Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • today
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.


#GMAIntegratedNews #KapusoStream


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Hanggang sa huli, inilaan ni Pope Francis ang kanyang panahon sa paglilingkod sa kapwa.
00:05Kaya iba ang kirot ng kanyang pagpanaw, lalo na sa mga taong minsan niyang nakasalamuha,
00:11gaya ng isang Pilipino na ibinahagi ang kanyang karanasan.
00:15Ating saksihan!
00:19November 2024, ng personal na makausap ng De La Salle graduate na si Ken, si Pope Francis.
00:25Kinilala ang grupo nilang Project Magkasapi sa Uni Servitate 2024 na para sa mga pinakamahuhusay na Solidarity Service Learning Experiences sa Catholic Higher Education.
00:38When I posted it also in social media, sobrang emotional po and sobrang thankful when Pope Francis mentioned this for me and sobrang nakangiti po siya ng sobrang laki po.
00:51Dahil noong time po talaga po na yun is we, lahat po kami is we have the opportunity, every one of us, to talk with Pope Francis.
01:00Kung ano po yung advocacy po namin, what we did, so nishare ko po kay Pope Francis.
01:05Noong araw na yun, tila nagbago ang buhay niya.
01:08I'll give my best to be a better version of myself and to also serve the community with the guidance of Pope Francis.
01:15Kaya kakaibang kirot ang hatid kay Ken nang balitang pumanaw na ang 88 anyos na Santo Papa na hanggang sa mga huling araw, paglilingkod pa rin sa simbahan at sa kapwa ang isinasabuhay.
01:30Kahit nakaratay sa ospital mula noong February 14 hanggang March 23, panay pa rin ang kanya mga mensahe ng pag-ibig, pag-asa at kapayapaan para sa mga lugar na nababalot ng kaguluhan.
01:43Kapayapaan ang sentro ng kanyang mensahe para sa Easter sa gitna ng patuloy na digmaan sa Gaza para sa mga Palestino, gayon din para sa mga Israeli.
01:55Pangmatagalang kapayapaan din ang hiling niya sa Ukraine.
01:59Sa kabila ng iniindang double pneumonia at muntik ng pagpanaw habang nakakonfine ayon mismo sa kanyang mga doktor,
02:06Di niya nalimutang magpasalamat para sa milyong-milyong sumusuporta at nagdarasal para sa kanya.
02:13Di rin niya nalimutang magpasalamat sa mga doktor at nurse na nag-alaga sa kanya sa Gimeli Hospital sa Roma.
02:20Ma grazie e grazie per tutto quello che avete fatto.
02:27Grazie a lei che sei così forte.
02:31Quando comandano le donne le cose valgono.
02:34Grazie e grazie a tutti voi.
02:43Premo per voi.
02:45Per favore, fate lo per me.
02:47Grazie.
02:50Isa yan sa mga huling public appearance ni Pope Francis,
02:54na dalawang buwang pinagpapahinga noon ng mga doktor kasunod ng kanyang confinement.
03:00Nasilayan din siya sa Vatican itong Palm Sunday.
03:02Buona domenica lele palme.
03:06Buona settimana santa.
03:11Noong Webe Santo, nagawa pa niyang bumisita sa isa sa pinakapunoang kulungan sa Roma.
03:18Sa maraming pagkakataon, lalo kapag nagsasalita, kapansin-pansing hirap nang huminga si Pope Francis.
03:25Bata pa si Pope Francis, natanggalan na siya ng bahagi ng kanyang baga dahil sa severe pneumonia.
03:33Noong 2021, tinanggal ang bahagi ng kanyang kolon dahil sa diverticulitis o pamamaga sa large intestine.
03:41Noong 2023, inoperahan din siya para tanggalan ng abdominal ernia o loslos.
03:49Meron din siyang sciatica, isang kondisyon sa nerves na nagdudulot ng pananakit ng balakang, likod at binti.
03:57Iniinda rin niya ang problema sa kanyang tuhod.
04:01Ang kanyang double pneumonia nitong Pebrero, itunuturing na pinakamatinding health crisis ng labindalawang taong panunungkulan bilang Santo Papa.
04:10At umaga ng April 21, pumanaw si Pope Francis sa kanyang residence sa Casa Santa Marta sa Vatican.
04:18Noong 2023, sinabi ni Pope Francis na napili niyang paghimlayan ng kanyang labi, ang Basilica of Santa Maria Maggiore sa Roma, na malapit sa kanyang puso dahil sa kanyang debosyon sa Birhing Maria.
04:33Siya ang unang Santo Papa na ihihimlay sa labas ng Vatican sa loob ng mahigit isang siglo.
04:40Para sa GMA Integrated News, ako si Tina Panganiban Perez, ang inyong saksi.
04:45Mga kapuso, maging una sa saksi.
04:49Mag-subscribe sa GMA Integrated News sa YouTube para sa ibat-ibang balita.

Recommended