Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • today
State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream #BreakingNews

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Pauwi na galing trabaho ang babaeng ito, nang sumulpot ang humaharurot na SUV sa Makati.
00:10Napasampasya sa hood ng SUV na nakahagip ng isa pang babae.
00:14Patay ang biktimang sumampas sa hood na isang single mom.
00:18Limang iba pa ang sugatan kabilang ang nanay ng may-ari ng SUV na pasahero noon.
00:23Pero hindi ang may-ari ang nagmamaneho ng SUV, kundi isang security guard.
00:27Basta raw minaneho ng gwardya nang walang permiso ang SUV para ilipat daw ng parking.
00:34Labis daw ang pagsisisi ng 60 years old na gwardya na sa tingin ng pulisya ay hindi marunong mag-drive ng sasakyang automatic.
00:42Nakakulong na siya sa Makati Police Station at naharap sa patong-patong na reklam.
00:47Dahil sa traffic at dami ng mga pasahero na delay ang dating o dating ng ilang bus sa Paranaque Integrated Terminal Exchange.
01:04By live reports, si Nico Wahe.
01:06Nico?
01:06Atom, sa mga may balak na mag-walking dito sa PITX at papuntang Bicol ay samahan na raw ng dasal na may mag-cancel ang ibang mga pasahero.
01:19Marami kasi rito na mga pasahero kanina ang hindi makakuha ng tiket dahil fully booked na ang mga bus papuntang Bicol.
01:27Problemado si D-9 ang aming maabutan sa pila ng tiket pa daet Camarines Norte sa PITX.
01:38Inikot na raw kasi niya lahat ng bus company na may biyaheng daet pero wala na siyang makuha ang tiket para sa mga magulang niya.
01:44Sobrang hirap po, lalo na kapag hindi ka nakapag-book ng maaga.
01:48Biglaan kasi po yung biyahe talaga.
01:50Eh, fully booked na daw po lahat ng ano, ng papuntang daet.
01:54Bali magkakameron lang ng schedule siguro by ano na, 20 patas.
01:59Tsatsagain na lang daw nilang maghintay baka sakaling magkaroon ng bakante mula sa mga magka-cancel na pasahero.
02:05Bukod sa kanya, maraming iba pa ang nagbabakasakali na makaka-uwi ngayong gabi. Kaso.
02:10Ngayon po biyahe niyo, wala na po kaming bakante, fully booked na po.
02:16May ibang maagap naman gaya ni Nanay Emily na February pa lang may tiket na pa-uwi ng Don Sol Sorsogon.
02:22Kaya maaga na ako ngayon. Para hindi na ako makipagsiksika.
02:29May ilang bus naman kanina na nadelay ang dating.
02:32Sa traffic share sa part ng Quezon.
02:35Tsaka siyempre yung bus ng mga sasakay na uwi ng probinsya, kaya nakakaroon po kami ng delay.
02:42Para sa mga pasahero ang may mahabang oras ng biyahe, wala raw dapat pag-alala, sabi ng ilang driver.
02:48Si Zaire, conditioned daw para makabiyahe pa Sorsogon.
02:51Unang biyahe niya raw ngayong gabi, kaya sinigurong sapat ang kanyang tulog.
02:55May kareliebo naman daw siya.
02:57After five hours, sir.
03:00Tapos siya naman. Tapos ng five hours ako naman ulit.
03:04Ah, ilang palit yun?
03:05Tatlo, sir.
03:06Bukod sa kondisyon na pangatawan, dasal din daw ang baon nila.
03:09Atom, sa mga oras na ito ay nasa mahigit 135,000 ang mga pasahero na ang dumagsa rito.
03:20Mas maliit yan kesa dun sa mahigit 166,000 kahapon.
03:24Yan muna ang latest. Balik sa'yo.
03:26Maraming salamat, Nico Wahid.
03:30Sinuspende ang anim na unit ng kumpanyang nagmamayari ng bus na nadesgrasya sa North Luzon Expressway.
03:36Paalala ng gobyerno sa mga driver para iwas disgrasya ngayong Semana Santa, huwag kas kasero.
03:42May report si Joseph Moro.
03:43Yuping-yupi ang harapan ng bus na ito matapos sumalpok sa isang truck sa North Luzon Expressway sa Valenzuela City kagabi.
