Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:50 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.
#GMAIntegratedNews #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
#GMAIntegratedNews #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:30Palawig. Karamihan sa kanila nakatira sa tabing dagat. Magigit 70 pamilya ang target pang mailikas sa barangay.
00:37Bukod sa Santa Ana, may pinalilikas na rin mga residentes sa Gonzaga, Pamplona, at iba pang mga bayan.
00:44Sa latest buletin ng pag-asa, nagbabadja pa rin maglandfall ang bagyong Marse sa Baboyan Islands o hindi kaya sa mainland Cagayan.
00:52Ang latest sa bagyo, alamin mamaya.
00:55Zero visibility sa ilang bahagi ng Metro Manila dahil sa malakas na pagulan ngayong gabi.
01:04Naranasan po yan sa Espana Boulevard sa Sampaloc, Manila. Gayun din sa Edsa Mandaluyong.
01:10Inulan din ang ilang bahagi ng Quezon City. Kasama na ang Metro Manila sa Thunderstorm Advisory na inilabas ang pag-asa mag alas 8.30 ngayong gabi.
01:21Sa ibang balita, sumakit daw ang channel driver ng luxury vehicle na may pekeng protocol plate na pang senador. Kaya iligal na dumaan sa Edsa bus lane.
01:31Tinakitan at pinagmutan na siya pero hindi pa rin lusot ang kumpanya kung saan nakarehistro ang sasakyan. Saksi si Joseph Moro.
01:39Sir, license ko, license. Driver's license ko. Ay, ako po talaga naman.
01:55Linggo ng gabi nang dumaan sa may northbound lane bago ang Guadalupe station ng Edsa bus carousel, ang luxury vehicle nakadalak escalina ito kahit na bawal.
02:06Kanina, humarap at nagpaliwanag sa Land Transportation Office ang sinitang driver na tinakasa ng enforcer.
02:12Akala ko sir, hindi ako makapasok kasi nagmamadali po ako sir. Sumasakit kasi yung channel ko sir. Medyo nagfailing nila ako noon sir. Kaya gusto kong sumubok na dumaan doon sir.
02:26Tinikitan ng LTO at pinagmultan ng kabuang 9,000 pesos si Ed Pan.
02:30Naarap din siya sa patong patong na paglabag tulad ng disregarding traffic signs dahil sa pagpasok sa busway at illegal use of protocol plate.
02:38Number 7, ang plaka ng ginamit niya sa sakyan na pang senador lamang dapat pero ayon sa LTO, peke ang plaka.
02:45Hindi kami yun eh. Peke in the sense that it is not legitimate. In the sense, LTO issue. Hindi kami magawa.
02:54Sinabi rin ng LTO na reistrada sa kumpanyang Orient Pacific Corporation ang sasakyan.
02:59We cannot confirm. The names of the directors and stockholders may be found in the SEC. It's a public record. And right now we are not authorized to divulge their names due to their rights also. Privacy po.
03:13Hindi naman nila maipaliwanag kung bakit gamit nila ang plate number 7. Kinumpirman naman ng driver na apat silang sakay ng luxury vehicle.
03:21Hindi siya kita sa video pero nakita ang katabi niya sa harap. Ang similip naman ang nakaupo sa likod ay isa raw investor na ihahatid nila.
03:29The company sincerely apologizes for what happened. Hindi po namin gusto yun. Rest assured, we will cooperate with the investigation.
03:42Ayan sa Land Transportation Office o LTO, sa mga nahuhuli sa Elsa Busway, ang mga driver lamang ang tinitikitan at may pananagutan at hindi ang kanyang mga sakay.
03:52Pero hindi naman nakalusot ang kumpanyang Orient Pacific dahil i-issuhan sila ng LTO ng show-cause order para imbesligahan ang karagdagang paglabag ng driver at ng may-ari ng sasakyan.
04:03Hihingi rin ang LTO sa Securities and Exchange Commission o SEC ng kanilang information sheet. Sa kopya na nakuha ng GMA Integrated News Research, makikita na presidente ng Orient Pacific Corporation si Kenneth T. Gatchalian, tatakbong congressman at kapatid ni Sen. Wyn Gatchalian.
04:20Hinihingat pa namin ang panigang magkuya pero nung isang araw sinabi ni Sen. Gatchalian na wala siyang puting Cadillac Escalade.
04:28Happy to see the news.
04:29Wala. Wala. Wala.
04:34Para sa GMA Integrated News, Joseph Morong, ang inyong saksi.
