Balitanghali Express: October 17, 2024

  • 2 minutes ago
Narito ang maiinit na balita sa Balitanghali Express ngayong Huwebes, Oktubre 17, 2024:

-2 prostitution den, sinalakay, 10 kabilang ang 5 menor de edad, nasagip

-Pagdinig sa bail petition ni Alice Guo at mga kapwa-akusado sa kasong qualified human trafficking, sinimulan na/Legal team ni Guo: Hindi kilala ni Alice Guo si Lin Xunhan

-17 Chinese, huli sa isang scam hub umano sa Tagaytay; Chinese na tinorture umano roon, nasagip

-WEATHER: Hailstorm, naranasan sa Brgy. San Vicente East

-MMDA: Tumaas sa 421,000 ang average volume ng mga sasakyan sa EDSA nitong September/Adjusted mall hours at suspension ng road construction projects, solusyon ng MMDA sa bumibigat na traffic

-Liam Payne ng One Direction, patay matapos mahulog mula sa balkonahe ng tinutuluyang hotel

-Lalaking kalalaya lang, patay sa pamamaril; suspek ang dating tumestigo sa kanyang kaso/Itinuturong kasabwat ng gunman, itinangging sangkot siya sa pamamaril

-Lalaki, patay matapos barilin sa harap ng pinapasukang restaurant/Aso, natagpuang naka-dextrose at nakasilid sa garbage bag/Mag-amang hinihinalang tinamaan ng human anthrax matapos kumain ng karne ng kalabaw, mabuti na ang lagay

-Mahigit P2M halaga ng hinihinalang smuggled na sigarilyo, nasabat; isang lalaki, arestado

-Mahigit P1.25M halaga ng hinihinalang shabu, nasabat sa magkahiwalay na buy-bust operation; 3 suspek, arestado/Barangay kagawad, patay nang pagbabarilin sa labas ng kanyang bahay

-Sen. Dela Rosa, balak magsagawa ng imbestigasyon sa war on drugs ng Administrasyong Duterte/Rep. Abante sa planong imbestigasyon ni Sen. Dela Rosa: "He would be more biased than actually balanced"/Planong imbestigasyon ni Sen. Dela Rosa sa war on drugs, pinalagan ng kampo ng mga biktima ng EJK House Quad Comm, nakikipag-ugnayan sa COA at AMLC para malaman kung saan nanggaling ang pondo para sa reward system umano sa drug war/SolGen. Menardo Guevarra kaugnay sa reward system umano: May sabi-sabi noon, pero walang testigo/Rep. Barbers: Wala pang ebidensya na may direktang koneksyon si dating Pres. Duterte sa EJK

-"Forever Young," mapapanood na sa GMA Afternoon Prime simula October 21

-66 na senatorial aspirants, pinayagan ng COMELEC en banc na mapasama sa balota/COMELEC: May 24 petisyon para ideklarang nuisance ang ilang senatorial aspirant/Senatorial aspirant Sonny Matula, pinapakansela ang CONA ni Apollo Quiboloy; kampo ni Quiboloy, ipinapadeklarang nuisance si Matula/COMELEC: May 80 petisyon para ideklarang nuisance ang ilang aspirant sa lokal na posisyon

-Interview: COMELEC Chairman Erwin Garcia

-31-anyos na lalaking sinubukang magbayad ng pekeng pera sa convenience store, arestado...

For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs, including the full version of Balitanghali.

Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time).

Recommended