Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 4/10/2025
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.


#GMAIntegratedNews #KapusoStream


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Sama-sama tayong magiging takli!
00:13Nag-counterflow ang isang motosiklo hanggang sa sumalpok ito sa kasalubong na kotse sa Tabaco City, Albay.
00:21At sa lakas ng impact, tumilapod ang rider at ang kanyang angkas na nagtamon ng mga sugat.
00:26Agad silang nirespondehan at nilapatan ng lunas.
00:30Huli kam din sa Gamu, Isabela, ang pagtama ng isang kotse sa isa pang sasakyan.
00:36Bumaliktad ang kotse at nakahagip pa ng isang motosiklo at truck.
00:40Dinala sa ospital ang sugatang driver ng kotse at dalawang minor de edad na sakay ng motosiklo.
00:47Kahit nagbayad umano ng ransom na halos isang daam milyong piso ang kanyang pamilya,
00:52pinatay ang isang dinukot na negosyanteng Chino at kasama niyang driver.
00:55Higit na ba bahala ng ilang grupo ang sunod-sunod na insidente ng pagdukot sa bansa?
01:01Saksi, si June Veneracion.
01:03Dugoan ang mga ulo, nakabalot ang duct tape, nakatali patalikod ang mga kamay, at nakasuot lang ng underwear.
01:16Ganyan ang kalunos-lunos na estado ng dalawang bangkay ng lalaking natagpo ang nakasilid sa mga nylon bag
01:21sa gilid ng kalsada sa sityo Udyongan sa barangay Makabud Rodriguez Lizal, bandang alas 6 ng umaga kahapon.
01:30Nakabanoktot siya, tapos nakatali yung kamay, nakatepe.
01:34Tapos inilagay siya sa parang bag na, ano ba tawag itong parang buli?
01:44Ah, parang yung bag na plastic, pinagdugtong yung nylon.
01:49Ah, ganun yung nakita sa kanya, tapos yung isa katabi niya rin.
01:54Kinilala ni PNP spokesperson Brigadier General Jean Fajardo ang mga biktima
01:58ay ang dinhukot na Chinese businessman na si Kong Yuan Guo,
02:03na may Filipino name na Anson Tan o Anson Ke,
02:06at ang kanyang driver na si Armani Pabilio.
02:09Huli silang nakitang buhay noong March 29 ng hapon,
02:12habang paalis sa opisina ni Ke sa Valenzuela.
02:15Kinabukasan, March 30, inireport ng pamilya ni Ke sa PNP anti-kidnapping group ang pagkawala nila.
02:23Nito lumang martes na recover sa barangay Bahay Toro sa Quezon City,
02:27ang itib na luxury van na huli nilang sinakyan.
02:30Hanggang sa matagpuan na ng patay ang dalawa sa Rodriguez Rizal.
02:34There were signs of bruises and some body injuries po.
02:40Goon po, at mayroon din pong sign ng strangulation po.
02:43Sabi ng isang source, tatlong beses nagbigay ng ransom payment
02:46ang pamilya ng biktima sa mga kidnapper,
02:48na ang kabuang halaga ay umabot sa halos 100 milyon pesos.
02:52Pero sa kabila nito, pinatay pa rin ang biktima at kanyang driver.
02:56Sabi ng PNP, hindi ito ordinaryong kidnapping.
02:59Sa karamiwang kidnapping ang nila,
03:01pinapakawala ng biktima pagkabayad ng ransom.
03:04Nasa produksyon ng bakalo steel industry ang negosyo ni Ke.
03:08Pero tinitingnan daw ng PNP ang posibilidad na konektado sa Pogo ang krimen.
03:12Isa po yun sa tinitingnan po nating angulo and possible involvement po
03:15ng isang grupo behind this incident and previous incidents na involved po
03:20sa Pogo-related operation po.
03:24Bumuong na nila ng Special Investigation Task Group ang PNP.
03:27Sa pahayag na pinadala ng pamilya Ke sa kanilang abugado,
03:31sinabi nitong sinusuportahan nila ang investigasyon ng PNP-AKG para makamit ang ustisya.
03:37Ayon sa pulisya, humingi muna ng privacy ang pamilya.
03:40Ang mga incidente na kidnapping ay kinababahala ng iba't ibang grupo.