04:39Patuloy na tinutumbuk ng Baguio Marse, ang Northern Mainland Cagayan at Babuyan Islands. Base po sa AP, ang buletin na pag-asa, Signal No. 3, sa Northern portion ng Mainland Cagayan, Southern portion ng Babuyan Islands, at Eastern portion ng Apayaw.
04:53Nakataas naman ang Signal No. 2 sa Batanes, natitirang bahagi ng Babuyan Islands, natitirang bahagi ng Mainland Cagayan, Northern portion ng Isabela, natitirang bahagi ng Apayaw, Abra, Kalinga, Ilocos Norte, at Northern portion ng Ilocos Sur.
05:09Signal No. 1 sa natitirang bahagi ng Ilocos Sur, La Union, Northwestern portion ng Pangasinan, Mountain Province, Ifugao, Benguet, natitirang bahagi ng Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya, at Northern portion ng Aurora.
05:24Ang po sa pag-asa, hanggang bukas, asahanang intense to torrential rains sa Cagayan, Apayaw, at Ilocos Norte. Heavy to intense rains sa Batanes at Abra, at posible rin ang malalakas na ulan sa Kalinga, Isabela, Ilocos Sur, at Aurora.
05:41Basa naman sa forecast track ng pag-asa, posibeng bukas ng hapon hanggang biyernes ng madaling araw mag-landfall o dumikit ang sentro ng bagyo sa Babuyan Islands, o di kaya sa Northern portion ng Mainland Cagayan, saka tutumbukin ang Apayaw at Ilocos Norte. At biyernes ng gabi, posibeng nalasabas na ito ng PAR.
06:03Iniutos ni Pangulong Pongbong Marcos na isayalalin na sa high alert ang lahat ng ahensya ng gobyerno dahil sa bagyong Marse. Pinare-repason rin niya ang mga disenyo at pagkakagawa sa mga tulay at kasada para naman tumagal at umubra. Saan namang panahon? Saksi, si Dano Tin Cunco.
06:26Para hindi naan niya maulit pa ang pinsalang iginulot ng bagyong Christine sa Bicol, ipinagutos ni Pangulong Pongbong Marcos sa Department of Public Works and Highways na muling pag-aralan ang Bicol River Basin Development Program para iwasbaha o mapabilis ang paghupa nito.
06:46Inanunsyo niya yan ang mamahagi ng kabuoang sandaang milyong pisong ayuda sa mga magsasaka at mangingisda sa Cabarines Sur at Albay.
07:08Para diyan, iniutos ng Pangulo sa Public Works Department at Interior Department na makipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalaan.
07:16Iniutos ding repasuhin ang disenyo at pagkakagawa ng mga tulay at kalsada para tumagal at umubra sa anumang panahon.
07:28Pinahahanda naman sa Budget Department ang Quick Response Fund para sa pagtugon sa pinsala ng bagyo.
07:46Inaprubahan naman ng National Economic Development Authority Board ang extension sa pagtatayo at ilang pagbabago sa ilang flood control projects.
07:55Itinaas sa P22B mula sa dating P9.89B ang para sa Kabite dahil sa mga idinagdag na drainage at pagpapalawak ng diversion channels.
08:05Itinaas naman sa P57.7B mula sa P33B ang Phase 4 ng isang proyekto kontrabaha na pakikinabangan sa Pasig, Marikina, Quezon City at mga bayan ng Taytay at Kaintas, Arizal.
08:18Inaprubahan din ang pagbili ng 40 fast patrol craft ng Philippine Coast Guard para sa disaster response, search and rescue operations at pagpapatupad ng maritime law.
08:27Ngayong ramdam na ang bagyo Marse sa ilang bahagi ng bansa, utos ni Pangulo Marcos ilagay sa high alert ang lahat ng ahensya ng gobyerno. Ayusin daw ang sistema ng komunikasyon para mas mabilis ang paghatid ng abiso sa publiko.
08:57Para sa GMA Integrated News, danating ko ang call ng inyong saksi.
09:10Hulikam ang pagsempla ng isang motociklo sa Pasig City. Ang aksidente nagugat daw sa pagtagas ng langis mula sa isang AUV. Saksi, si Oscar Oida.
09:20Pasado las tres ng hapon nitong lunes, kuha ang kuha sa CCTV ng Barangay Capitolio sa Pasig, nang magkalat ng langis sa daan ang isang dumaang all utility vehicle o AUV.
09:36Dahil hindi po siguro secure yung kanilang pagkakalagay sa kanilang vehicle, hindi nila alam na tatapon na.
09:44Ilang saglit, napadaan sa kumalat na langis at nadulas ang isang motociklong may angkas pamanding pasahero. Agad naman silang tinulungan ng mga tao sa lugar at tinulungang makatabi sa gilid.
