Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • yesterday
State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream #BreakingNews

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00St. Peter's Basilica
00:08Mas marami na ang mga tao sa St. Peter's Basilica sa Vatican
00:12para masilayan sa huling pagkakataon si Pope Francis.
00:15Nakatakda kasing isa ang kanyang kabaong mamayang alas dos ng madaling araw, oras dito sa Pilipinas.
00:22Mananatili namang bukas ang basilica hanggang mamayang hating gabi,
00:25pero mas maagang isasara ang St. Peter's Square para bigyang daan ng mga paghahanda para sa libing bukas.
00:34Sa ngayon, dumating na sa Rome, Italy si Pangulong Bongbong Marcos at First Lady Lisa Araneta Marcos.
00:40Haluhalo na ang mga tao sa Vatican, pati nasa paligid ng Roma, na hitik sa makasaysayang mga lugar.
00:47Dama rin ang diwa ng damayan at bayanihan.
00:50Nasa 3,000 volunteer ang kasama sa mga namimigay ng libreng bottled water
00:55sa mahigit 20 lugar sa Vatican mula umaga hanggang sa pagsasara ng St. Peter's Square.
01:03Handa na ang magiging puntod ni Pope Francis sa Basilica of St. Mary Major sa Roma.
01:08Gawa yan sa Marmol na galing Liguria, Italy, ang pinagmula ng mga ninuno ng Santo Papa.
01:15Tuloy-tuloy rin ang paghahanda sa St. Peter's Basilica na ilang oras na lang ay isasara na.
01:20Ang latest sa paghahanda sa papal funeral sa report ni Vicky Morales.
01:25Sa gitna ng public viewing sa St. Peter's Basilica sa Vatican, agaw pansin ang isang madring wala sa pila.
01:35Nakatayo sa gilid, tahimik na umiiyak.
01:38Siya si Sister Genevieve Jeaning Rose, 82 taong gulang.
01:42Malapit siyang kaibigan ni Pope Francis at ilang beses daw nakasama at dinalaw ng Santo Papa.
01:49Halos 130,000 taon na ang dumalaw at nagbigay-pugay sa People's Pope sa St. Peter's Basilica.
01:56Ang iba, sa Basilica of St. Mary Major ang tungo kung saan ang pang-apat na gabi ng pagdarasal ng Rosario sa Santo Papa, pinungunahan ni Luis Antonio Cardinal Tagle.
02:08Para sa libing bukas, handa na ang kanyang simpleng puntod sa Basilica.
02:13Gawa ito sa Marmol mula Liguria, Italy, ang pinagmulan ng mga kaanak ng Santo Papa.
02:19Sa Basilica na binibisita niya noong buhay pa para dasalan ang imahen ng Birheng Maria na sa Luspopili Romani, pitong mga naonang Santo Papa na ang nailibing.
02:31Siya rin ang unang ililibing sa labas ng Vatican matapos si Pope Leo XII mahigit isang siglo na ang nakalipas.
02:39Ilang oras bago isara ang kabaong, tuloy-tuloy pa rin ang paghahanda para sa makasaysayang funeral sa St. Peter's Square.
02:48Nandito po tayo ngayon sa St. Peter's Square at sa isang kanto nitong plaza, makikita natin itong scaffolding na itinayo para sa mga member ng media na magko-cover sa funeral mass ni Pope Francis.
03:01At ito naman sa isang kanto ng St. Peter's Square, itong area kung saan nagkumpul-kumpulan ang mga broadcast journalists mula sa iba't ibang panig ng mundo.
03:12At ito naman sa isang bahagi ng St. Peter's Square, makikita natin itong mga puting tent na ito.
03:18Ito yung mga medical tent, may mga paramedic dyan para magbigay ng paonang luna sa mga nangangailangan nito.
03:24Kasama sa mga dadalo si na Pangulong Bongbong Marcos at First Lady Lisa Araneta Marcos.
