Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 3 days ago
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Inilabas ng Pulse Asia ang resulta ng kanila March 2025, Ulat ng Bayan Pre-Election Preferences Survey.
00:07Nakatutok si Bernadette Reyes.
00:12Sa first quarter ulat ng Bayan Pre-Election Preferences Survey ng Pulse Asia para sa election 2025,
00:1916 senatorial candidates ang may statistical chance na manalo kung ginawa ang eleksyon noong panahong ginawa ang survey.
00:25Eto ay sina Sen. Bonggo, Congressman Irwin Tulfo, Sen. Bato de la Rosa, dating Sen. Tito Soto, Sen. Spia Cayetano't Bong-Revilla,
00:36dating Sen. Ping Lakson, Willie Revillame, Ben Tulfo, Makati Mayor Abibinay, Sen. Lito Lapid, dating Sen. Manny Pacquiao,
00:44Philip Salvador, Congresswoman Camille Villar, dating Sen. Bam Aquino, at Congressman Rodante Marcoleta.
00:51Isinagawa ang non-commissioned nationwide survey mula March 23 hanggang 29, 2025
00:57sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa 2,400 respondents na edad 18 pataas.
01:03Meron itong plus-minus 2% na margin of error at 95% confidence level.
01:09Para sa GMA Integrated News, Bernadette Reyes, nakatutok 24 oras.
01:14Kinumpirma ng palasyo na binito ni Pangulong Bongbong Marcos ang panukalang bigyan ng Filipino citizenship
01:20ang Chinese businessman na si Li Duan Wang.
01:24Si Li Duan Wang, na kilala rin bilang si Mark Ong, ay nagnenegosyo na sa Pilipinas simula pa na 1991.
01:31Enero, nang lumusot ang panukala sa Kamara at Senado,
01:34sa kabila ng pagtutol ni Sen. Ariza Ontiveros dahil saan niya ay mga red flag,
01:38kabilang na ang pagkakasangkot umanon ni Li sa mga iligal na fogo operasyon
01:43at sa isang grupong konektado umanon sa Chinese Communist Party.
01:47Ayon sa palasyo, sinabi ng Pangulo sa kanyang veto message na
01:51hindi niya pwedeng ipagsawalang bahala ang mga babala mula sa iba't-ibang rehensya
01:55laban sa karakter at impluensya ni Li.
01:58Dagdag pa ng Pangulo, ang paggawad ng Filipino citizenship
02:01ay isang pribilehyo na hindi dapat basta-basta ipinamimigay,
02:05hindi rin anya ito dapat gawing kasangkapan para isulong ang mga interes na kaduda-duda.
02:16Happy Friday, chikahan mga kapuso!
02:19Very focused at excited na sina Jeneline Mercado at Dennis Trillo
02:22para sa kanilang pagbibidahang seriang Sanggang Dikit na mapapanood na natin very soon.
02:28At busy man sa kanilang showbiz commitments.
02:31May plano na kaya sila para sa third birthday ni Baby Dylan?
02:34Makichika kay Lars Anciago.
02:40Singinit ng panahon ang passion sa trabaho ng mga bida ng upcoming GMA series
02:47na Sanggang Dikit na sina Dennis Trillo at Jeneline Mercado.
02:53Tila hindi nila alintana ang alinsangan sa set at focus lang sa kanilang taping.
02:59Ibang excitement daw kasi ang nararamdaman ng mag-asawa dahil sa kakaiba nilang karakter at sa kanilang action scenes.
03:09Excited ako dahil makikita kami ng, mapapanood nila kami ng ibang karakter naman.
03:14Hindi naman drama, hindi naman heavy drama, hindi naman comedy pero medyo action.
03:21Exciting dahil first time na niya magkakasama ulit after ilang years.
03:25Nung umpisa syempre medyo naninibago lalo na po si Jen dahil first time niya talagang magkaroon ng mga ganong eksena sa teleserie.
03:34Lalo na role na dito talagang magaling makipagbakbakan.
03:38Kahit Holy Week na, trabaho pa rin daw ang haharapin ng Den Jen.
