Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 2 days ago
Isang pulis sa Quezon City ang puwersahan umanong pumasok sa isang bahay at nanakit ng ilang sibilyan! Ano ba ang sinasabi ng batas tungkol sa ganitong mga insidente?

Hosted by the country’s top anchors and hosts, 'Unang Hirit' is a weekday morning show that provides its viewers with a daily dose of news and practical feature stories. Watch it from Monday to Friday, 5:30 AM on GMA Network! Subscribe to youtube.com/gmapublicaffairs for our full episodes.

Category

😹
Fun
Transcript
00:00What are you going to do if you're in your house and then you're in this way?
00:30Kuya, wika, kuya! Ano ba?
00:35Yan ang viral na eksena.
00:39Yan ang viral na eksena kung saan isang polis sa Quezon City ang sapinita numanong pumasok sa isang bahay at ng aras.
00:48Kwento pa ng isa sa mga biktima, sinaktan daw sila ni Police Staff Sergeant Colonel Jordan Marsan pati na ang kanilang lola.
00:56Ano ba ang sinasabi ng batas tungkol dito? Ask me, ask Attorney Gabby.
01:10Attorney, madalas nating marinig yung trespassing.
01:14Pero linawi natin, sa ilalim ng batas ano po ba ang maituturing na trespassing at paano kung alagad ng batas ang sangkot dito?
01:22Well, alam nating lahat na sagrado ang karapatan ng mga tao na maging ligtas, matiwasay at payapa sa loob ng sarili nilang bahay kahit na saan pa ito at kahit na gaano kaliit at maging sino ka man.
01:36The right to be secure in one's home, ika nga, ay isang karapatan na garantisado ng ating konstitusyon.
01:43Kaya't walang karapatan na pasukin kayo ng sinuman, lalo't lalo na kung ito ay mga alagad ng Estado.
01:50Kaya't halimbawa, ang pagpasok o panghinimasok sa property ng ibang tao ay pinagbabawal at pinarurusahan bilang krimen ng trespassing.
01:59Yung pumasok kayo sa property ng ibang tao, nakabakod kaya't alam ninyo na merong may-ari.
02:04Kahit na wala pang tao na nakatira dito, ito ay krimen ng simple trespassing sa ilalim ng Article 280 ng Revised Penal Code.
02:13Of course, yung pumasok kayo sa bahay na may tao sa loob na walang pahintulot, mas mabigat ang kasalanan na ito at ang penalty.
02:22Qualified trespass to dwelling at ang penalty ay arrest to mayor hanggang 6 na buwan na kulong.
02:29Pero kung ito ay may violence o intimidation, yung pananakot na tulad nakita ninyo, talagang porsado ang pagpasok.
02:37Ang penalty ay friction correctional medium to maximum period na hanggang 6 na taon ang kulong.
02:44Pero yung panghihimasok sa inyong tahanan, nagginawa na isang public officer tulad nga ng mga polis at ginawa ito sa gabi.
02:53Walang warant.
02:54Ang krimen naman ay tinatawag ngayon, hindi lamang trespassing, ito ay violation of domicile.
03:00Pero hindi kasi naamendahan ng penalty hanggang 6 na taon din ang kanyang kulong.
03:05At syempre, meron din dapat nakaukulang administrative na kaso at penalty kung alagad ng batas ang gumawa nito.
03:12Of course, kung meron ibang pang nangyari, pananakit, or even worse, baka may pinatay.
03:18Separate na criminal case pa ito for physical injury sa limbawa, homicide or murder, depende sa sitwasyon, kung meron nga napatay.
03:26Maaaring mag-file din ng administrative case sa police commission at the very least,
03:31conduct, unbecoming of a police officer, at syempre, pwede rin grave misconduct.
03:36Depende, di ba, kung sa sitwasyon na maaaring umabot ng penalty ng dismissal from office.
03:43Of course, meron din, kung meron naman dalang search warrant, kasi meron na tatunong,
03:48kailan ba pwedeng pumasok ang polis kung may search warrant?
03:51O may hinahabol silang tao na pumasok sa inyong bakuran o tahanan.
03:55Yung tinatawag nating hot pursuit, baka mapatawad po natin ang panghihimasok na ito, kasi justified.
04:02Pero kung wala, ito ay isang krimen.
04:05Malaking kasalanan ang violation ng ating privacy at security sa ating mga bahay,
04:11pero mas malaking kasalanan kapag ito ay ginawa ng mga taong inaasahan natin,
04:15na siyang dapat na nagpoprotekta sa atin.
04:19Ang mga usaping batas, bibigyan po nating linaw.
04:22So, alam nyo na ito, para sa kapayapaan ng pag-iisip,
04:25huwag magdalawang isip, ask me, ask Atty. Gabby.
04:32Ikaw, hindi ka pa nakasubscribe sa GME Public Affairs YouTube channel?
04:36Bakit? Magsubscribe ka na, dali na,
04:39para laging una ka sa mga latest kwento at balita.
04:42I-follow mo na rin ang official social media pages ng unang hirip.
04:46Salamat kapuso!

Recommended