Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 2 days ago
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.


#GMAIntegratedNews #KapusoStream


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Hindi po gaya sa Senado, kung saan kalahati lang ng 24 na pwesto ang kailangan po na tuwing eleksyon,
00:07lahat po na upuan sa mababang kapulungan ng Kongreso kailangan po na katabotohan.
00:12At ngayon po eleksyon, 317 upuan ang pinaglalabanan.
00:1720% po niyan, upuan ng mga mailuluklok na kinatawa ng mga party list.
00:23Pero ano nga ba? Ang party list at ang kanilang kahalagahan sa pamahalaan.
00:27Alamin, sa pagsaksi, hini-kuwain.
00:391995 nang may isang batas ang Party List System Act.
00:44At sa mga nagdaang eleksyon mula noon,
00:47alam ba ng mga Pilipino kung ano ito?
00:52Hindi, hindi ko alam yung party list na yun.
00:54E paano ka mababoto dati?
00:55Baano na, yung ano na makita ko na ano,
00:59na pangalan, katulad pag-uwiinan sa amin mga kasama namin,
01:03na nirecommend.
01:04Hindi ko po talaga alam yun.
01:06Parang company ba yun o ano?
01:09Pero parang nalilito rin ako kung ano bang ano yan eh.
01:13May tatlong grupo na maaaring lumahok sa party list system.
01:17Nariyan ang mga sectoral parties or organizations
01:19na kumakatawan sa mga marginalized at underrepresented sectors,
01:24o yung mga hindi napapansin grupo sa bansa,
01:27pati sa mga sector na walang well-defined political constituencies.
01:30Kasi wala silang baluarte, wala silang teritoryo na talagang solid yung support sa kanila.
01:36Dito pumapasok yung party list system.
01:39Ang objective ay irepresenta yung kanilang region, advocacy, interest, or sector.
01:46Maaari ring lumahok ang national parties at organizations,
01:49gayon din ang regional parties at organizations.
01:51Depende sa dami ng boto ang basihan para makakuha ng upuan sa House of Representatives ang party list.
02:00Irarank ang mga party list batay sa bilang ng boto.
02:04Ang mga nakakuha ng at least 2%, garantisadong mabibigyan ng ting-isang seat.
02:09Ang makakakuha ng lampas sa 2%, pwedeng mabigyan ng hanggang tatlong seat.
02:14Kung di paubos ang mga posisyong nakalaan sa mga party list,
02:18pwede pa rin makakuha ng posisyon yung mga hindi umabot sa 2%.
02:21Batay sa kanilang ranking sa boto, hanggang sa mapuno ang mga posisyon para sa party list.
02:27Sa House of Representatives, 80% o 254 seats ay bubuwi ng mga congressional district representatives.
02:3420% naman o 63 na mga yan ay magmumula sa mga party list.
02:41E talaga bang marginalized o underrepresented ang kakatawanin nila?
02:46Sa pag-aaral ng election watchdog na kontradaya,
02:50natuklasan nilang apat na po sa party list ay konektado sa mga political dynasty.
02:5625% naman ay sa mga malalaking negosyo.
02:5918% naman ay konektado sa mga pulis o militar.
03:0218% mayroon daw kahina-hinalang advokasya.
03:067% ang may kaso kaugnay sa korupsyon.
03:08Ayon sa isang political scientist, may problema talaga ang party list system,
03:13kaya nakakapasok ang ibang hindi naman nararapat sa posisyon.
03:17Nagkaroon daw kasi ng dalawang disisyon ang Korte Suprema,
03:20kaugnay sa interpretasyon ng Party List System Act.
03:23Yung isa kay Justice Art Panganiban at yung isa naman ay si Justice Antonio Carpio.
03:31Doon sa kay Justice Panganiban, sinusugan niya yung spirit of the law ayon sa Constitution
03:41na ang party list system ay isang social justice tool
03:48na dapat ay para sa mga marginalized at underrepresented
03:52at iba't-ibang sektor ng lipunan.
03:56So nakalista yung ibang sektor at iba pa.
04:00Para naman kay Justice Antonio Carpio,
04:05ito ay proportional representation.
04:08Ito ay tungkol sa partido.
04:09So whether partido ka ng sektor o partido kang nasyonal
04:16o partido ka ng reyon o lokal,
04:19ang pinalalakas mo dapat dito, partido at hindi personalidad.
04:25Ang disisyon ni Retard Senior Associate Justice Antonio Carpio ang umiiral ngayon.
04:30Hindi kailangang niyembro ka ng sektor na nire-represent mo,
04:34basta pareho kayo ng advokasya.
04:35This opened the floodgates for all the dominant interests
04:41to raid the party list system and appropriate the spirit of the law
04:48and the party list election towards the interests of dynasties,
04:54celebrities, and even contractors.
04:57Unfortunately, yan na nga yung nakita natin na trade the past elections.
05:01So, kung ikaw ay political family,
05:04eh ang party list, kung kontrolado mo ang progrinsya mo o ang syudad,
05:08you have 200,000 votes,
05:10at least you get one seat in the party list system.
05:12Sa ngayon, iba't ibang panukala ang nakahain sa Kamara at Senado
05:16para sa reforma ng party list system.
05:19Dati na rin sinabi ni Comelec Chairman George Irwin Garcia
05:22na kailangang amyendahan ng Party List Act.
05:25Kasi may mga pumasok because padami na rin pong mga political families
05:29ang nagke-create ng party list.
05:32Kasi narealize na nila, eh, bakit nga pa, eh,
05:34tutal naman, pag nagkampanya, isang balota lang, isang sample balot,
05:37eh, tayo na lang ang magpatakbo,
05:39kesa'y magsasama tayo.
05:40So, padami na rin pong ganon.
05:41And alam natin, kahit paano, may buka ito kasi sila eh.
05:45Tapos yung traditional ng mga party list organizations,
05:48nawawala.
05:49Nawawala.
05:50Iyan na po yung present reality.
05:52Maraming nagsasabi na dapat i-abolish na dahil wala naman silbe.
05:56Ang sa akin, hindi dapat i-abolish, kundi ayusin.
06:02Tulad ng palagi nating sinasabi,
06:05nasa kamay ng mga botanteng Pilipino
06:07ang desisyon, kung sino ang maluluklok sa pwesto.
06:10Dapat tignan ng botante,
06:12whether kandidato yan or a party list group,
06:14ay ano ba yung plano, ano yung programa.
06:17Kasi kung general motherhood statements lang ang sinasabi ng isang party list group,
06:22ay iwasan natin yan.
06:23Kailangan makakita tayo ng plano o programa talaga.
06:26Sa dami ng party list na tumatakbo ngayong eleksyon,
06:29yung isa lang naman ang may boboto ng bawat isang botante.
06:33Bagamat isa lang,
06:34siguraduhin ang boto mo ay kakatawan sa sektor
06:37na kadalasan ay walang boses para matulungan.
06:41Para sa GMA Integrated News,
06:43ako si Niko Ahe, ang inyong saksi.
06:46Mga kapuso, maging una sa saksi.
06:49Mag-subscribe sa GMA Integrated News sa YouTube
06:51para sa ibat-ibang balita.
06:59Mga kapuso, maging una sa saksi.

Recommended