03:43Wala pa namin bakasyon this Holy Week.
03:48Siguro po pinakabakasyon namin sa pag-celebrate na lang ng birthday ng anak namin.
03:53Sa April 25, ipagdiriwang ng anak ni na Jeneline at Dennis na si Dilan ang kanyang third birthday.
04:01Mag-out of town lang po kami. Beach po kami.
04:04Beach.
04:05And humaling din sa beach itong aming bunso.
04:08Gustong-gusto niya nga na.
04:09Sea creatures, gustong-gusto niyang makita.
04:11War Santiago updated sa showbiz happening.
04:18Inakasahan ng gobyerno na mas maraming rebelde ang susuko at titigil sa armadong pakikibakas sa tulong ng safe conduct pass
04:25na pwedeng i-issue sa kanila sa pinirmahang memorandum circular ni Pangulong Bombo Marcos.
04:31Sa visa po nito, may dagdag proteksyon ang mga rebelde na nagbabalik loob sa pamahalaan.
04:37Nakatutok si Rafi Tima.
04:41Paanyaya para ihinto ang armadong pakikibaka.
04:44Ganyan isinalarawan ni Pangulong Bongbong Marcos ang pinirmahang memorandum circular No. 36 sa kanyang pagbisita sa Maguindanao kaninang umaga.
04:52Ang circular, nagbibigay otorosasyon sa National Amnesty Commission para magbigay ng safe conduct pass sa mga rebelding.
04:58May mga kinakaharap na kaso pero gustong mag-apply ng amnestya.
05:01Ang mga safe conduct passes na ito ay hindi lamang magbibigay ng proteksyon sa mga aplikante ng amnestya laban sa pagkaaresto, pagkakulong at pag-uusig.
05:13Higit sa lahat, ito ay isang paanyaya sa lahat ng rebelde na ihinto ang armadong pakikibaka.
05:21Ayon sa Presidential Advisor in Peace, Reconciliation and Unity, libo-libo na ang nais mag-apply ng amnestya.
05:27At dahil sa safe conduct pass, asahan pa raw na marami ang mayaingganyong sumuko.
05:31Sa CPPNP, more than 30,000 na tayo.
05:35And then, yung in-expect natin, with this ceremonial signing ng Mahal na Presidente, we can assure na marami pang mag-susurendra.
05:45Every day, marami mga susurendra.
05:47Pinirmahan ng Pangulo ang circular sa harap ng ilang lokal na leader ng Central Mindanao, kasama na ang ilang opisyal ng BARM, MNLF at MILF.
05:54Matapos ang ceremonial signing, personal na in-inspeksyon ng Pangulo ang mahigit isang libong matataas na kalibre ng baril na nakumpiska, isinuko at nahuli mula 2024 hanggang ngayong buwan sa mga lugar na nasasakupan ng 6th Infantry Division ng Philippine Army.
06:09Kinausap din ang Pangulo ang mga sundalo ng 6th ID na naka-assign sa Central Mindanao, isa sa mga lugar na binabantay ng COMELEG ngayong papalapit na eleksyon.
06:17Ang pinirmahang circular na magbibigay ng amnestiya para sa mga nais na ibabang kanilang armas, isang malaking hakbang daw ng pamahalaan para sa pangmatagalang kapayapaan, lalo na sa baging ito ng bansa na dekat-dekado ng saksi sa karahasan ng mga Pilipino laban sa kapwa Pilipino.
06:35Bula rito sa Maguindanao para sa GMA Integrated News, Rafi Pima Nakatutok, 24 Horas.
06:41Patong-patong na kalbaryo na ang idinulot ng explosive eruption ng bulkang Kallaon nitong Martes.
06:52At kabilang po dyan ang grass fire, kontaminasyon ng tubig at pagbagsak ng abo.
06:57At bilang tulong, nagtungo ang GMA Kapuso Foundation sa bayan ng Lakarlota at namahagi ng pagkain at mga N95 face masks.
