His Eminence Jose Cardinal Advincula delivers his homily to the thousands of devotees who attended the Fiesta Misa Mayor in honor of Jesus Nazareno at the Quirino Grandstand on Thursday, Jan. 9.
Subscribe to the Manila Bulletin Online channel! - https://www.youtube.com/TheManilaBulletin
Visit our website at http://mb.com.ph
Facebook: https://www.facebook.com/manilabulletin
Twitter: https://www.twitter.com/manila_bulletin
Instagram: https://instagram.com/manilabulletin
Tiktok: https://www.tiktok.com/@manilabulletin
#ManilaBulletinOnline
#ManilaBulletin
#LatestNews
Subscribe to the Manila Bulletin Online channel! - https://www.youtube.com/TheManilaBulletin
Visit our website at http://mb.com.ph
Facebook: https://www.facebook.com/manilabulletin
Twitter: https://www.twitter.com/manila_bulletin
Instagram: https://instagram.com/manilabulletin
Tiktok: https://www.tiktok.com/@manilabulletin
#ManilaBulletinOnline
#ManilaBulletin
#LatestNews
Category
🗞
NewsTranscript
00:00JESUS CHRIST
00:09Manatili pong nakatayo ang lahat
00:11Alleluia, Alleluia, Alleluia
00:35Alleluia, Alleluia, Alleluia
01:05Lubhang Kagalanggalang Antonio Tobias, Bishop Emeritus ng Nubaliches
01:30Lubhang Kagalanggalang Jodoro Bacani, Bishop Emeritus ng Nubaliches
01:40Lubhang Kagalanggalang Rufino Sescon Jr., Rector ng Basilica Menor at Pambansang Dambana ng Jesus Nazareno
01:54Lubhang Kagalanggalang Nashila Hanilakunapangan, Vice Mayor ng Lunsod ng Maynila
02:24Police General Romel Francisco Marbil, Iba pang mga opisyal at mga kasapi ng ating kapulisan
02:35Mga paring nakipagdiwang, mga diakono, mga seminarista, mga reliyoso at reliyosa, mga minamahal kong kapatid kay Kristo
02:51at kapwa-diboto ng mahal na pong Jesus Nazareno
02:57Viva Jesus Nazareno!
03:00Viva!
03:02Nagpapasalamatayo sa Diyos sapagka tinipunya tayo ngayon upang sumamba at maglingkod sa Kanya
03:15Masaya ko na makapiling kayo ngayong piyesta ng mahal na pong Nazareno
03:23Maligayang kapistahan po sa ating lahat
03:31Mas mabuti ang pagsunod sa paghahandog sa mga umaasa kay Jesus
03:49Ito ang tema ng ating piyesta ngayong taon
03:55Hango ito sa unang aklat ni Propeta Samuel 15.22
04:05Dalawang aral ang alalahanin natin
04:11Pag-asa kay Jesus at pagsunod kay Jesus
04:18Una ay pag-asa kay Jesus
04:24Sa ating ibanghelyo ngayon
04:28Sinabi ng Panginoon kay Nicodemo
04:32Na kailangang itaas ang anak ng tao
04:37Upang ang sinumang sumasampalataya sa Kanya
04:43Ay magkaroon ng buhay na walang hanggan
04:49Gusto ng mahal na Senyor
04:54Na tayo ay mabuhay
04:58Mabuhay ng walang hanggan
05:03Ano ba ang mas maganda, buhay o patay?
05:10Mas malakas, buhay o patay?
05:16At ang gusto ng mahal na Senyor para sa atin
05:21Ay hindi lang buhay, kundi buhay na walang hanggan
05:31At may kasabihan pa tayong mga Pilipino
05:37Habang may buhay, may pag-asa
05:43Habang may buhay, may pag-asa
05:48Naniniwala ba kayo roon?