03:46Ang nangyayari na kidnapping na babangin kanina
03:49is also battling the Chinoy community.
03:54Who just learned to hope and pray na sana naman ito ma-resolve bagay.
04:00Yung mga kaibigan po natin sa Chinese community and other businessmen, Filipino,
04:05talagang natatakot sila, nababahala.
04:08Ang tanong, who is next?
04:11Ang PNP po ay hindi po titigil hanggat ma-resolve po at mapapanagot po yung mga responsible po dito sa incidente po na ito
04:18at para maiwasan po na may susunod pa pong mga ganitong incidente.
04:23Base sa monitoring ng Movement for Restoration of Peace and Order,
04:26Tatlong kidnapping cases na ang naitala sa loob lamang ng limang linggo.
04:32Ayon naman sa Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industry Incorporated,
04:37labing dalawa na ang naitala nilang kidnapping cases mula January 2025.
04:43Sampu sa mga biktima ay Chinese.
04:45Apatapong kaso ng kidnapping naman ang naitala ng PNP Anti-Kidnapping Group
04:49mula January 2024 hanggang February 2025.
04:55Sampu rin sa mga biktima ay Chinese.
04:57Sa isang pahayag, nananawagan ang Chinese community ng agaran at malilong aksyon
05:02para mapanagot ang mga sangkot sa kidnapping.
05:05Ang Malacanang, tiniyak na patuloy na iimbestigahan ang mga kaso ng kidnapping sa bansa.
05:10Di po ito tutulugan ng gobyerno.
05:16Ang lahat po na nagaganap dito ay pinagbiling po ng Pangulo na dapat iimbestigahan mabuti
05:21para po malesen o maeradicate ang mga ganitong klaseng kriman dito sa Pilipinas.
05:28Inalis naman sa pwesto, ang kakapromote pa lang na si Police Brigitte General Elber Ragay
05:33ng PNP Anti-Kidnapping Group.
05:35As to the reason, ito lang po ang pinapasabi ni Chip.
05:38He is not satisfied with the performance.
05:41That's why he was relieved and replaced.
05:43Para sa GMA Integrated News, ako si June Veneracion ng inyo, Saksi.
05:49Bistado ang isang love scam hub sa ikinasang operasyon sa Makati City
05:53at nasagip naman ang isang Chinese national na ginungulpi umano ng Pogo Boss.
05:59Saksi, si John Consulta, exclusive.
06:08Inooperate ang operatiba ng BI Figuring Search Unit at CIDG-NCR ang isang gusali sa Makati.
06:16Pero pagtakbo nila sa 10th floor ng gusali, sumalubong naman ang mga tumatakas at nagtatakpuan na dayuhan.
06:23Karamihan sa kanila, mga Chinese.
06:25Nang magtungo ang mga operatiba sa ikalimang palipag, naaresto ang ilan sa mga dayuhan.
06:30Ang iba naman, na huling nangyatago sa bakanting popusina.
06:33Dito natagpuan din ang umano'y babaeng Big Boss ng sinasabing Pogo Hub.
06:37Matapos nga ng napakalayong habulan, eto na nga mga kapuso,
06:42noong nahuli din yung mga nagtatakang tumakas sa mga Chinese nationals.
06:45At hawak na sila ngayon ng kusuriya ng CIDG at ng BI Figuring Search Unit.
06:51At sa ngayon, ay sasailali na sila sa proseso para makilala ang kanilang identity.
06:59Dahil sa insidente, ilang ahente ang sugatan sa operasyon.
07:02Ikinasa ang operasyon dahil target pa sa GIF ang isang Chinese national na ginugulping umano ng Pogo Boss.
07:08Ipinakita ng biktima ang mga sugat at pasa na kanyang tinamo.
07:11I cannot move.
07:13You cannot move?
07:14Okay.
07:16When did they hurt you?
07:17Half hour ago.
07:20Half hour ago?
07:21When they're inside, when the medium is not here, when you're not inside, they stopped punching.
07:27They were punching you when we arrived?
07:29Tumambad din sa mga operatiba ang workstations ng mga nasa umano'y love scam Pogo Hub na umaandar pa.
07:37Meron din ibang nationalities na nasa scam hub.
07:40Pag-amin ng isang Malaysian, sasakot siya ng 60,000 pesos sa pagkatrabaho sa Pogo.
