-Lalaking 81-anyos, nalunok ang pustiso nang atakihin ng epilepsy; natanggal ang pustiso matapos ang operasyon
-Speed limit sa ilang expressways, itinaas
-COMELEC: Automated elections, tuloy sa May 12 sa kabila ng TRO ng Korte Suprema/ COMELEC: 6 na milyong balota na nagkakahalaga ng P150M ang masasayang matapos ang TRO ng Korte Suprema/ COMELEC: Pag-imprenta ng mga balota para sa local positions, hindi pa nasisimulan/ COMELEC, susunod sa SC: kailangan baguhin ang EMS at database ng mga kandidato/ Pag-imprenta ng mga balota, ipinahinto na ng COMELEC kagabi
-Interview: COMELEC Chairman George Garcia
-2 manggagawa, patay matapos ma-trap sa nasusunog na warehouse sa Brgy. Ilang
-2 grupo ng prosmen na nagrambulan sa "Sinulog sa Kabataan sa Dakbayan," ayaw nang pasalihin sa Grand Parade sa Jan. 19/Sinulog Foundation: 40 dance contingents, lalahok sa Sinulog Grand Parade sa Jan. 19/PCG: 320 sasakyang pandagat, sasali sa Sinulog Fluvial Procession sa Jan. 18
-Dry run sa Mactan Channel bilang paghahanda sa fluvial procession sa Jan. 18, pinangunahan ng PCG
-Naggagandahan at naglalakihang mga parol, kabilang sa mga atraksyon para sa Spring Festival
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
-Speed limit sa ilang expressways, itinaas
-COMELEC: Automated elections, tuloy sa May 12 sa kabila ng TRO ng Korte Suprema/ COMELEC: 6 na milyong balota na nagkakahalaga ng P150M ang masasayang matapos ang TRO ng Korte Suprema/ COMELEC: Pag-imprenta ng mga balota para sa local positions, hindi pa nasisimulan/ COMELEC, susunod sa SC: kailangan baguhin ang EMS at database ng mga kandidato/ Pag-imprenta ng mga balota, ipinahinto na ng COMELEC kagabi
-Interview: COMELEC Chairman George Garcia
-2 manggagawa, patay matapos ma-trap sa nasusunog na warehouse sa Brgy. Ilang
-2 grupo ng prosmen na nagrambulan sa "Sinulog sa Kabataan sa Dakbayan," ayaw nang pasalihin sa Grand Parade sa Jan. 19/Sinulog Foundation: 40 dance contingents, lalahok sa Sinulog Grand Parade sa Jan. 19/PCG: 320 sasakyang pandagat, sasali sa Sinulog Fluvial Procession sa Jan. 18
-Dry run sa Mactan Channel bilang paghahanda sa fluvial procession sa Jan. 18, pinangunahan ng PCG
-Naggagandahan at naglalakihang mga parol, kabilang sa mga atraksyon para sa Spring Festival
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:00Inoperahan ng mga espesyalista ang lalamuna ng 81 anos na lalaking yan sa Lima, Peru.
00:12Kwento na isang surgeon, apat na araw nang inireklamo ng senior citizen, ang masakit at hirap na paghinga.
00:19Nang tingnan po ang x-ray, ayun, may nakabara palang pustiso sa lalamuna niya.
00:24May sakit na epilepsy ang pasyente.
00:27At nang minsang atakihin ng kumbulsyon, ang pustiso na inakalang naluwa.
00:32Nalunok pala.
00:34Naalis naman po ng mga doktor ang pustiso na bumara sa kanyang hypopharynx.
00:39Na-discharge na rin mula sa ospital ang lalaki.
00:45Itinaas ang speed limit sa ilang expressways sa bansa.
00:48Bula sa 60 kilometers per hour, 80 kilometers per hour na
00:51ang ipatutupad ng speed limit sa mga diretsyong daan sa Naia Expressway at Skyway Stage 3.
00:57Epektibo ito sa Naia-X simula ngayong araw at sa January 20 naman sa Skyway Stage 3.
01:02Ayon sa operator nitong San Miguel Corporation Infrastructure,
01:06layo ng adjusted speed limit na mapabilis ang biyahin ng mga motorista habang tinitiyak ang kanilang kaligtasan.