09:58Inalock daw sila ng ambulansya ng barangay, pero di na daw ito nagpatulong pa at kalauna'y sumakay na muli ng motor at umalis.
10:07Luckily, hindi po na-injured yung ating rider and minor injuries lang siguro yung rider at angkas niya. Kawawa po yung motociklo dahil wala naman din siyang kamalay-malay siguro na biglang may oil spill doon sa dadaanan niya.
10:23At para di na maulit pa ang insidente, agad pinaflashing ng barangay ang tumagas na langis. Kung may makitaungunang mga tumagas na langis sa daan, agad daw ipagbigay alam sa mga kinaukulan.
10:37Para sa GMA Integrated News, Oscar Oida ang inyong saksi!
10:43Nasa Immigration Lookout, buletin ng pitong opisyal ng Office of the Vice President dahil sa ilang beses nilang hindi pagsipot sa mga pagdinig ng kamera.
10:51Kabila po dito ang Chief of Staff ni Vice President Sara Duterte na nakalis na ng bansa bago ang hearing kahapon.
10:57Pero gate ng OVP, personal ang biyahe at walang kinalaman sa trabaho.
11:02Saksi! Si Tina Panginiban Perez!
11:08Dahil sa ilang beses na pang-iisnab sa mga pagdinig, hiniling ng House Committee on Good Government and Public Accountability na ilagay sa Immigration Lookout Buletin ang pitong opisyal ng Office of the Vice President.
11:21Pinagbigyan naman ito ng Department of Justice at inilabas ngayong araw ang kautusan.
11:27I would like to reiterate that this ilbo is not a restriction to their travel or their right to travel,
11:32but merely a monitoring mechanism by which we can see kung lumabas po sila sa bansa or pumasok na.
11:39Pero paglilinaw ng DOJ,
11:42It does not by any stretch of the imagination force them to attend a particular hearing whether it be in the Congress, Senate or in court.
11:50Kabilang sa nasa lookout order ang Chief of Staff ni Vice President Sara Duterte na si Zulika Lopez.
11:56Nakatakda sana siyang humarap sa pagdinig pero lumipad pa Amerika sa bisperas ng committee hearing kahapon.
12:03Ayon kay Committee Chair Joel Chua,
12:06Tila may pumipigil sa mga opisyal ng OVP sa pagharap sa imbasigasyon kaugnay ng pagkasto sa Confidential and Intelligence Fund ng OVP.
12:16Inaalam daw nila kung si VP Sara ang pumirmang sa Travel Authority ng Chief of Staff nito.
12:22Ganito rin ang pananaw ng ibang kongresista.
12:24Meron hong bad faith sa mga anong rason. Unang-una, they were invited several times.
12:31Pangalawa, makikita pong merong bad faith kasi pumalis po siya ng bansa the night before the scheduled hearing.
12:40The Chief of Staff has the obligation to explain the irregularities, the concerns and the issues kasi kung wala naman tinatago, bakit kao umiiwas?
12:50Sa isang pahayag, kinumpirman ng OVP na bumiyahe pa Amerika si Lopez at inaprobahan nito ng visa.
12:58Personal na biyahe raw ito at walang connection sa trabaho nito.
13:03Hiniling pa ng OVP na igalang ang privacy ni Lopez at ng pamilya nito sa panahong may mabigat daw silang pinagdaraanan.
13:11Nababahala rin ang ilang kongresista sa pagtanggi ni Vice President Sara Duterte na mag-oath sa pagdinig ng Kamara.
13:19It does not set a good precedent for all resource persons that will attend in the future hearings.
13:26Even former President Aquino attended the Senate hearing and took his oath.
13:32President Duterte attended the Senate hearing and took his oath.
13:36Sa kabila nito, premature pa raw sabihin na may basehan na para i-impeach ang visa.
13:43It's premature to even say na this leads to the impeachment.
13:47We have yet really to find out what really happened as far as the utilization of these funds.
13:54Hinihingan pa namin ng reaksyon kaugnay nito si VP Sara.
13:58Para sa GMA Integrated News, ako si Tina Panganiban Perez, ang inyong saksi.
14:05Nadagdagan ng dalawang milyon ang mga Pilipinong may trabaho noong Setyembre at inaasahang darami pa habang papalapit ang Pasko.
14:13At kabilang sa matumas ang bilang mga senior citizen.
14:15Saksi si Bernadette Reyes.
14:21Age knows no limits, pati sa paghahanap buhay.
14:25Gaya ni Lola Mari Luna kahit 70 anyos na, abala sa kanyang maliit na karinderiya.
