• 2 days ago
-Iba't ibang parties at firework display, bumida sa New Year celebration sa Boracay/ Mga basura sa beach front ng Boracay, tumambad matapos ang parties; Malay LGU, nagsagawa ng paglilinis


-Pagsalubong ng bagong taon sa Davao City, napuno ng ingay sa kabila ng firecracker ban/ Taunang fireworks display sa Tagum City, dinaluhan maging ng mga taga-karatig-bayan/ Maulang panahon, naranasan sa ilang lugar sa General Santos City sa pagsalubong ng bagong taon


-Ilang Kapuso celebrities, nag-flex ng kanilang new year celebration


-INTERVIEW:
F/SUPT. ANNALEE CARBAJAL-ATIENZA
CHIEF, PIS BUREAU OF FIRE PROTECTION
Sunog sa unang araw ng bagong taon, sumiklab sa Malabon at Q.C./ Sanhi ng sunog na sumiklab sa Malabon at Q.C. ngayong bagong taon, patuloy na inaalam ng BFP






Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00🎶
00:10Kabil-kabilang parties at fireworks display
00:13ang bumida sa New Year celebration sa isla ng Boracay sa Malay Aklan.
00:17Pero tumambad din po ang mga basura matapos ang pagdiriwang.
00:21May ulat on the spot si John Sala ng GMA Regional TV.
00:25John?
00:26🎶
00:29Tony, ulan ang bumungad kanina sa mga turista dito sa isla ng Boracay.
00:33Kaya nga yung mga nakasanaya na maaga pa lang na paliligo sa beach
00:37ay pinagpaliban muna ng ilan sa ating mga turista dito sa isla.
00:41Sa halip nga na haring araw,
00:43ay ulan ang sumalubong sa mga turista sa isla ng Boracay ngayong unang araw ng 2025.
00:49Alas-ais kaninang umaga nang nagsimulang umulan sa isla,
00:53kaya naging kakaunti lang ang mga turista
00:55na nabas at na namasyal o nag-enjoy dito sa beachfront area.
00:59Mayroong mga ilan nilan na naligo at tumambay pa rin kahit umuulan.
01:03Perfect daw kasi dahil walang ibang tao at parang na solo nilang isla.
01:08Ang relaxed vibes ngayon sa beachfront area ay kabalik tara naman
01:12sa naging sinaryo kagabi na halos mapunu na nga ang lugar
01:16ng mga turista na nanood sa New Year's countdown at ng engranding fireworks display.
01:22Hindi nga binigo ng labing isang hotels at iba pang mga establishmento
01:26ang mga turista dahil sa loob ng mahigit 20 minuto
01:30ay napawaw ang mga ito dahil sa ganda ng mga fireworks.
01:33Yun nga lang kung anong kadaami,
01:37ang mga turista kagabi hanggang kaninang madaling araw
01:40ay ganoon din ang mga kalat na iniwan nila sa beachfront area.
01:44Maaga pang naglinis ang maintenance team ng Malay Aklan LGU
01:48sa mga iniwang paper cups, plastics, wrappers at bote ng alak
01:53sa beachfront area ng mga nanood ng fireworks display.
01:57Panawagan ng local government unit ng Malay Aklan sa mga turista
02:00ay clay go or clean as you go at para mapanatili daw ang ganda
02:05at kaayusan sa Boracay Island.
02:07Narito po ang pahayag ng ilan sa aming nakapanayam.
02:12Ngayong umaga, it feels refreshing na umulan.
02:18We're welcomed by the rain and it's a blessing.
02:21Pero kagabi-grabi yung crowd dito.
02:24At saka, it's a new experience din sa family namin na pumunta dito.
02:30Dapat iligpit nila sa sarili, dalilan na sila sa resort
02:34para mabawasan yung basura sa beach,
02:37para hindi naman pag-abutan ng umaga,
02:40para hindi naman tingnan ng basitang marami dito palang basura sa Boracay.
02:50Connie, ngayon nga ay bagyang gumanda ang panahon,
02:53kaya marami ulit ang tumatambay dito sa beachfront area ng Boracay
02:56para mag-sightseeing at ma-enjoy ang kagandahan ng isla.
03:00Connie?
03:01Maraming salamat at Happy New Year sa iyo, John Sala ng Jimmy Regional TV.
03:07Ito ang GMA Regional TV News.
03:13Balita naman sa Visayas at Mindanao mula sa GMA Regional TV.
03:16Mahigit dalawang dekada nang may firecracker ba no pagbabawal sa mga paputok sa Davao City.
03:22Sarah, paano na naging pagsalubong diyan?
03:27Rafi, masaya at maingay pa rin naman ang selebrasyon dito sa Davao City
03:32kahit bawal magpaputok ang mga residente.
03:35Yan at iba pang pagsalubong sa Bagong Taon sa Mindanao
03:39sa balitang hatid ni R. Jill Relator ng GMA Regional TV.
03:52Sa Davao City, bagamat walang paputok dahil sa firecracker bags sa lungsod,
03:57masaya pa rin sinalubong na mga Davawanyo ang Bagong Taon.
04:01Pinaingay ng musika ng mga banda at party DJs ang pagsalubong sa 2025
04:07sa isinagawang year-end countdown sa Coastal Road Esplanade.
04:11Bago ang countdown, napuno ng performances ng Davao talents at banda ang aktibidad.
04:17Ibat-ibang diskarte naman ang ipinamalas ng mga Davawanyo
04:21upang maingay at masaya salubungin ang Bagong Taon.
04:25Sa isang barangay, nagsilabasan at nagumpulan sa gilid ng kalsada
04:30ang mga residente upang masayang batiin ang mga dumaraan.