01:22Nagsagawa po ng press conference ng COMELEC ngayong umaga
01:25matapos ang utos na temporary restraining order ng Korte Suprema.
01:29Natali po tayo sa ulit on the spot ni Sandra Aguinaldo.
01:37Yes Connie, tiniyak nga ng COMELEC na tuloy ang automated elections natin sa Mayo
01:42sa kabila po ng pinalabas na temporary restraining order ng Korte Suprema
01:47para doon sa limang aspirants na hindi po nakasama ang pangalan sa iniimprintang balota ng COMELEC.
01:54At Connie, aminado rin ng COMELEC na mabigat sa kanila yung naging desisyon ng Korte Suprema
02:01kasi January 6 pa nag-iimprinta ng balota ng COMELEC
02:05at kagabi nga ay agad itong ipinahinto ng COMELEC matapos pong lububas yung TRO mula sa Korte Suprema.
02:136 million ballots na raw ang naimprinta at ito ay para sa national position o yung balota sa pagkasenador.
02:20Sa estimate po ng COMELEC ay nasa 150 million pesos ang halaga rito
02:25kasama na yung pasweldo sa tao at iba pang gastusin related dito.
02:29Nilinaw rin ng COMELEC na hindi pa nag-iimprinta ng balota para sa local positions
02:34gaya ng congressman, governor at iba pa.
02:36Isa sa limang nabigyan ng TRO ay si Subair Gintum Mustafa.
02:41Ito po ay senatorial aspirant kaya kailangan isama yung kanyang pangalan doon sa listahan ng mga pagbobotohan sa pagkasenador.
02:50Ayon sa COMELEC, magmat nagpaghandaan nila ang posibleng paglalabas ng TRO ng Supreme Court,
02:55hindi nila inasahan na may madaragdag pa sa pangalan ng senatorial candidates dahil sinalan na nila itong mabuti.
03:03Gayunman susunod daw sila sa Korte Suprema.
03:06Ayun nga lang, kailangan daw baguhin muna ang Election Management System o EMS at maging ang database ng candidates.
03:13Nangangahulugan din daw ito na kung sisingit ang pangalan ni Mustafa sa alphabetical arrangement ng pangalan sa balota,
03:20merong magbabago sa numero ng mga aspirant na kasunod niya.
03:26Ipinahinto na kagabi ng COMELEC ang printing ng balota.
03:29Tumaasa sila na makakapagpatuloy ang printing sa lunes o sa martes.
03:35Ngayon nga lang, sabi po ng COMELEC, may ilan pang kaso ng papila sa Korte Suprema na nakabimbin
03:43at umaasa rin sila na sana hindi nagaano pang maaantala ang pag-iimprinta nila.
03:49Konisa ngayon, ang sinasabi ng COMELEC ay two weeks yung nawala sa kanila kasi nga January 6 pa sila nagsimula nga mag-imprinta.
03:58Ngayon man ay hahabulin daw nila ito at gagamit pa rin sila ng iba pang makina ng National Printing Office.
04:07At kaugnay naman po sa balota na na-imprinta na ito po daw ay ire-report nila sa Commission on Audit
04:14at kailangan nang sirain para mawalay agam-agam na maaari pa itong magamit.
04:19So Connie, yan muna po ang pinakauling ulat mula dito sa COMELEC.
04:23Connie?
04:24Maraming salamat, Sandra Aguinaldo.
04:27Kaugnay naman po sa pagpapatigil ng pag-imprinta ng mga balota para sa Eleksyon 2025.
04:32Makakapanahin po natin si COMELEC Chairman George Garcia.
04:35Welcome po sa Balitang Hali, Chairman Garcia. Si Connie Sison po ito.
04:39Magandang tanghali po, Ma'am Connie. Sa mga kababayan natin, magandang tanghali po.
04:43Tama po ba kanina sa report ni Sandra, maaari ho kayong mag-resume ng pag-imprinta by Monday? Tama ho ba yon?
04:51Hopefully po sana, Ma'am Connie, dahil pinaparas na po natin yung mga dapat lahat gawin,
04:56lalo na yung pagsasama po ng pangalan nung nakakuha ng TRO na isang senatorial candidate.