07:05Itinuturing na Sugar Bowl of the Philippines ang Negros Occidental dahil dito galing ang malaking produksyon ng sugar cane o tubo sa bansa.
07:18Pero nitong mga nakaraang araw, tila matabang ang ani na mga magsisaka sa barangay San Miguel sa Lakarlota matapos pumutok ang bulkang Kallaon nitong Martes.
07:28Nang sa 10-kilometer extended permanent danger zone ng barangay at inabot ng ashfall at nabalot ng abo ang kanilang mga pananin.
07:39Pag pumasok ka kasi sa sugar cane, yung mata mo mapupuwing ng ashfall eh.
07:43Nasira rin ang yero ng kanilang bahay, dulot ng ashfall. Problema rin daw nila ang kakulangan ng supply ng tubig.
07:50Yung pagputok, wala na kaming tubig. Umingi ako ng tulong sa city na mabigyan kami ng supply ng tubig.
07:59Sa pagtutulungan ng GMA Capuso Foundation at 62nd Infantry Battalion at 303rd Infantry Brigade Philippine Army,
08:08nakapamahagi tayo ng food packs at N95 masks sa mahigit limang libong individual sa bayan ng Lakarlota
08:16at mahigit isang libong individual sa La Castellana na naapektuhan ng bulkang Kallaon.
08:22Aside sa security assistance, transportation assistance, at the same time, tumulong po kami sa pagre-repack nitong mga food staff
08:31at ito sa paghahatid, pagbibigay sa ating mga kababayan na nasa lantaan.
08:36Paparating na rin ang pangalawang pugso ng tulo na magtutuloy-tuloy hanggang weekend.
08:42Sa mga nais makiisa sa aming proyekto, maaaring magdeposito sa aming bank accounts o magpadala sa Sabwana Lugulier.
08:51Pwede rin online via GCash, Shopee, Lazada, Globe Rewards at MetroBank Credit Card.
08:57Mga Kapuso, ramdam na ang tumitinding init sa mas maraming lugar sa bansa at magpapatuloy yan ngayong weekend.
09:09Papalo sa 45 degrees Celsius.
09:11Ang heat index sa sangling point sa Kabite ngayong Sabon at Linggo.
09:1544 degrees Celsius naman sa Nagupang Pagasinan.
09:18Matinding init din ang pagandaan sa iba pang lugar gaya sa Ambulong, Batangas,
09:21Iloilo City, Rocas Capis, Kamiling sa Tarlac at Dipolog, Zamboanga del Norte.
09:27Sa Pasay at Quezon City naman, maglalaro sa pagitan ng 41 at 42 degrees Celsius ang heat index.
09:33Ayon sa pag-asa, ang 43 degrees Celsius kakapon sa Naiya,
09:37ang pinakamataas na temperaturang naitala sa Metro Manila mula nang pumasok ang tag-init noong March 26.
09:43Ang natitirang bahagi ng bansa, magiging malinsagan din dahil sa pag-ihip ng Easter Lease.
09:48Pero ang napaka-init na panahon posibleng sundan na mga pag-ulan, lalo na po sa kapon.
09:53Base sa datos ng Metro Weather, mataas ang tiyansa ng ulan sa Memaropa, Bicol Region, Visayas,
09:58lalo na sa western portions, pati sa halos buong Mindanao.
10:02May malalakas na ulan na pwedeng magpabaha o magdulot ng landslide.
10:05Pusibleng rin ang kalat-kalat na ulan sa Northern Zone.
10:08Halos ganito rin ang mararanasan pagsapit ng linggo.
10:12May tiyansa rin ng thunderstorm sa Metro Manila ngayong weekend, lalo na sa linggo ng hapon.
10:18Abisala, mga kapuso!
10:24Sabay-sabay na nating mapapanood ang full trailer ng upcoming series na Encantadia Chronicles Sangre.
10:30Pero bago yan, may ilang pasilip muna ang cast sa kanilang pagbabalik sa mundo ng paborito nating telefantasya.
10:37Makichika kay Lars Santiago!