04:37Party feels naman na nagsasayawan na ang mga magkakapitbahay na ito.
04:42Umarangkada rin ang mga naglilibot na mga motorcyclo at tricycle
04:46na may malalakas na speakers na tila naging mobile party music.
04:53Dagdag paingay rin sa pagsalubong ng Bagong Taon
04:56ang mga torotot na nakagawian ng gamitin na mga bataman o matatanda
05:01upang ligtas sa pagsalubong ng Bagong Taon.
05:06Sa Tagom City Davao del Norte naman,
05:11nagsilabasan sa kanilang mga bahay ang mga tagomenyos
05:15upang saksihan ang magarbong fireworks display.
05:19Isinagawa ito sa unang pagkakataon sa Tagom City Flyover
05:23namangha ang mga tagomenyo
05:25ng magningning ang kalangitan sa fireworks display
05:28na tumagal ng sampung minuto.
05:34Nakagawian na ng LGU Tagom ang pagsasagawa ng fireworks display
05:38sa tuwing pagsalubong ng Bagong Taon
05:40na dinarayo pa ng mga tagakalapit na bayan.
05:43Bago ang countdown, may programa ang handog
05:46kung saan tampok ang song and dance performances
05:49ng mga kabataang tagomenyos.
05:53Masayang sinalubong ng iilang residente
05:56sa General Santos City ang Bagong Taon
05:59kahit may naranasan na panandali ang ulang sa iilang lugar.
06:03May nagpapapotok ng umanay regulated firecrackers
06:06at pyrotechnic.
06:11Sinabayan din ang mga alternatibong paraan ng pag-iingay
06:14tulad ng pagpukpuk ng mga kitchen utensil.
06:18Ang iba, gumamit ng torotot.
06:21Nagmistulang picnic ground naman ang Plaza General Santos
06:24dahil sa ilang pamilya na naghintay roon
06:27para salubungin ang Bagong Taon.
06:29Kwento ng ilan, enjoy sila magbanding kasama ang pamilya.
06:34Mas happy, mas happy kasi marami na marami nakikita.
06:38Mas gipiliin na mo dari magspend o new year o magkaon-kaon.
06:43Ari Jill Relator ng GMA Regional TV
06:47nagbabalita para sa GMA Integrated News.
06:51Mga mare at pare ay finlex ng kapuso stars
06:54ang kanika nilang new year celebration.
06:58Si Harte Evangelista ipinost
07:00ang new year celebration with the hubby,
07:02Senate President Cheese Escudero and family.
07:06Instant cutie rin si Harte with her 2025 headband
07:10kasama si mommy Cecile and sister Camille.
07:13Family goals naman ang Legazpi family
07:16na nag new year celebration.
07:18Si Ashley Ortega Ibinida ang bonding
07:21with co-sparkle star Shuvie Etrata with her 2025 headband.
07:25Si My Ilonggo Girl star Jillian Ward
07:28enjoy sa new year karaoke.
07:32Update tayo sa mga sunog ngayong unang araw ng Bagong Taon.
07:36Kawusapin natin si Fire Senior Superintendent
07:38Annalie Carbajal Atienza,
07:40Chief Public Information of Service ng Bureau of Fire Protection.
07:43Happy New Year po ata.
07:44Welcome back sa Balitang Hali.
07:46Magandang Hali po. Happy New Year.
07:49Ano po mga naging dahilan itong mga nangyaring sunog
07:53dito po ngayon sa Metro Manila?
07:55Ayon po sa data natin,
07:58ang nakikita natin dito ay
08:01electrical ignition pa rin po
08:03at pareho po yung apat.
08:06The rest po ay still,
08:08ina-identify pa po ang cost.
08:11At wala naman pong firecracker related na sunog?
08:16Over the evening hanggang kanina hanggang now,
08:20negative pa po tayo related sa firecrackers.
08:23Ang last po ay kahapon ng 12 noon.
08:27Okay.
08:28Kumpara po noong nakaraang taon,
08:29bumaba ba yung bilang ng mga insidente ng sunog
08:31sa pagsalubog mo sa Bagong Taon?
08:33Yes po.
08:34Meron po tayong 35 noong 12 noon.
08:39Noong 2024 at 43 noong 2023.
08:46Ano po ma-attribute,
08:47saan po kayo ma-attribute ito,
08:49itong pagwaba ng sunog ngayong pagsalubog sa 2025?
08:52Masasabi po natin yung pag-iingay natin,
08:56lalo lalo na dito sa social media
08:58kung saan talagang malaki ang naging impact
09:01ng ating pagpapaalala.
09:03At ganoon na rin po yung collaboration
09:06with the local government unit.
09:08And yung participation ng community mismo.
09:11So masasabi natin at some point
09:13tumaas na ang kanilang kaalaman
09:15at nagiging lesson na po talaga
09:17yung mga hindi magandang nangyari
09:20sa mga iba nating kababayan.
09:22Pero siyempre kulang pa rin po.
09:23So may room for improvement pa rin po for next year?
09:27Yes po. Ganoon pa rin po.
09:29Atin pa rin po itong i-emphasize
09:31lalo lalo na yung residential areas
09:34dahil majority ng mga insidente
09:36nitong nakaraang taon ay sa residential po.
09:39Okay. Maraming salamat po
09:41sa oras na binahagi niyo sa Balitang Haling.
09:43Thank you po. Happy New Year.
09:44Ingat po tayong lahat sa Agarang Responde po.
09:46Dial lang po 911. Thank you.
09:49Si Far Senyor Superintendent Annalie Carvajal
09:51at Yansa ng BFP.

Recommended