07:45Sinusubukan pa namin makuna ng pahayag ang umano'y Pogo Boss na ininareklamo.
07:49Para sa GMA Integrated News, John Konsulta ang inyong saksi.
07:55Sugatan sa pamamaril ang kandidato sa pagka-mayor ng Alguerra Leyte na si Kerwin Espinoza.
08:02Ating saksihan!
08:07Nakaupo at maghihintay raw para magtalumpati si Alguerra Leyte Mayoral Candidate Kerwin Espinoza
08:13nang bigla siyang barilit.
08:15Basa sa paunang ulat ng PNP, nagtago ang di pa nakikilalang salarin sa kisame ng stage.
08:22Sugatan din sa pamamaril ang kapatid ni Espinoza na si Marielle Espinoza Marinay
08:27na tumatakbo bilang vice mayor at isa pang menor de edad na residente.
08:32Isinugod sila sa ospital.
08:34Nagtamo si Espinoza ng tama ng bala sa balika.
08:37Patuloy ang imbesigasyon sa pamamaril.
08:40Ang komalik naman, kinunde na ang krimer at sinabing dapat matukoy ang nasa likod nito.
08:46Dating nawugnay sa iligal na droga si Kerwin Espinoza.
08:49Pero ibinasura ng korte ang ilan sa kanyang mga kaso
08:52at sa kakulangan umano ng ebidensya.
08:55Tumatakbo siya ngayon bilang Alguerra Mayor,
08:57posisyon na dating hinawakan ng kanyang ama na si Rolando Espinoza Sr.
09:02na namatay naman sa isa umanong shootout sa loob ng pulungan.
09:06Para sa GMA Integrated News,
09:09ako si Tina Panganiban Perez, ang inyong saksi.
09:13Arestado na ang lalaking nahulikam na aalas Spider-Man
09:16habang nagnanakaw umano ng mga kable ng kuryente sa antipolarizal.
09:20Kita sa video ang pagputo ng suspek sa kable bago siya tumakas
09:25kasamang umano'y kasabwa at na menor de edad.
09:28Ay sa isang saksi, akala niya nag-aayos lang ng linya ng kuryente ang dalawa.
09:32Nauna lang naaresto ang 14 anyos na umano'y lookout.
09:37Kasi lukuyang nakadetine ang 21 anyos na suspect sa Antipolo Police Custodial Facility.
09:44Nagpaalala ang Department of Transportation laban sa overloading
09:48na mga barko ngayong malapit ng Holy Week break.
09:51At sa naihinaman, binuksan ang mga bagong OFW Immigration Counter
09:54para pambawas sa pila.
09:56Saksi, si Darlene Kai.
10:02Kukas pa ang flight ni Juvie Mariano pa uwing Cotabato
10:04pero kanina nasa Naiya Terminal 3 na siya.
10:07Dito na lang po ako magpaumaga po.
10:11Kasi baka madami na pong nakapila buka.
10:13Nag-inspeksyon sa Naiya Terminal 1 at 3 ang mga kalihim ng Department of Transportation,
10:19Department of Tourism at Department of Migrant Workers.
10:22Sabi ni Transportation Secretary Vince Dizon,
10:25sa mga darating na araw, mararamdaman ang mas mabilis ng pagdaan
10:28ng mga paalis at paparating na pasahero.
10:31Lumawak din daw ang driveway para sa paghatid at sundo ng mga sasakyan
10:35at nadagdagan ng parking.
10:37Pambawas pila rin ang mga bagong OFW Immigration Counter.
10:403,000 pasahero raw yung dumaraan dito sa bagong immigration counters
10:44na eksklusibo para sa OFWs.
10:46Yan din yung bilang ng mga nababawas sa dumaraan
10:49sa main immigration counters dito sa Naiya Terminal 3.
10:52Kaya asahan daw yung mas mabilis sa pagbiyahe
10:54lalo ngayong darating na Semana Santa.
10:56Masama pagbigay ng ginawa po sa amin
10:58lalo na sa pagod po dahil sa layo ng biyahe.
11:01Posibleng umabot sa 157,000 ang mga pasahero sa Naiya sa Holy Week.
11:06In-inspeksyon din ni Secretary Dizon ng Batangas Port
11:09kung saan umaabot hanggang 25,000 ang mga pasahero
11:12kada araw tuwing peak season.
