwesto.
36:44Katuwang nila ang nasa halos 12,000 membro ng sangguniang bayan o Municipal Councilors.
36:51Mula sa Governor hanggang Municipal Councilors ay may tatlong taong termino.
36:55Sa 2025, unang beses din na magkakaroon ng botohan para sa mga membro ng Parliament ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.
37:04Kadilang dyan ang 25 kinatawan mula sa mga distrito ng regyon at 40 naman na kinatawan mula sa mga partido.
37:12Sa Nobyembre pa ang filing ng COC para sa BARM Parliament.
37:16Sa kabuuan, may 18,280 posisyon sa eleksyon 2025.
37:23Mga posisyon na mula sa tiwala at pondo ng taong bayan.
37:27Kaya naman kapuso, importante ang boto mo sa May 12, 2025.
37:33Samantala, ramdam na sa ilang lugar ang malamig na panahon.
37:42Base po sa datos ng pag-asa, nakapagtala ngayong araw ng 17.4°C na minimum temperature sa City of Minds, Baguio.
37:5120.8°C sa Malaybalay, Bukidnon.
37:5422.3°C sa Mulanay, Quezon.
37:5822.4°C sa Abukay, Bataan.
38:02Habang 25.4°C ang minimum temperature dito sa Quezon City.
38:07Ayon sa pag-asa, apektado ngayon ng northeasterly surface wind flow ang Northern Luzon.
38:13Habang mga local thunderstorm ang aasahan sa nalalabing bahagi ng bansa.
38:18Nag-dissipate o nalungsaw na ang binabantayang low-pressure area na nasa West Philippine Sea.
38:24Patuloy namang lumalayo sa Philippine Area of Responsibility ang isang tropical depression.
38:29Maraming bahagi po ng bansa, kasama na ang Metro Manila,
38:32ang uulanin sa mga susunod na oras base sa rainfall forecast ng metro weather.
38:38Posible po ang heavy to intense rains na maaari magdulot ng baha o landslide.
38:44For the first time, ipinasilip po sa media ang bagong renovate na bahay, Pangulo sa Malacanang.
38:51Balitang hatid ni Jonathan Andal.
38:54Ito ang tinitirhan ng Pangulo sa loob ng Malacanang Park.
39:02At sa unang pagkakataon, ipinasilip ito sa media.
39:07Ito ang newly renovated bahay Pangulo.
39:17Pagpasok pa lang sa gate ng compound, para ka nang nasa bakasyon.
39:23Yung feel dito parang nasa resort.
39:26Pero yun daw talaga yung intention nung dinisenyo itong presidential residence.
39:32Para daw pag-uwi ng Pangulo, galing trabaho, e makakapag-relaksya ng maigit.
39:38Ang gusto lang ni First Lady nung sabi niya,
39:41Conrad, I want you to make it feel like a resort.
39:44Sabi ko, anong architectural style?
39:46Sabi niya, parang Asian modern.
39:49May personal touch daw ni First Lady Liza Araneta Marcos ang disenyo ng bahay.
39:54Siyang araw mismo ang namili ng mga furniture dito, na karamihan ay nabili niya sa pampanga.
40:00Pero ang isang parte rito na gamit na gamit daw ng First Lady,
40:04ang pool area, dahil tuwing umaga raw ito kung mag-swimming bilang ehersisyo.
40:10Pati ang Pangulo regular din daw mag-workout sa sarili niyang home gym,
40:15na may cardio machine at weights.
40:18Tuwing linggo, nagtitipon dito ang kanilang mga kaanak para magminsa at magsalo-salo.
40:23Siyang dalawa lang ang nakatira dito, pero on Sundays,
40:26nagagather daw yung Marcos family.
40:28Nakikita niyo may mga paintings dito.
40:29Ito daw yung mga nakatambaklan dati sa loob ng palasyo ng Malacanang.
40:33Pero nilabas nila, parang nakikita at hindi nilang nakaalikubukan doon.
40:37Ito po ay mga paintings ni national artist Fernando Amorsolo.
40:44Ito yung personal quarters nung first couple.
40:46Dito sila natutulog,
40:47at sa loob nito yung study area ni Pangulong Bongbong Marcos.
40:52Marami rin ditong pangbagets na laro,
40:54gaya ng biliyaran, Pac-Man arcade machine, board games,
40:58pati na racing simulator,
41:00na madalas daw gamitin ni presidential son Vincent Marcos.
