Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • yesterday
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00To be continued...
00:30Well, pare-pareho kaming naghihintay ng instruction mula sa dean ng mga cardinals, si Cardinal Re mula doon sa Roma.
00:44At kasalukuyan ay nagpupulong ang mga cardinals na based doon sa Roma para i-finalize nila yung schedule ng funeral ng Santo Papa
00:55at saka ng magiging simula ng conclave para sa eleksyon ng isang bagong Santo Papa.
01:03Usually, gaano po katagal pagkatapos ng libing bago magsimula yung conclave o depende po sa pag-uusapan?
01:09Well, depende talaga yan sa pag-uusap at usually, anywhere between 10 to 15 days pagkatapos ng funeral,
01:23anywhere between 10 to 15 days ay ginaganap yung conclave.
01:28Speaking of conclave, ano po inaasahan nyo dito sa PayPal conclave sa lahat ng mga nangyayari ngayon sa buong mundo?
01:34Anong direction po kayang pupunan natin itong conclave na inyong dadaluhan?
01:38Well, siyempre, bago yung conclave, nagluloksa muna tayo sa pagpanoon ng ating mahal na Santo Papa.
01:46At medyo in a state of disbelief pa kami kasi hindi talaga siya inaasahan.
01:52Nakala namin ay nagre-recover na talaga siya.
01:56Pero napakaganda ng timing ng kanyang pagpanaw dahil ito ay Easter Monday.
02:04At ang last message niya sa buong mundo ay isang Easter message na masaya.
02:10And ang tinutukoy niyang mga luha na dapat iluha natin ay luha daw ng kaligayahan.
02:17Tapos biglang lumuluha tayo ng luha ng kalungkutan.
02:21Pero updated naman talaga ang luha ng kalungkutan sa luha ng kaligayahan.
02:26Kasi si Pope Francis din ang madalas magsabi na mas malinaw daw na makakakita ang mga mata na hinugasan ng maraming luha.
02:35So very up po ba yung pagpanaw ni Pope Francis?
02:39Gayun nakabalik siya mula sa pagkakasakit.
02:42Maraming nga nagsasabing pagaling na siya.
02:44Pero bigla nga siyang pumanaw at a very timely day dito po sa Roman Catholic calendar.
02:51Oo, totoo.
02:52Kasi itong Easter Sunday ang pinaka-importanting kapistahan ng kalendaryo ng Simbahang Katolika.
03:01At yun, parang na-fulfill siguro niya yung pangarap niya na matapos ang kwarensma niya sa Paskong Pagkabuhay.
03:12At nangyari nga siya.
03:14And kaya in a way, kahit nalulungkot tayo, masaya din tayo para sa kanya.
03:20Paano niyo po ilalarawan yung kabuong lagay ng Simbahang Katolika sa pagpano po ni Pope Francis?
03:25Tulad ng nabanggit ko, pagluloksa.
03:27So, nagluloksa ang buong Simbahang Katolika ngayon.
03:32Kahit yung panahon ng dapat pagsasaya dahil panahon ng Easter eh, ng pagkabuhay.
03:42At ang panahon ng pagkabuhay, limangpung araw yan hanggang sa araw ng Pentecostes,
03:48ang araw na ipagdiriwang natin ang pagbaba ng pasalubong ng Panginoon, ang Espiritu Santo.
03:54Ito. Pero, ito, parang dahil nataon siya sa biglang pagpanaw ng ating mahal na Santo Papa,
04:01eh nasabayan siya ng pagluloksa.
04:04Pero, yun nga, nilagay niya sa tamang liwanag ang ating pagluloksa.
04:09Ang magloksa tayo, pero dapat isang pagluloksa na may pag-asa.
04:13Pagluloksa na mayroon pa rin galak dahil, sabi ko nga, ang mga matang nahugasan ng maraming luha ay mas nakikita,
04:24nasisilayan ang pag-asang hatid ng pagkabuhay.
04:27Cardinal, sa palagay niyo ba nahihanda ni Pope Francis yung Simbahang Katoliko sa kanyang pagpano,
04:33sa kanyang paglisan, hindi lang bilang Pope, kundi sa kanyang aral sa tagal ng kanyang panunungkula sa Simbahan?
04:42Ay oo naman. At itong Santo Papa na ito ay maraming aral na naituro sa Simbahan sa mga nakarang taon ng kanyang paglilingkod bilang Ubispo ng Roma.
04:56Kaya siya Santo Papa dahil Ubispo siya ng Simbahang tinuturing nating pinakapinuno ng maraming mga Simbahan sa Universal Church.
05:07At yung mga panulat niya, mga turo niya, mga homily niya ay talagang kakaiba.
05:16Sa tingin ko, ito yung Santo Papa talaga na nagturo sa Simbahan na matutong makinig.
05:23Makinig. Kasi laging ang konsepto natin ng Simbahan, mga pinuno na Simbahan, pinakikinggan.
05:30Pero kung ibig nating pakinggan tayo, matuto tayong makinig. Matuto tayong magbukas ng pinto at magpatuloy.
05:40At hindi lang magbukas ng pinto para magpatuloy, kundi magbukas ng pinto para lumabas.
05:44Para lumabas sa mga laylayan, laylayan ng simbahan, sa laylayan ng lipunan.
05:52At matutong, makilakbay. Makilakbay sa lahat ng kapwa.
05:58Hindi lang sa kapwa katoliko, kristyano, kundi sa lahat ng kapwa at tao at lahat ng kapwa nila lang.
06:04Ganyan si Pope Francis na napaka-inclusive niya, yung welcoming niya.
06:12At yun, lagi niya tayong tinuturuan na magpakumbaba at matutong makilakbay.
06:20Well, abangan po namin yung inyong pagtungo sa vating.
06:23And of course, yung conclave na kasunod nitong paglilibing kay Pope Francis.
06:27Maraming salamat po sa oras na ibinahagi nyo sa Balitanghali.
06:30Okay.
06:31Calocon Bishop at CBCP President Pablo Virgilio Cardinal David.

Recommended