03:54Labing tatlong nasugatan, kabilang ang babaeng 83 anyos na magang magaang mata.
03:59Nasugatan naman sa siko si Mark Henry na natutulog daw na maaksidente ang bus.
04:03Yung bus driver sobrang reckless talaga. Ang bilis niya magpatakbo.
04:07Mabilis po ang takbo ng bus.
04:09Ayon sa mga polis, papuntang monumento sa kaluokan ng bus na galing sa Anggat, Bulacan.
04:14Nagverge siya ng kaliwa para hindi niya mabangga sana itong dump truck.
04:20Kaso nga lang, meron close ba na nandun sa third lane na nabangga niya una.
04:25At pagkabangga niya nito, kumabig naman pa kanan hanggang sa dere-diretso nabangga niya yung kwitan ng dump truck.
04:33Sa sobrang tulin lang po niya yung nakita namin na kamalihan ng bus driver.
04:39Tumanggi magbigay ng pahayag ang bus driver at kinatawa ng bus company.
04:43Ang sabi ng company ng bus, willing silang sagutin kung ano man yung mga gastusin ng mga biktima na nasa ospitan.
04:52In-issuehan ng show cost order ng operator ng bus.
04:55Sinuspend din naman ng 30 araw ang 6 na unit ng bus company.
04:59Palaala ng gobyerno, huwag kaskasero, lalo't maraming babiyahe ngayong Semana Santa.
05:04Bukol sa kaskaserong driver, posible rin manganib ang buhay ng mga pasehero kung nakadroga ang driver.
05:10Kaya sa Cebu, sinailalim sa random drug test sa mga driver at konduktor ng mga bus at v-hire o van for hire.
05:16Tatlong bus driver ang nagpositibo sa droga.
05:19Sa Iloilo City, nagpositibo rin sa droga ang isang taxi driver, tricycle driver at dalawang chuper na modernized jeepney.
05:26Kapag napag-alaman sa confirmatory test na gumamit nga ng droga ang driver,
05:30kukumpiskahin ang kanilang driver's license at hindi napapayagang pa makapagmaneho.
05:35Joseph Morong, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
05:40Nirescue ang mahigit isang daang taga mabini Davao de Oro kasunod ng malawakang pagbaha.
05:44Na itala naman sa Los Baños, Laguna ang pinakamainit na temperatura mula nang ideklaraang tag-init noong nakaraang buwan.
05:52Yan ang mga naging lagay ng panahon sa mga sunod-sunod na araw sa report ng CJ Turida ng GMA Regional TV.
05:59Pumalo ng 50 degrees Celsius ang heat index o damang init sa Los Baños, Laguna ngayong araw.
06:09Sabi ng pag-asa, yan na ang pinakamatas na temperaturang naitala mula nang mag-umpisa ang monitore ng heat index ngayong taon.
06:16Pinakamatas din yan mula nang ideklaraang tag-init noong March 26.
06:2144 hanggang 46 degrees Celsius naman ang heat index forecast sa Dagupan City sa mga susunod na araw.
06:28Ang diskarte ng ilan.
06:30May nung po na maraming tubig, saka dito sa lili, malalapas ng bahay.
06:33Naliligo po sir.
06:34Naliligo?
06:35Yes po.
06:35Ilang beses?
06:36Three times.
06:37Umaga?
06:38Tanghali, tas gabi po.
06:39Pero kung matindi ang init sa lungsod, siya namang lakas ng ulan sa ilang bayan sa Ilocos Morte.
06:47Tumagal ng halos isang oras ang ulan sa Burgos, Pasukin, Banggi at Pagudpud.
06:52Labis ang pasasalamat ng mga residente paraan nila mapawi ang maalinsangang panahon.
06:58Sa Mabini Davao de Oro, nasasanda ang individual mula sa dalawang barangay ang binaha.
07:05Ayon sa PDR-RMO, pag-apaw ng ilog at high tide ang nagpabaha.
07:10Agad ni-rescue ang mga nakatira malapit sa ilog at dagat.
07:14Ayon sa pag-asa, ang pagbaha ay epekto ng Easter Lease.
07:18Sa special weather outlook ng pag-asa, mula Merkulay Santo hanggang Easter Sunday,
07:23magtutuloy-tuloy ang mainit at maalinsangang panahon.
