Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 2 days ago
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time). For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Balik bansa na ang mga Pilipinong naging bahagi ng humanitarian assistance at disaster response mission sa Myanmar.
00:07Kasunod ng magnitude 7.7 na lindol doon. May unang balita si Bam Alegre.
00:15Sinalubong ng mga sundalo ng Philippine Air Force ang pagbabalik sa Pilipinas ng delegasyon na pumunta ng Myanmar para sa humanitarian assistance at disaster response mission doon.
00:24Pasado hating gabi na lumapag ang Philippine Interagency Humanitarian Contingent sa Villamore Air Base sa Pasay.
00:29Binubuo ang grupo ng 80 siyam na individual mula sa iba't ibang ahensya ng pamahalaan tulad ng Philippine Air Force, Philippine Army, Bureau of Fire Protection, MMDA, Department of Health, DENR at Office of Civil Defense.
00:42Kabilang sa mga sumalubong sa kanila si Secretary of National Defense Gilbert Chudoro at si Health Secretary Ted Herbosa.
00:47I know you've just undergone several days of sleepless nights, a long journey, mahabang biyahe, papunta at pabalik.
00:57So sa ngala ng ating Pangulo at ang Sambayanan, kami po'y nagpapasalamat. Unang-una sa Panginoon na inuwi niya kayong ligtas sa kapahamakan.
01:07Pangalawa, na naipamalas po ninyo ang ispirito ng Pilipino na tumutulong sa kapwa.
01:16In ilaha ni Dr. Ivy Lozada ang team leader ng DOH Philippine Emergency Medical Assistance Team, ang mga hamo na hinarap nila sa kanilang misyon sa Myanmar.
01:25Lalo at marami sa mga kababayan natin doon ang nangangailangan ng medical assistance.
01:28May karamihan sa kanila natutulog pa rin sa labas. Like sa hospital, ayaw nilang matulog sa loob ng mga wards. Doon po sila sa parang open space.
01:40May mga aftershock pa rin daw na naramdaman sa ilang araw nila sa Myanmar.
01:43Nang dumating po kami ng one, noong April 2 po, nabigyan kami ng worksite assignment doon sa Naubidaw, Myanmar, which is na-assign sa amin yung Jade City, which is merong reported na mga trap victims.
01:55And we performed search operations using our technical equipment. So wala pa kami nakitang sign of life.
02:02Narito yung dalawang C-130 aircraft na nagdala sa ating delegasyon pabalik dito sa Pilipinas.
02:07Sa ngayon, naghihintay pa yung ating pamahalaan ng karagdagang request mula sa Myanmar kung magpapadala pa tayo ulit ng panibagong team.
02:14Nagsasagawa ng briefing ng Department of National Defense at ang buong delegasyon para malaman ang sitwasyon sa Myanmar, lalo na ang update sa dalawang nawawalang Pilipino roon.
02:22We still have to make a full accounting. As far as I know, may naman na-identify na, but hindi pa na-validate.
02:31So we'll have to wait for the validation at kung na-validate ito, ma-inform yung next of kids.
02:40Ito ang unang balita, Bam Alegre para sa GMA Integrated News.
02:43Gusto mo ba nga mauna sa mga balita? Mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube at tumutok sa unang balita.
03:01Pag-subscribe na sa GMA Integrated News.

Recommended