05:54May mas magandang turo ang mahal na Senyor
06:01Sahalip na habang may buhay, may pag-asa
06:08Ang turo niya sa atin ay
06:11Habang may pag-asa, may buhay
06:15Pakiulit niyo nga po
06:18Habang may pag-asa, may buhay
06:26Hanggat meron tayong pag-asa
06:30Meron tayong buhay
06:34Hindi natin kayang mabuhay
06:38Kung wala tayong pag-asa sa buhay
06:42Dahil ang taong walang pag-asa sa buhay
06:48Ay taong papatay-patay
06:54Mga kapatid, may pag-asa tayo
07:00Dahil buhay Jesus Nazareno
07:06May pag-asa tayo
07:09May pag-asa tayo
07:12Dahil buhay ang mahal na Senyor
07:18Sa tuwing sumisigaw tayo ng viva sa mahal na Senyor
07:25Sinasabi natin na buhay ang mahal na Senyor
07:33Buhay ang pag-asa natin
07:36Dahil buhay ang mahal na Senyor
07:43Nabubuhay siya sa mga puso natin
07:49Nabubuhay siya sa paligid natin
07:54Nabubuhay siya kasama natin
08:00Huwag na tayong magpapatay-patay
08:06Habang may pag-asa, may buhay
08:12Kaya't mabuhay tayo sa pag-asa kay Jesus
08:20Viva Jesus Nazareno!
08:25Ang ikalawa ng aral ay pagsunod kay Jesus
08:33Sa ikalawang pagbasa, sinabi ni San Pablo
08:40Na ang mahal na poong Jesus Nazareno
08:44Ay masunurin sa Kanyang Ama
08:49Sumunod siya sa kalooban ng Diyos Ama
08:54Magpahanggang kamatayan
08:58At bakit masunurin sa Jesus?
09:03Ito ay sapagkat mahal niya ang Ama
09:10Ang nagmamahal sa Diyos ay sumusunod sa Diyos
09:18Ang umaasa sa Diyos ay sumusunod sa Diyos
09:25Kaya naman, mga minamahal na kapatid kay Jesus Nazareno
09:33Kung tunay tayong diboto
09:37Kung totoong mahal natin ang poong Jesus Nazareno
09:43Maging masunurin tayo sa Kanya
09:48Gayahin natin siya na masunurin sa Ama
09:54Magpahanggang kamatayan
09:58Sabi sa ating tema ngayong taon
10:02Mas kinalulugdan ng Diyos
10:06Ang ating pagsunod
10:09Kaysa pagkahandog
10:13Sa totoo lang
10:16Ang pagsunod
10:19Ang tanda ng pag-asa
10:23Kung ano ang sinusunod natin
10:27Yun talaga ang inaasahan natin
10:32Kung naghahandog tayo sa Senyor
10:37Pero sumusunod naman tayo sa pera
10:42Ibig sabihin, pera talaga ang inaasahan natin
10:50Kung nagdidebosyon tayo sa Senyor
10:55Pero sumusunod naman tayo sa masamang tao
11:01Ibig sabihin, masamang tao talaga ang inaasahan natin
11:09Kung namamanata tayo sa Senyor
11:14Pero sumusunod naman tayo sa bisyo
11:19Ibig sabihin, bisyo talaga ang inaasahan natin
11:26At kapag susunod tayo sa pera
11:31Sa masamang tao
11:34Sa bisyo
11:35O sa anumang bagay ng mundo
11:39Mabibigo lamang tayo
11:42Madidismaya lamang tayo
11:47Isa lamang ang tunay na maaasahan
11:53Isa lamang ang nagdudulot ng pag-asang hindi bumibigo
12:01Siya ang mahal na poong nasareno
12:09Kaya't siya ang sundin natin
12:14Ang mga utos niya, ang isa buhay natin
12:20Ang mga aral niya, ang isa puso natin
12:27Ang halimbawa niya, ang tularan natin
12:33Mas mabuti ang pagsunod sa mahal na Senyor
12:42Harapin mo ngayon ang katabi mo at sabihan mo siya
12:47Kapatid!
12:50Mas malakas kapatid!
12:54Sumunod tayo kay Jesus!
12:59Palakpakan natin ang mahal na poong Jesus nasareno
13:11Pag-asa kay Jesus at pagsunod kay Jesus
13:17Ito ang mga tanda ng tunay na deboto
13:24Ipangako natin ito kay Jesus
13:28Siya lamang ang maaasahan natin
13:33Siya ang lagi natin sundin
13:38Viva Jesus Nasareno!
13:42Amen!
13:53For more information visit www.fema.org