Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 5 days ago
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.


#GMAIntegratedNews #KapusoStream


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00The GMA Integrated News
00:30At bukas na raw ang susunod na biyahe.
00:32Saksi live si Dano Tengpungko.
00:35Dano!
00:38Maris, patuloy pa rin ang pagdagsa ng mga pasahero dito sa Batangas Port ngayong Merkoles Santo.
00:45Pero ang malaking pagkakaiba raw ngayong Holy Week ay hindi ganong naimbudo ang terminal dahil maraming maagang umalis.
00:53Simula kaninang hapon, nag-cut off ng isang shipping line sa mga biyaheng pa Udyongan-Romblon.
01:02Ang susunod na biyahe raw ay para bukas na ng alas 5 ng hapon.
01:06Ang mga nakapila, makakabili naman ang tiket.
01:08Pero para bukas na.
01:10Bukod sa Udyongan, pulibok din ang mga biyahe pa Katiklan, Kulasi, Rojas City, Bayaromblon at Sibuyan.
01:16Akala ko kasi ay makakaabot kami ng makakakuha talaga ng tiket. Yun talaga.
01:22Kaninang madaling araw nga, humaba ng halos isang kilometro ang pila ng mga sasakay ng roro sa labas ng Batangas Port.
01:29Bandang alas 9 ng umaga lang napawi ang pila at hindi na naulit sa maghapon.
01:34Ang magkaibigang sino Rose at Seychelle galing Laguna, ito na raw ang unang nakita.
01:38Kaya imbis na dalhin ng kotse sa Puerto Galera, nag-online booking ng parking sa terminal sa kasumakay ng fastcraft.
01:45Mas mahal lang naman daw ng 200 pesos ang fastcraft kesa roro.
01:49Stranded din po yung mga kotse po ang haba po ng pila.
01:54Kaya nag-online booking po sila ate para po sa parking po.
02:00Maraming pasahero ang nagsabay-sabay sa terminal madaling araw pa lang.
02:03Ang iba hindi na natulog tulad ni Jennifer.
02:05Galing trabaho sa Bulacan kagabi, bumiyahe pa Batangas Port.
02:09Makakarating ng Odjongan alas 5 ng hapon kanina.
02:13Inagaan namin ng ano kasi nga, ang sabi nga daw sa amin kasi nga walang online.
02:18Mag-ano kami, agahan namin kasi nga maraming mag-ano ticket, yun nga mahaba pila.
02:24Kaya pa?
02:24Kaya pa naman. Para sa ano? Para sa vitamin C.
02:30Vitamin dagat.
02:32Kasama niya si Vanjie na wala rin tulog. Gusto rin mapaaga lalo at graduation ng anak kahapon.
02:39Sobrang taming ang tao ngayon. Grabe.
02:42Pero okay lang, maghintay na lang kami.
02:44Total, nakakuha na rin naman kami ng ticket.
02:46Ano oras pa?
02:47Mamaya pa po siguro mga 5pm.
02:50Sa loob ng passenger terminal, walang ticketing booth na walang pila ng pasahero.
02:55Sa dami ng mga nagahabol makaalis, ang ilan umupo na lang kung saan sila madapuan ng hapo.
03:01Kaya ang pamunuan ng Batangas Port, pinatupad na ang plan B.
03:04Pinayaga ng mga pasaherong bumili ng 30 pesos terminal fee ticket para makadiretsyo na sa pre-departure lounge kahit wala pang ticket ng barko.
03:12Standard procedure is, bezel ticket mo na, ticket mo na ng barko.
03:17Pagkatapos yun, pupunta ka naman sa kabilang window para sa terminal ticket fee, which is 30 pesos, para makapasok ka na doon sa pre-departure area.
03:26So sayang yung pagod ng mga kababayan natin na nakatayo.
03:29Lalo na kung grupo naman kayo, pwedeng isa na lang ang pipila, kunin lang yung mga pangalan para doon sa manifesto, kasi pipirma ro.
03:37Para yung ibang mga kasama, nakapahinga na.
03:40Inasahan na raw nila ang tuluan ngayong huling araw bago maglong weekend.
03:45Pero kung ikukumpara raw sa mga nakaraang Semana Santa, hindi raw hamak na mas maaliwalas ngayon dahil marami na rin daw ang naunang umalis ng nakaraang weekend.
03:55Abuting at inaagahan na nung iba, hindi nasasabay sa mamaya, mamayang rush hour, no, ang tinatawag.
04:03So kayang-kaya, pag ganyan pa dating, kayang-kayang.
04:05Last year na Sabado-linggo na ano, wala. So Sabado-linggo, ang dami na bumiyahe.
04:10At kung pupunta kayo dito sa Batangasport, ngayong gabi asahan pa rin yung pila sa labas at sa loob ng ticketing booth
04:20dahil patuloy pa rin yung pagdating ng mga nagahabol makarating sa kanika nila mga destinasyon ngayong Semana Santa.
04:27At live pa rin mula rito sa Batangasport para sa GMA Integrated News.
04:31Sa kasidahan na tingkung ko ang inyong saksi.

Recommended