Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • yesterday
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Ito ang GMA Regional TV News!
00:08Paglilingkod sa simbahan na may pagpapakumbaba.
00:12Yan daw ang iniwang inspirasyon ni Pope Francis sa isang dagupenyo
00:15na nagsilbing isa sa mga official photographer noon ng Santo Papa.
00:20Balit ang hatid ni CJ Torida ng GMA Regional TV.
00:23Mula sa 4,000 aplikante, isa lamang ang tubong dagupan city na si Glenn Munoz Lopez
00:32sa 23 pinalad na maging official photographer sa pagbisita ni Pope Francis sa bansa noong January 2015.
00:41May higit isang dekada na ang nakalipas pero sariwa pa rin sa alaala ni Glenn
00:45ang kanyang close encounter sa Santo Papa.
00:48I was so starstruck talaga na hindi ko namalayan na photographer pala ako.
00:54Hindi ko siya nakunan.
00:57So talagang paglagpas niya, dun ko na-realize na ay photographer pala ako.
01:01Ito ang winning shot ni Glenn kay Pope Francis
01:04at isa lamang ito sa mga kuha niyang larawan na nalathala sa libro
01:08tungkol sa pagbisita ng Santo Papa sa bansa.
01:11At ito na rin ang nakadisplay ngayon sa altar ng St. John the Evangelist Cathedral.
01:16Pahirapan daw ang pagkuhan niya sa larawan
01:18dahil kadalasan sa crowd nakatingin ang Santo Papa kung saan wala siya roon.
01:24Pero kahit nakapwesto sa kakaunting crowd,
01:27nadiskartehan ni Glenn ang kuha sa kanyang camera.
01:30So I have no choice, sumigaw talaga ako.
01:33Sabi ko, Papa Francisco, sabi ko.
01:36Tapos timing, narinig niya yung boses ko, lumingon siya.
01:39So, yeah, so nakita niya ako, parang nagka-eye to eye kami,
01:43then he make a sign of a cross.
01:45Siyam na beses daw na nakita ni Glenn ang Santo Papa sa pagbisita niya sa bansa.
01:50Damaraw niya ang kabanalan ni Pope Francis na tila ba nagkahatid ng positive energy sa kanya.
01:57Sa pagpanaw ni Pope Francis, naiwan sa puso ni Glenn ang simbolo ng kababaang loob
02:02na taglay niya ngayon sa kanyang paninilbihan sa simbahan.
02:06Naging inspiration ko siya na serving the church with all dedication and devotion.
02:14Pero mas nangibabaw sa akin yung pagsilbi sa simbahan with all humility.
02:20Si Jay Torida ng GMA Regional TV, nagbabalita para sa GMA Integrated News.

Recommended