41:04Overlooking dito ang palasyo ng Malacanang,
41:06na ang pumapagit na ay Pasig River.
41:09Bago pinangalan ang bahay Pangulo,
41:11tinawag muna itong bahay pangarap,
41:14na tinirahan din ang mga nakaraang presidente.
41:16Pero pagkaupo ni Pangulong Marcos taong 2022,
41:20ni-renovate ang buong bahay.
41:22Problema daw noon sa lumang bahay pangarap ang mga anay pati na baha.
41:27Tinaas namin yung elevation,
41:29so kahit na tumaas yung Pasig River,
41:31hindi na pumapasok yung tubig.
41:33Tsaka naglagay kami ng sump pump.
41:35Ito ngayon, it's like a floating slab,
41:39kaya kahit na gumalaw yung lupa,
41:42hindi kaalala yung slab nito.
41:44Sa tibay daw ngayon ng bagong disenyo ng bahay Pangulo,
41:47kaya na nitong tumagal ng 20 to 50 years,
41:51na ipapasa nila sa mga susunod na Pangulo.
41:54Jonathan Andal, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
42:04Hulikam ang isang kuwala na paggalagala
42:06sa isang estasyon ng tren sa Sydney, Australia.
42:09Umakyat yan sa hagdaan,
42:11tinignan ng isang elevator,
42:13at naglakad-lakad pa sa platform.
42:15Agad namang re-responde ang polisya
42:17at sinundan ang kuwala.
42:19Inabisuhan din ang mga tren na maghinay-hinay
42:21sa pagtakbo kapag daraan sa estasyon.
42:24Kalaunan ay nag-over-the-buckled ang kuwala
42:27at bumalik sa kakahuyan.
42:32Ito ang GMA Regional TV News.
42:35Napahinto ang ilang motorista
42:37sa Batakilokos Norte
42:39dahil sa isang sawa.
42:41Nakita sa kita ng kalsada
42:43ang sawang may limang metro ang haba.
42:45Galing daw ito sa bukit
42:47at musibning naghahanap ng makakaini.
42:49Ligtas sa mga nakatawid ang sawa.
42:51Umakyat ito sa bakod
42:53hanggang makapasok sa makahuy na bahagi
42:55ng isang universidad.
43:06Good news sa mga customer ng Miralco.
43:08Pusibling bumaba ang singil sa kuryente
43:10ngayong Oktubre.
43:12Ayon sa Miralco,
43:14bumaba ang presyo sa Wholesale Electricity Spot Market
43:16o WESEM dulot ng mas mababang demand
43:18sa kuryente dahil lumamig
43:20ang panahon nitong Setyembre.
43:22Bukod diyan, natapos na ring bayaran noong Setyembre
43:24ang inutay-utay na singil
43:26para sa biniling kuryente sa WESEM
43:28noong tag-init.
43:30Easy na sa pinalparaw ng Miralco
43:32kung magkano ang eksaktong bawa singil sa kuryente
43:34ngayong buwan.
43:40Bumida ang mga posyonist ng aso
43:42sa lawag Ilocos Norte.
43:46May mga very demure lang ang aura
43:48pero meron din namang idinaan
43:50sa extravaganza.
43:52Ang isang aso agaw eksena pa sa stage
43:54matapos magcatwalk.
43:56Tapok sa dog fashion show
43:58ang iba't-ibang breed at sukat ng aso
44:00kasama ang kanilang owner.
44:02Ang fur parent, very extra
44:04na nakisabay rin sa pagsuot
44:06ng ternong kostume.
44:08Wow na wow!
44:12Eto na ang mabibilis na balita.
44:16Bistado sa warehouse na isang courier
44:18sa Pasay ang mahigit P111 million
44:20na halaga ng shabu
44:22na itinago sa mga painting mula sa Mexico.
44:24Ayon sa Philippine Drug Enforcement
44:26Agency, nakatanggap sila ng
44:28tip na may paparating na parcel
44:30na maglalaman ng droga.
44:32Sa inspeksyon, nilapitan daw ng mga
44:34canine unit ang mga painting.
44:36Nakahalo pala ang mga shabu sa wax
44:38na nakapailalim sa frame ng painting.
44:40Nakonfirma sa laboratorio
44:42na shabu nga ito.