10:38Mga likod pa lang pero giving nostalgia vibes na ang naka-iintrigang teaser drop ng Encantadia Chronicles Sangre.
10:53At lalong na-excite ang fans ng telefantasya dahil sa behind the scenes na confirm ang reunion ng magkakapatid na Amihan, Danaya, Alena at Pirena.
11:05Marami pa yan, tutok lang. Simula pa lang yan, pasilip lang yan, as in teaser lang.
11:12Tila excited na rin si Solen Yousaf sa pagbabalik ng kanyang karakter na si Cassio Phea.
11:18Ang kanyang iconic character, tila't sinanal ni Solen sa isang IG post.
11:28Pati ang kanyang evil twin sa series na si Mitena, played by Rian Ramos, ay may nirepost naman na artwork ng kanyang karakter.
11:38Ever since the first few taping days pa lang that I've had for this, nawawaw na ako sa mga materials.
11:46Kwento pa ni Rian, kahit newbie siya sa Encantadia, ay damanan niya ang love ng fans.
11:53Pero ang excitement na yan, dodoble pa.
11:57Dahil mga kapuso, the long wait is over.
12:01Mapapanood na natin ngayong gabi ang full trailer ng serye.
12:06War Santiago, updated sa showbiz happening.
12:23Mula sa heritage sites hanggang sa nagsasarapang mga delicacies,
12:28imposible ang hindi po kayong ma-in-love sa Tinegore, ang City of Love ng Pilipinas.
12:33At dyan po ang next stop ng aning Summer Past Shalad.
12:38At makakasama natin magbalikbayan si Kim Salinas na Jimmy Regional TV.
12:43Kumusta mga palangga?
12:55Karina ka sa City of Love, kung saan hindi lang ang lambing ng mga ilonggo ang nakakain-love.
13:03Pagkain, kultura, at syempre, mapagbahal ng mga ilonggo.
13:12Tara na't magbalikbayan sa Iloilo.
13:15Dito, ang mga nasa past, okay lang balik-balikan.
13:22Tulad ng Kamiña Balay Nga Bato sa Arevalo District sa Iloilo City.
13:27Ang ancestral house na mag-asawang Don Fernando Avancenia at Lulalia Abaha noong 1860s.
13:35Nakilala namin si Maria Luisa Kamiña,
13:37na bahagi ng ikaapat na henerasyon ng mga orihinal na nagmamayari ng bahay.
13:42Welcome to Balay Nga Bato.
13:45This has been marked, of course, by the National Museum in December 23, 2015
13:50as an important cultural property, meaning to say we possess, of course, cultural significance.
13:59Hanggang ngayon, nananatili ang antik na mga gamit dito sa bahay.
14:03Gaya na lamang ng mga lumang larawan, muebles,
14:06nagpapatunay ng pagpapahalaga ng pamilya sa mga lumang kagamitan.
14:10Sa bahaging ito ng bahay, isinasagawa ang paghablon o paghahabi.
14:18Itong hablon weaving, ang isa sa mga sinaunang kabuhayan sa Western Visayas
14:21bago pa man dumating ang mga Kastila.
14:24This house came from weaving.
14:26We used to sell, of course, all our fabric, all our hablon in Avenida.
14:31We were called the textile capital of the Philippines.
14:33All weavers would be normally along the river because we use the natural dye.
14:42Escalera de Principal, ang tawag sa main staircase sa mga lumang bahay tulad nito.
14:46Ladies should walk sideways.
14:48They carry their saya with them.
14:51And then, of course, you have to use the handrail.
14:52Nasa ikalawang palapag ng bahay ang isang heritage restaurant
14:59kung saan titikman naman ang mga sikat na pagkaing ilonggo,
15:03ang authentic pancitmolo.
15:05The bread of pancitmolo is in your broth.
15:12You add jamon and then parts, the bonny parts of the chicken.
15:16And you saute it with garlic and you add the chives.
15:20We add evaporated milk.
15:24Sarap.
15:25May isa pa tayo dito, no, yung signature drink of the house.