05:01At syempre, pati po yung ating po election management system, pati po yung database,
05:06kasama na rin po yung pagbabago ng lahat ng ballot phases ng buong bansa.
05:11At sana po matapos ang lahat ngayon kasama ang Trusted Build hanggang Monday.
05:15Itong by Monday makapag-imprinta muli tayo back to zero ng ating pumbalota.
05:20Okay. Is there any chance sir na dahil nga TRO po ito at magkaroon ng panibago pong pagbabago doon sa decision ng SC,
05:29are we to say that ma-imprinta na naman tayo ulit at papaano magiging direksyon na ng COMELEC pa ganoon?
05:38May nagtanong sa atin ang katanungan paano kung may panibagong TRO at larating na Halimbawalinggo.
05:45Alam niyo po talagang sana nagdadasal tayo na ito yung huli at una na restraining order,
05:51bagamat yang po ay discretion ng ating kataasasang hukuman, yang po ay ginagay lang po natin.
05:56At titinan po natin kasi alam niyo po sobra na po kami na dali yung 2 weeks po na nag-imprinta tayo ng 6 million na balota.
06:03Kasi pag dinagdag na muli natin ito talaga po madi-delay na delay na kami.
06:08Kaya naman hindi po mo na masasagot yung katanungan kung ano may ayari sa amin kung sakali may panibago pong TRO halimbawa
06:15at ang ating kataasasang hukuman without influencing the decision of the SC.
06:22Pero napakalaki pong kawalanan, lalo na sa ating budget na P150M na ginastos na po sa ballot printing.
06:31Paano ninyo kukunin muli itong P150M na sayang na po?
06:36Actually, ma'am Connie, hindi po muna nayo pinag-uusapan kung saan kukuhanin.
06:40The committee can always realign sa budget po natin.
06:43Basta ang importante po muna talaga ngayon, ma'am Connie, makapagsimula na muli ng printing ng balota.
06:47On the average, pag nagkataon, dapat po mga 2M na balota ang ating magagawa sa isang araw pagkapong nagsimula tayo muli ng printing.
06:57Nung nakaraan, dapat po mga mo-arrest, P950M to P1M.
07:01Dahil po sa na-delay sa atin, dapat mga 2M ang balota na may imprenta natin.
07:06So yan po yung kinakaharap natin na challenge.
07:09But again, sa mga kababayan natin, huwag po kayong mag-alala.
07:12Kaya po ito ng Comelec, sa tulong at awa ng Diyos.
07:15At the same time, we are in control of the situation.
07:18So just to clarify, Chairman, yung 50 aspirants na nabigyan po ng TRO,
07:23isasama na yung mga pangalan nila dito po sa reprinting?
07:26Yes po, isa pong national candidate for senator, at 4 is for local positions naman po.
07:33Okay, habang hindi pa po kayo nagre-reprint ng mga baloto, ano po muna yung mga paghahandaan ng Comelec para sabi nga, hindi humasayang ang oras po ninyo?
07:41Haliban po sa ating aayusin, patungkol sa printing ng balota muli at yung mga balot phases,
07:46syempre po pinaghahandaan na namin yung training ng mga electoral board members.
07:51Halos isang million po yan sa buong bansa ng mga member ng DepEd.
07:55At the same time, yung mga support staff kasama po ang mga principal na ating itetrain.
08:00Paano gamitin ang mga bagong makina, paano iset-up halimbawa yung ating mga starlink na gagamitin po natin sa araw ng halalan.
08:08So lahat po yan ay kasama po sa mga ginagawa po ating paghahanda.
08:11At syempre, Ma'am Connie, na-move din po kasi namin yung ating dapat nagagawin ng MAC election,
08:17hindi lamang dito sa ating bansa, kundi sa abroad dahil nga sa pagbabago ng mismo mukha ng balota at mga pangalan.
08:23So yan po yung lahat kasama sa paghahanda po natin.
08:27Alright. Marami pong salamat sa inyo pong binigay sa aming update at sa inyo pong oras.
08:31Marami salamat po Ma'am Connie.
08:32Ayan po naman si Comelec Chairman George Garcia.