44:44Hindi makontak ang consignment ng parcel
44:46na naka-address sa Bulacan.
44:50Arestado sa Noveleta Cavite
44:52ang isang lalaking sangko tumano
44:54sa cryptocurrency scam.
44:56Ayon sa mga polis, tinawag na Crypto King
44:58ang suspek na nakapangloko
45:00na ng P500-600 million pesos.
45:02Modus daw ng suspek
45:04ang alok na 4-5% na buwan ng kita
45:06sa pag-i-invest sa cryptocurrency.
45:08Hindi nagbigay ng pahayag
45:10ang suspek.
45:12Batay sa embesigasyon,
45:14nakulong na noong isang taon ang suspek
45:16dahil sa kaso ng estafa pero nakapagpiansa.
45:18Mahaharap siya ngayon sa reklamong
45:20large-scale estafa na walang piansa.
45:28May panibagong pakulo online
45:30si kapuso prime-time queen
45:32Marian Rivera.
45:36Kaya nga ako teacher e.
45:38From Queen Nyan to Teacher
45:40Emmy real quick.
45:42Yan ang latest TikTok entry ni Marian
45:44na may 1.9 million views online.
45:46Ang hashtag
45:48NewChallenge para sa pagbabalik
45:50bigscreen ng pelikula nilang balota
45:52this October 16.
45:54Kaya ilabas na ang inyong
45:56teacher, teacher Emmy.
45:58Dahil baka kayo na ang mapiling
46:00isama sa premiere night ng hit
46:022023 Cinemalayo film
46:04this Friday.
46:14Speaking of Marian,
46:16lumahog ang aktris at Smile Train ambassador
46:18sa taon ng World Smile Day.
46:20Lighting up the world with smiles
46:22ang tema ng selebrasyon
46:24ang 2024.
46:26Sabay-sabay na pinailawan ng Rizal
46:28Monument sa Maynina at
46:3060 landmarks sa ibang-ibang lugar
46:32sa mundo. Chika niyan sa inyong
46:34kumare. Malaki ang
46:36kontribusyon ng Smile Train sa
46:38pagbabalik ng ngiti sa mga tinutulungan
46:40nilang batang may bingot
46:42o cleft lip and palate.
46:46Formal na pong nagbukas ang 44th
46:48at 45th Association of Southeast
46:50Asian Nations Summit sa Laos.
46:52Kamilang po si Paulo Marco sa mga
46:54world leader na dumalo sa summit.
46:56Sumalang agad ang mga ASEAN leaders
46:58sa plenary session. Nakatakda rin po
47:00ngayong araw ang ASEAN Business and
47:02Investment Summit kung saan
47:04makakaharap ng Pangulo ang ilang
47:06investors at ibibidal niya ang
47:08Pilipinas bilang isang investment
47:10destination.
47:18At ito po ang Balitang Hali.
47:20At ito po ang Balitang Hali.
47:22At ito po ang Balitang Hali.
47:24At ito po ang Balitang Hali.
47:26At ito po ang Balitang Hali.
47:28At ito po ang Balitang Hali.
47:30At ito po ang Balitang Hali.
47:32At ito po ang Balitang Hali.
47:34At ito po ang Balitang Hali.
47:36At ito po ang Balitang Hali.
47:38At ito po ang Balitang Hali.
47:40At ito po ang Balitang Hali.
47:42At ito po ang Balitang Hali.
47:44At ito po ang Balitang Hali.
47:46At ito po ang Balitang Hali.
47:48At ito po ang Balitang Hali.
47:50At ito po ang Balitang Hali.
47:52At ito po ang Balitang Hali.
47:54At ito po ang Balitang Hali.
47:56At ito po ang Balitang Hali.
47:58At ito po ang Balitang Hali.
48:00At ito po ang Balitang Hali.
48:02At ito po ang Balitang Hali.
48:04At ito po ang Balitang Hali.
48:06At ito po ang Balitang Hali.
48:08At ito po ang Balitang Hali.
48:10At ito po ang Balitang Hali.
48:12At ito po ang Balitang Hali.
48:14At ito po ang Balitang Hali.
48:16At ito po ang Balitang Hali.
48:18At ito po ang Balitang Hali.
48:20At ito po ang Balitang Hali.
48:22At ito po ang Balitang Hali.

Recommended