• last year
Anu-ano kaya ang ipinagpapasalamat ni Kara David ngayong Pasko? Alamin sa online exclusive na ito.

Maaring pakinggan ang 2024 Christmas Station ID na 'Ganito ang Paskong Pinoy: Puno ng Pasasalamat,' sa YouTube at Facebook ng GMA Network.

Category

😹
Fun
Transcript
00:00Ah, ano ang ipinagpapasalamat ko ngayong Pasko?
00:09Pinagpapasalamat ko yung biyaya ng buhay, yung araw-araw na lumalanghap tayo ng hangin,
00:16araw-araw na nakakakain tayo ng maayos, life in general, kahit Pasko naman yan o ano
00:23pang araw, araw-araw nagpapasalamat ako sa Panginoon para sa biyaya ng buhay.
00:28So all the more this Christmas, I'm thankful that I'm still alive, that my family is still
00:34alive, at thankful ako na nandyan pa rin yung ating mga kapuso na tinatangkilik yung
00:39ating mga programa.
00:40Siyempre ang Panginoong Yeso Kristo kasi wala naman tayong Pasko kung wala ang ating
00:51Panginoon.
00:52So para sa akin, ang Pasko ay panahon ng pagpapasalamat sa lahat ng biyaya ng Panginoon sa atin.
01:00Pasasalamat sa aking pamilya na kahit busy tayo ngayong mga panahon ito, ay nandyan pa
01:08rin sila patuloy na sumusuporta.
01:11Nagpapasalamat ako sa asawa ko na kahit na hindi ko siya makakasama ngayong Pasko
01:15kasi nandun siya at naglalayag sa malayong lugar, ay patuloy pa rin naming nararamdaman
01:22yung init ng pagsasama kahit na magkahiwalay kami.
01:31Espesyal ang Paskong Pinoy kasi tayong mga Pilipinon, natural sa atin yung pagiging mapagmalasakit
01:37sa ating kapwa.
01:38At yung ultimate na pagpapakita ng pagmamalasakit ay nararamdaman natin tuwing Pasko,
01:45sa pamamagitan ng pagbibigayan, hindi lang ng mga regalo pero pagbibigay ng saya at saka ng oras natin
01:52para sa ating mga mahal sa buhay.
01:54So, espesyal ang Paskong Pilipino kasi nasa puso natin ito, sinasa puso natin ito.
02:02Hindi lang siya bastang holiday season, hindi lang siya bastang event.
02:06Hindi lang siya tumatawid siya mula sa pagiging material, sa material na bagay.
02:12Yung Pasko para sa atin talagang nararamdaman natin sa puso natin.

Recommended