03:32When I met him, he's humble, kind, and I feel like you're blessed.
03:37Abala ngayon sa pag-asikaso sa kanila ang Philippine Embassy to the Vatican na ilang hakbang mula sa St. Peter's Basilica.
03:44Masayang inalala ng mga tauha ng embassy ang paglapit sa kanila ng Santo Papa tuwing may diplomatic functions.
03:52Kabilang na si Ambassador Mayla Makahilig.
03:55The most memorable will be the time that I presented my credentials to him as the Philippine Ambassador to the Holy See.
04:02It's my first assignment as an ambassador.
04:05I had my family with me and si Pope Francis was very kind and very generous in his time when we were presented to him.
04:15Mula rito sa Vatican City, ako po si Vicky Morales para sa GMA Integrated News.
04:25Riders sa Olongapo na gulungan ng truck.
04:27Sa General Santos City naman, patay ang isang bata dahil sa bakod na may kuryente.
04:32Yan at iba pa sa spot report ni Tina Panganiban Perez.
04:36Ayaw ko nito yan. Ayaw ayaw ayaw. Live na. Ayaw ayaw. Live na.
04:39Nanawag na ko sa barangay. Nanawag na ko. Kuso kayo na kuryente. Ayaw na.
04:42Pinagkaguluhan ng mga residenteng nito sa General Santos City ang isang batang siyam na taong gulang
04:48dahil nakuryente sa bakod ng isang machine shop na may live wire.
04:53Ang magulang ng bata, hindi mapakali.
04:56Dead on arrival sa hospital ng bata na hinihinalang umakit sa bakod para sana maglaro.
05:02Ayon sa may-ari ng shop, ang live wire ay depensa raw niya sa mga magnanakaw.
05:07Pero ayon sa barangay, bawal ang paglalagay ng kawad sa bakod kaya pinatatanggal nila ito.
05:13Di na naghabla ang pamilya ng bata.
05:16Sasagutin daw ng may-ari ang gasto sa pagpapalibing at nangakong aalisin na ang live wire.
05:23Sa Olongapo City, nauwi sa disgrasya ang pag-iwas ng isang rider sa nag-counterflow ng motorsiklo.
05:30Nawalan siya ng kontrol hanggang sumemplang at nagulungan sa ulo ng dumaang truck.
05:37Nangako naman ang may-ari ng truck na sasagutin ang gastos sa nasawing rider.
05:42Sa Santa Lucia, Ilocosur, nagkarambola ang tatlong truck matapos pumutok ang gulong ng isa sa mga ito.
05:52Nawalan daw ng kontrol ang driver nito. Dalawa ang sugatan.
05:56Sa Burgos, La Union, bumangga sa arko ang isang bus matapos daw mawala ng preno.
06:04Mahigit apatapong pasahero ng bus ang naospital. Sinusubukan pang kuna ng pahayag ang bus driver.
06:11Tina Panghaniban Perez, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
06:18From Candyland and Sesame Street, Moana themed naman ang third birthday photoshoot ng unika iha ni na Dennis Trillo at Jeneline Mercado na si Dylan.
06:31Glammed up din ang parents in their costumes.
06:34This is 30.
06:40Fierce ang pag-welcome ni Michelle D sa kanyang 30s era.
06:44Not the end. Definitely not the pink. Only the beginning.
06:50RM ng BTS at Tableau ng Epic High muling magko-collab sa bagong single.
07:03I'm f***ing proud to be a part of the LGBT group.
07:07Bane ang K-pop group na Just Be. Trending dahil sa pag-come out as gay sa concert sa Los Angeles.
07:14Naging inspirasyon daw niya ang kanyaraw queen na si Lady Gaga.
07:19Aubrey Carampel, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
07:24Huwag magpahuli sa mga balitang dapat niyong malaman.
07:27Magsubscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube.
07:37Show them long.
07:53ο
07:54ug
07:56wh

Recommended