14:31Para may income din, konti.
14:34Para sa mga apo, anak.
14:37Gagaya nito, kita ako. May pamasko ako sa mga apo ko.
14:42Ayon sa Philippine Statistics Authority, nadagdagan ng 384,000 ang bilang ng mga senior citizen na nagtatrabaho o nagnenegosyo noong Setyembre,
14:52kumpara sa parehas na panahon noong nakaraang taon.
14:55Karamihan sa kanila, nalilinya sa services sector.
14:58Ang mga seniors, workers na senior ay tumataas.
15:03Both in terms of numbers and in terms of percentage of workers.
15:08Nitong September, halos 50 milyong Pinoy ang may trabaho base sa tala ng Philippine Statistics Authority.
15:16Dalawang milyong niyang mas marami kumpara sa parehong buwan noong 2023.
15:21Bumaba naman ang bilang ng walang trabaho.
15:24Mas mababa kumpara noong Agosto.
15:27Bahagyan namang tumaasang bilang ng mga underemployed o nais magkaroon ng dagdag na oras sa trabaho.
15:33Gaya na lang Michelle na nag-overtime sa trabaho.
15:35Para may panggastos din to saan, pangdagdag gastos, pang araw-araw. Kasi ang hirap po ngayon ng buhay.
15:42Ang good news, habang papalapit ang Pasko, maaari makatulong ilang job openings sa retail sector tulad sa mall, groceries, restaurants, at hotel.
15:53Magsisimula sa October yung mga bazaar, yung mga markets, may mga activities tayo.
16:00Ayong ki-Labor Secretary Benny Laguasma, pagpapakita raw ang latest labor force survey na bumubuti ng economic conditions ng bansa.
16:09Prioridad daw nila ang makapaglikha ng kalidad na trabaho sa pahigipagtulungan sa pribadong sektor.
16:15Para sa GMA Integrated News, Bernadette Reyes ang inyong saksi.
16:21Isang balkon na China ang namataang nagmamasit sa joint exercises ng AFP sa isang isla sa West Philippine Sea.
16:29Ine-ensayo roon ng Pilipinas kung paano babawiin ang isang isla. Saksi, si Chino Gaston.
16:38Sakay ng rubber boat mula sa BRP Ramon Alcaraz, sinugod ng mga Navy SEAL at Coast Guard ng Ota Island sa West Philippine Sea.
16:46Pagsasana yan kung paano atakihin at bawiin ang isang isla.
16:50Bahagi ito ng sama-samang pagsasanay ng Philippine Navy, Army, Air Force, at Philippine Coast Guard para sa AFP joint exercises dagit pa.
17:00Gamit din nila ang pinakabagong fast attack interdiction craft na gawang Israel, pati na ang Agusta Westland Helicopter.
17:08Ayon sa AFP, wala namang pinatutungkol ang bansa ang pagsasanay. Pero...
17:13Pwede nating sabihin yun na we are warning our neighbors or kahit na sino mga external forces diyan that we are capable of defending our islands.
17:23This is a test of our interoperability dito sa Armed Forces of the Philippines and the integration of all the capabilities of the Army, Air Force, and Philippine Coast Guard.
17:35And it is very crucial for us to enhance, of course, our capability right here in the West Philippine Sea.
17:43That is to... for us to show our firm resolve of defending our sovereignty of the Philippines.
17:50Ginanap ang pagsasanay sa bahagi ng Kalayaan Group of Islands sa West Philippine Sea.
17:56Sa gitna nito, isang corvette ng Chinese Navy ang lumapit at nagbasid.
18:01Agad na nag-radio challenge ang DRP Ramon Alcaraz para palayuin ng mga Chinese.
18:06Chinese warship 629, Chinese warship 629. This is Philippine Navy warship 16. You are entering in our exercise area. Leave the vicinity immediately. Over.
18:17Hindi sumagot ang mga Chinese pero ayon sa AFP, di naman nakaapekto ang pagdating nila sa ginawang pagsasanay.
18:26At mamasib lang sila. Nanonood sila. So, wala naman na interruption yung ating exercise.
18:37Sa Philippine Rise naman, na nasa silangan ng Luzon, dalawang Chinese research vessels ang namataan noong Lunes ayon sa Philippine Navy.
18:44Pero anila, posibling umiiwas lang ang mga naturang barko sa bagyo kaya naroon.
18:50Nothing to be scared of. Nothing to be alarmed about.
18:53Basta himik naman daw ang sitwasyon ngayon sa West Philippine Sea, sabi ng Philippine Coast Guard.
18:58There's a significant number of decrease of presence on the part of the Chinese government maritime forces because of the very bad weather condition of the West Philippine Sea.