07:26Pero hindi pa rin inaalis ang tsansa ng ulan dahil sa localized thunderstorms.
07:33Sa datos naman ng Metro Weather, may mga pag-ulan din sa ilang bahagi ng bansa.
07:38Madalas yan, bandang hapon o gabi, kaya magdala pa rin ng payong at mag-monitor ng advisories ng pag-asa.
07:46CJ Torida ng GMA Regional TV, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
07:52Naglabas ng show-cause order ang comedic sa isang kumakandidato sa pagka-alkalde sa Pasay
08:05dahil sa paggamit ng racial slur o di ka nais-nais sa bansag sa mga Indian national.
08:11Tanggalin na natin ang p***** para wala ng aboy sibuyas na naiiwan sa Pasay niya.
08:22Sinabi yan ni Councilor Editha Manguera sa isang kampanya sa Pasay City.
08:27Ayon sa COMELEC, usibing paglabagyan sa resolusyon ng COMELEC na nagbabawal sa racial discrimination.
08:34Binigyan si Manguera ng tatlong araw para magpaliwanag kung bakit hindi siya dapat i-disqualify mula sa eleksyon.
08:40Sabi ni Manguera, bukas siya maglalabas ng pahayag.
08:46Hanggang bukas na lang pwedeng makampanya bago ang campaign break para sa Semana Santa
08:50kaya tuloy-tuloy sa paglatag ng plataporma ang ilang senatorial candidate.
08:55May report si Ian Cruz.
09:10Jerome Adonis at Teddy Casino.
09:12Kasama rin nilang nag-ikot sa Tacloban si na-representative Franz Castro at Liza Maza.
09:18Nag-motor-cade at dumalo sa rally sa CDO at misamis oriental si Senator Bongo.
09:25Nasa pagtitipon din si Philip Salvador.
09:27At Senador Bato de la Rosa.
09:34Burang pagpapospital ang tututukan ni Congressman Rodante Marcoleta.
09:40Infrastruktura at programang pangkabuhayan ang tinutulak ni Manny Pacquiao.
09:45Nag-ikot si Kiko Pangilinan sa palengke ng San Jacinto, Pangasinan.
09:49Sa Manggi-Ilocos Norte naman, nag-ikot si Ariel Quirubin.
09:56Humarap naman sa mga lider ng kabataang barangay si Senator Francis Tolentino.
10:01Pagsasabatas ng 200 pesos legislated wake hike ang pangako ni Bam Aquino.
10:06Proteksyon ng indigenous people ang tiniyak ni representative Bonifacio Busita.
10:12Dagdagpondo sa edukasyon at kalusugan ang diniin ni representative Arlene Brosas.
10:16Kasama niya sina Amira Lidasan at Nars Aline Andamo.
10:22Mga tribal leader ang kinausap ni Alan Capuyan sa Misamis Oriental.
10:27Women Empowerment ang isa sa advokasya ni Senator Pia Cayetano.
10:32Giniit ni David De Angelo ang paglaban sa political dynasty sa isang forum.
10:36Kasama niya sina attorney Luke Espirito at Roberto Balyon.
10:40Patuli naming sinusunda ng kampanya na mga tumatakbong senador sa election 2025.
10:45Ian Cruz nagbabalita para sa GMA Integrated News.
10:50Inereklamo ng NBI ang isang senatorial candidate dahil sa pagbanggit na naglabas ng Korte Suprema ng Temporary Restraining Order laban sa pagaresto kay Duterte kahit hindi naman.
11:01Inereklamo ng NBI si attorney Raul Lambino ng unlawful use of means of publication and unlawful utterances na pinabigad pa ng paglabag sa Cybercrime Act.
11:13Tinawag niyang political harassment ni Lambino.
11:16Nais daw niyang makita muna ang reklamo para masagot punto por punto.
11:19Bago yan, naglabas din ng show cause order ang Korte Suprema para pagpaliwanagin si Lambino.
11:26Nagkain din ng reklamong inciting to sedition ng NBI laban kinadating presidential spokesperson Harry Roque at vlogger na si Maharlika.
11:34Para yan sa umano'y kontrobersyal na polvoron video.