11:14Contento naman ang kalihim sa siguridad nito
11:16pati sa de-aircon na waiting area at palikuran.
11:19Bagamat nais niyang maituloy na ang pinaplanong
11:22electronic ticketing system para iwas fixer at bawas pila.
11:25Kaya naman may piga kasi nandito lang siga maaga
11:27pero sarado pa yung mga booth.
11:29Baka katulong din ang magaki yung e-ticketing natin
11:31para masigurado na hindi tayo nag-overload.
11:34Gusto rin tutukan ng kalihim ang mga kaso ng overloading
11:38na karaniwang sanhin ng aberya sa karagatan.
11:40Kailangan stricto tayo dyan.
11:41At pag may nag-violate niyan,
11:44medyo mabibigat ang mga i-impose na penalties.
11:46Seryoso ang gobyerno dito.
11:48Aktual na binibilang yung pasahero,
11:50kino-cross-check natin doon sa capacity ng barko.
11:53At sinisigurado natin na kung narating na yung
11:56maximum allowable passengers,
11:59ay wala nang pwedeng sumakay.
12:02Ang mga provincial bus naman,
12:0324 oras papayagang dumaan sa EDSA
12:05mula miyerkules santo hanggang linggo ng pagkabuhay,
12:09hanggang kubaw lang ang mga bus mula norte
12:11at hanggang pasay ang mga galing south.
12:1310pm to 5am muna sila pwede sa EDSA ngayon.
12:17Para sa mga babyahe,
12:18maiging maghanda sa maalinsangang panahon
12:20dala ng Easter Lease,
12:22nakasabay ng umiiral na Intertropical Convergence Zone.
12:24Base sa forecast ng pag-asa,
12:26posible ang danger level na damang init sa Cavite City,
12:30Dagupan, Pangasinan, Tayabas, Quezon, Rojas, Capiz
12:33at Dumangas, Iloilo.
12:35Base naman sa datos ng metro weather,
12:36malawakan at may malalakas na pagulan sa Mindanao
12:39at malaking bahagi ng Visayas bukas lalo na sa hapon.
12:42Posible yung magpabaha o magdulot ng paguho ng lupa.
12:45May mga kalat-kalat na ulan din sa Palawan,
12:47Mindoro Provinces at iba pang bahagi ng Luzon.
12:50Mababa ang tsansa ng ulan sa Metro Manila
12:52pero magdala pa rin ng payong panangga sa tirik na araw
12:55o sa posibleng thunderstorms.
12:56Para sa GMA Integrated News,
12:58ako si Darlene Kay, ang inyong saksig.
13:01Nilamon na apoy ang gitang bahagi ng isang fishing vessel
13:04habang nasa karagatan ng Lampinigan Island
13:07nang sakop ng Isabela City, Basila.
13:09At sa Coast Guard Station, Isabela City,
13:12nasira ang makina ng nasabing barko
13:14kaya sumiklab ang sunog.
13:16Mabilis na rumisponde ang mga kawaninang
13:17Philippine Coast Guard at ang Bureau of Fire Protection
13:20para apulahin ang apoy.
13:21Wala namang naitalang nasugatan sa insidente.
13:25Ginaalam pa rin ang mga otoridad
13:26kung nagresulta sa oil spill
13:28ang pagkasunog ng barko.
13:32Mga kapuso, maging una sa saksi.
13:35Mag-subscribe sa GMA Integrated News
13:36sa YouTube para sa iba't ibang balita.
13:39Mga kapuso, mag-subscribe sa GMA.
13:44Mga kapuso, mag-subscribe sa GMA.
13:46Mga kapuso, mag-subscribe sa GMA.
13:48Mga kapuso, mag-subscribe sa GMA.
13:50Mga kapuso, mag-subscribe sa GMA.
13:51Mga kapuso, mag-subscribe sa GMA.
13:52Mga kapuso, mag-subscribe sa GMA.
13:52Mga kapuso, mag-subscribe sa GMA.
13:53Mga kapuso, mag-subscribe sa GMA.
13:54Mga kapuso, mag-subscribe sa GMA.
13:54Mga kapuso, mag-subscribe sa GMA.
13:55Mga kapuso, mag-subscribe sa GMA.
13:56Mga kapuso, mag-subscribe sa GMA.
13:56Mga kapuso, mag-subscribe sa GMA.

Recommended