19:11Pero sa himpapawin, dumarami raw ang intrusion o foreign aircraft na iligal umanong nakapapasok sa Philippine airspace base sa monitoring ng 5th Fighter Wing ng Philippine Air Force.
19:24We are almost outside the 24 nautical mile limit. Sometimes they go near the 12 nautical mile limit, but maybe they are just testing us. And this is very concerning for us.
19:36Mahirap daw matukoy kung saang bansa galing ang mga naturang aircraft, lalot pumasok ang mga ito nang wala man lang paalam.
19:44Mari raw ng military o commercial ng mga naturang aeroplano. Hamon din ang magsagawa ng interception sa karamihan ng mga foreign aircraft na pumapasok sa airspace ng bansa dahil limitado ang kakayahan ng Philippine Air Force.
19:59It's very costly to intercept this intrusion, this aircraft, unmanned or manned. So we need to balance, we need to be selective.
20:09Para sa GMA Integrated News, ako si Chino Gaston ang inyo.
20:14Nasagip sa gilid ng kasada ang walong banggula na sanggol, matapos umanong tangayin at iwan ang dalawang lalaki sa Malay Balay City sa Bukidnon.
20:23Nahuli ang isa sa mga lalaki matapos tumumbah ang kanilang motosiklo, pero nakatakas ang kasama niya Chuhin na siya raw amain ng bata.
20:31Depensa ng nahuli ipinahawak lang sa kanya ang bata, pero hinabol sila ng mga tao, kaya iniwan niya ito dahil sa takot. Maayos naman ang kalagayan ng sanggol.
20:40Ang kwento ng lola, hiwalay na ang ina ng bata at ang amain na suspect sa pagdukot.
20:47Dumalaw raw ang suspect sa bahay nila, pero itinakas bigla ang bata.
20:52Pinag-aaralan na ang posibeng reklamo laban sa nahuling lalaki. Patuloy ang investigasyon gayun din ang pagtugis sa nakatakas na suspect.
21:01Tumanggap ng natatangin pagkilala ang Menorco Development Corporation sa industriya ng real estate.
21:07Nakukuha nito ang Wired Score Platinum Certification, pinakamataas na Digital Connectivity o Connectivity Rating na ibinigay ng Wired Score.
21:17Bilang pioneer sa digital connectivity, sinabi ni Carmen Jimenez Ong, founder and CEO ng Menorco Development Corporation,
21:25lalo pang pinag-iibayo ng kumpanya ang kanilang competitive edge sa larangan ng commercial property landscape.
21:32Ang Menorco Tower, ang kauna-unahang gusali sa Pilipinas na nakakuha ng prestiyosong parangas.
21:40Mga kapuso, 48 na araw na lang, Pasko na!
21:45At kumukutikutitap na ang mga Christmas display sa Ayala Avenue sa Makati.
21:50Habang highlight naman sa isang mall sa San Juan, ang higanteng Christmas tree.
21:54Saksi! Si Niko Wahe!
22:02All red with a touch of gold, giant Christmas tree na inilawan sa isang mall sa San Juan City.
22:08Tatlongpong talampakan ng pinagpatong-patong na giant Christmas balls ang ginawang Christmas tree.
22:14Sintasya ng dalawang palapag na gusali.
22:17Mas kinumpleto pa ang Christmas feels dahil sa snow effect.
22:21At syempre ang pagkanta ng kantang pampasko ng choir at orkestra.
22:25Joy to the earth, the Savior reigns.
22:30What we wanted to highlight or showcase here is about the spirit of Christmas as one family.
22:36Ramdam na ramdam po yung Christmas spirit, yung pagka-lighting ng Christmas tree.
22:42Nagkaroon din ang gift-giving para sa mga batang tumutuloy sa isang orphanage, na inimbitahan para matunghaya ng pagkapailaw ng Christmas tree.
22:495, 4, 3, 2, 1, pull the ribbon!
22:57Muli namang pinailawa ng 1.9 kilometers na kahabaan ng Ayala Avenue kanina.
23:03For over a decade, we enjoyed the Festival of Lights, our annual feast for the eyes.
23:09But this year, we have prepared a truly immersive holiday experience.
23:16Para sa GMA Integrated News, Nikuhahe, ang inyong saksi.
23:22Salamat po sa inyong pagsaksi. Ako si Pia Arcangel para sa mas malaki misyon at sa mas malawak na pagdilingkod sa bayan.
23:30Mula sa GMA Integrated News, ang News Authority ng Pilipino. Hanggang bukas, sama-sama po tayong magiging saksi!
23:45.