11:37Inereklamo rin ng NBI si Maharlika ng Cyber Libel, Forgery and Unlawful Utterances Complaints.
11:45Sa isang post sa social media, sinabi ni Roque na welcome ang inihaing reklamo laban sa kanya.
11:51Bagandang oportunidad daw ito para kay Pangulong Marcos para patunayan sa Korte na hindi totoong gumagamit siya ng cocaine.
11:58Gihit pa ni Roque, hindi toto ang mga sinabi ng isang vlogger na tumistigo sa pagdinig ng House Strike Committee na sa kanya nang galing ang polvoron video.
12:07Agawan sa videoke ang naging mitya ng pagpanaw ng isang lalaki sa ilo-ilo.
12:16Ilang beses binaril ang biktima sa loob ng KTV bar.
12:19Bar, kwento ng staff, kumakata ang lalaki nang i-cancel ng sospek ang kanta para makakanta rin.
12:26Hanggang sa gumanti ang biktima at doon na nagkagirian ang dalawa.
12:31Tumawag pa ng restback ang sospek, saka sinipa ang biktima at pinagbabaril.
12:36Patuloy pang pinaghanap ng polisya ang sospek.
12:40Kampiyon sa finals ng Juniors Basketball sa NCAA Season 100 ang Perpetual Junior Altas.
12:47First quarter pa lang, maganda lang laro ng Junior Altas kontra sa Benilde Lasal Green Hills Greenies.
12:53Sunod-sunod na silang nagpaula ng punto sa second quarter hanggang sa third quarter.
12:58Pagdating ng fourth quarter, hindi na nakahabol ang Junior Greenies at nagtapos ang naro sa score na 101-67.
13:06Emosyonal ang Junior Altas na makamitang kauna-unahang championship sa loob ng 41 taon.
13:12Nagsimula ng dumayo sa mga simbahan ang ilan nating kababayan para sa bisita iglesia.
13:20Pero may ilang lenten exhibit din na ginawa para ilapit sa mga tao ang pananampalataya.
13:26May report si Ian True.
13:27Hindi lang nakahuhumaling na baroque architecture ang dinarayo sa St. Peter and Paul Parish Church sa Calasyao, Pangasinan.
13:39Lalo ngayong Semana Santa, mula sa iba't ibang lugar ang nag-aalay ng panalangin.
13:44Malapit din ito sa Minor Basilica of Our Lady of Manawag.
13:48Dinaragsari tuwing mahal na araw ang Divine Mercy Shrine sa El Salvador City, Misamis Oriental.
13:55Nakapako sa sentro ng pananampalataya ng mga Katoliko ang sakripisyon ni Jesus.
14:01Kaya para mas pagtibayin ang dibosyon, tinipon mula sa iba't ibang bahagi ng Panay Island ang koleksyon ng mga crucifix na ito.
14:10Samot sa ring forma, hugis at hitsura ng imahen ng ipinakong Jesus.
14:15Masisilayan ang exhibit na ito sa Cardinal Scene Museum sa New Washington, Aklan hanggang Mayo.
14:21Inilapit naman sa mga dipoto ang mga life-size na imahen ni Yeso Cristo sa Pampanga Lenten Exhibit.
14:30Maygit apat na pong rebulto ang tampok, kabilang rin dito ang mga imahen ng ilang santo.
14:37Bukas ito sa publiko hanggang sa pagtatapos ng Holy Week.
14:40Ian Cruz, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
14:44After PBB exit, ready to enter naman sa lolong pangil ng Maynila, si AC Bonifacio.
14:58Makakasaman niya muli rito ang kaduo na si Ashley Ortega bilang special agents.
15:05First time niya kasi mag-action, Tito Lars.
15:07Kinakabahan po talaga ako. I mean, that's how it is when you're put into a new environment.
15:11But because of the people surrounding me, everyone's so welcoming.
15:14Star Wars Star Day si Ridley. Enjoy sa scenery at sunset ng Pilipinas.
15:25Exhibit na dedicated kay BTS Jungkook binuksan sa New York.
15:31Enjoy ang ARMY sa costumes, music videos, awards at pictures ni JK.
15:37War Santiago, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
15:43Huwag magpahuli sa mga balitang dapat niyong malaman.
15:47Mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube.

Recommended