15:30Chocolate butter roll with ugoy-ugoy, isang uri ng Pinoy biscuit.
15:36So, ilustrado way, dapat, nakapinkie up,
15:39when you dip it, the ugoy-ugoy.
15:43Perfect combination.
15:46Isang ilo-ilo sa mga unang Spanish settlement noong 1500s.
15:50Maraming simpahan ang itinayo rito ng mga Kastila
15:53para mapalaganap ang Kristyanismo.
15:56First up natin, ang makasaysayang simpahan ng San Joaquin.
16:01Isang national cultural treasure at national historical landmark.
16:06Mga kapuso, itong San Joaquin Church ay binoo pa noong 1869
16:10at isang magandang ehemplo ng Spanish colonial architecture.
16:15Binoo ito ng mga sikat na manlililok,
16:18mason at pintor mula pa sa Mexico at Spain.
16:20Tulad ng mga simpahan ginawa ng panahong iyon,
16:25gawa rin ito sa coral stones at limestones
16:27at binoo gamit ang egg whites.
16:30Ang nagpa-espesyal,
16:32ang intricate stone carving sa harap ng simpahan.
16:35Featured here is the historical event that happened
16:38during the war between the Spanish kingdom and the Moroccans.
16:45The event took place at Tituan in Morocco.
16:47Ito naman, Santo Tomas de Villanueva Parish Church o ang Miagao Church.
16:55Isa sa best examples ng barog churches sa Pilipinas.
16:58Barreliefs din o stone carvings ang makikita sa fasad niya.
17:06May mga native trees din sa paligid gaya ng papaya at guava trees.
17:10At syempre, hindi mawawala ang kanilang patron na si St. Thomas of Villanueva.
17:171786 binoo ang Miagao Church.
17:20Makakapal ang stone walls nito
17:22at mayroong dalawang bell towers
17:24na dinesenyo bilang proteksyon sa mga moro.
17:27It is also designed for earthquake.
17:30The small niches are designed for the mga kanyon.
17:35National historical landmark,
17:37national cultural treasure ang Miagao Church
17:39at isa rin UNESCO World Heritage Site.
17:42Kailangan ko talaga na mag-undergo ng mga training
17:45at ma-identify kung ano yung mga chemicals
17:48ang pwede namin gamitin
17:50para maglinis kang stones ng church.
17:53Ito naman ang St. John of Sahagun Parish
17:57o Tigbawan Church
17:58na itinayo noong 1575.
18:01Isa sa mga pinakamatandang simbahan
18:03na nakatayo pa rin sa bansa.
18:05Ito ang unang Jesuit boarding school for boys sa Pilipinas.
18:08Ang Tigbawan Church ang isa sa ilang simbahan dito sa atin
18:12na may Chirigarisk style
18:14na nauso sa Spain noong pang 17th century.
18:18Mas detalyadong stone carvings.
18:21May disenyong cupolas at cruz ang bell towers.
18:23The oldest existing facade in Iloilo and in Panay.
18:29Maraming makukulay na musaiks
18:30na sumasalamin sa iba't ibang biblical scenes.
18:34Gaya ng Stations of the Cross,
18:36mayroon ding napakalaking dome
18:37na may interpretation ng Italian poet
18:40na si Dante Alighieri ng Heaven at Hell.
18:42Ginuhitin lang muna daw sa isang malaking tiles
18:47tapos they break it into mosaic parts
18:51yung isa-isa na nilagay dito.
18:55Mga kapuso,
18:57sa pag-usbong ng maraming pagbabago sa lipunan,
19:00mahalaga pa rin na patuloy ang ating pagtuklas
19:02ng mga bagay-bagay
19:03na kahit matagal na panahon nang nangyari,
19:07bahagi pa rin ang ating ipinagmamalaking lahi.
19:10Kaya tara't balikan ang nakaraan
19:12at silipin ang kasaysayan.
19:15Kim Salinas,
19:16para sa Balikbayan,
19:18The GMA Integrated News,
19:20Summer Past, Shalan.
19:22Nakatutok 24 Horas.

Recommended