08:48sa barangay Ilang, Davao City.
08:50Ang mga biktima pawang mga lalaki at nasa edad 11 siyam at 20.
08:55Batay sa inisyal na imbestigasyon, aabot sa mahigit 8 milyong piso ang pinsalan ng sunog kahapon.
09:01Inaalam pa rin ang sanhinang apoy.
09:03Tumangging magbigay ng pahayag ang mga may-ari ng warehouse.
09:08Updates sa ibinalitan naming rambulan ng dalawang grupo ng kabataan sa Cebu City kahapon.
09:13Gusto na silang pagbawalang sumali sa Grand Parade ng Sinulog Festival.
09:18Ayon sa Sinulog Foundation Incorporated na organizer ng Sinulog Festival,
09:23naalarma sila sa batuhan at habulan ng grupo sa Sinulog sa Kabataan sa Dakbayan noong January 12.
09:30Ayaw na nila itong maulit, lalot ang Sinulog Grand Parade ay paraan daw ng pagbibigay-pugay kay Senyor Santo Niño.
09:37Ipatatawag daw ng Sinulog Foundation ang kinatawa ng dalawang grupo para siguraduhin hindi na ito maulit.
09:45Ilang araw bago ang Sinulog Festival dito sa Cebu, patuloy ang paghahanda para sa aktividad ng pista,
09:51katulad ng Fluvial Procession.
09:53Ang miinit na balita hatid ni Alan Domingo ng GMA Regional TV.
09:58Convert tayo ngayon sa vessel ng Philippine Coast Guard kung saan kasalukuyang isina sa gawaan dry run ng Fluvial Procession
10:05in line with the celebration sa fiesta ni Senyor Santo Niño.
10:10Pasado alas otso kaninang umaga sinimula ng dry run ng Fluvial Procession na pinamunahan ng Philippine Coast Guard,
10:16Philippine Navy at Maritime Police na magiging escort din ang galyon na sasakyan ang imahe ng Santo Niño.
10:23Ang galyon na may pangalan na Santo Niño de Cebu ay pagmamayari ng pribadong individual.
10:29Pinabaybay nila ang kahabaan ng magtan channel mula start hanggang endpoints ng Fluvial Procession na gaganapin ngayong Sabado, Jan 18, 2025.
10:38Nasa 8 nautical miles o 11 kilometers ang binabaybay na mga sasakyang bandagat mula sa daungan ng NAPFORSEN Headquarters sa Lapulapo City
10:47papunta sa Sisilex at Bayutarn, papunta sa Pier 1 sa Cebu City kung saan dadaong ang imahe ng Santo Niño.
10:55Layunin ang dry run para masiguro ang kanigtasan ng mga lalaho ng sea procession,
11:00kabilang ng 320 registered participants na mas maraming ngayong taon ayon sa PCC.
11:06Dilinaw ng Philippine Coast Guard na bawal ang mga batang 12 years old pa baba lalo sa mga malilit na bangka na sasali sa procession sa dagat sa bilis na 7-8 knots ayon sa PCC.
11:20Matagumpay naman ang dry run ngayong araw pero panawagan nila sa mga sasali na magingat at susunod sa safety protocols para iwas disgrasya.
11:37Pitsinyor mga kapuso!
11:43Dalawang linggo na lang bago ang Chinese New Year.
11:46Sa country of origin niya na China, mas kilala yan bilang Spring Festival.
11:51Kabila-kabila na nga ang paandar at atraksyon doon para sa pagdiriwang ngayong taon.
11:56Eto na, naglalakihan po oh!
11:58Maginingning at mahukulay ng mga parol sa Sichuan province.
12:02Itatampok ang mga yan sa Taonang International Dinosaur Lantern Show.
12:06Very demure man!
12:08Agaw pansin din ang higanting parol sa Beijing na may disenyong peony.
12:12Sa Shanxi province, tapos na rin ang recording ng mga opera performances na ipalalaba sa festival.
12:19Dagsana nga mga umuwi sa mga istasyon at terminal para sa Spring Festival.
12:23Ayon sa mga otoridad, inaasah ang aabot sa 9 billion ang domestic trips ngayong taon.
12:29Wow na wow!