Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • yesterday
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:50 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.

#GMAIntegratedNews #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:

GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Bago sa saksi, muling pumutok ang vulkan Bulusan ngayong gabi.
00:18Ayon po sa Feevox, nagsimula ang phreatic eruption banang alas 7.43 ng gabi.
00:23Nagdulot po ito ng ashfall sa bahagi ng Erosin Sursogon.
00:26At sa panayam ng Superadyo DCBB, sinabi ni Feevox Director Teresito Bacolcol,
00:32nasa alert level 1 pa rin ang vulkan pero titignan kung may pagbabago sa magiging sitwasyon nito.
00:38Bawal pa rin pumasok sa 4-kilometer permanent danger zone.
00:43At dapat magsuot ng face mask bilang pag-iingat sa ibinugang abo ng vulkan.
00:49Nakamonitor na rin daw ang DSWD at may nakapwesa ng mga food pack para sa ilang apektadong residente.
00:55Kahapon po na umaga, nagkaroon din ang phreatic eruption sa vulkan Bulusan.
01:02Mga kapuso, isa pang bago sa saksi.
01:04Nasa 100 milyon pisong halaga ng hinihinalang marihuana ang nasa bat sa Manila International Container Port.
01:10Nakasilid ang 72 kilo ng droga sa limang balikbayad boxes mula Thailand.
01:15Piragsalib na operasyon nito ng PIDEA MICP at Bureau of Customs.
01:20Iimbisigahan ang shipper at ang receiver at sasampahan ng reklamo oras na mapatunayang sangkot sila rito.
01:27Halos dalawang linggo bagong eleksyon 2025, isang partyless nominee ang itinumba sa Sampaloc, Manila.
01:34Sugata naman ng isang polis na nakipagbarilan umano sa gunman.
01:37Saksi, si Jomer Apresto.
01:39Kuhay ito kahapon ng hapon sa isang paradahan sa bahagi ng Pigayvara Street sa Sampaloc, Manila.
01:49Nakatayo lang ang mga lalaking yan nang biglang dumating ang gunman at makailang beses binaril ang isa sa mga lalaki.
01:56Humandusay sa kalsada ang biktima habang tumakbo palayo ang salaring na kahelmet.
02:01Ang biktima, kinilalang si Lenensky Bakud, dating barangay chairman sa lugar at tumatakbong third nominee ng angbombero ng Pilipinas o ABP partyless.
02:11Maraming nga tama yung ating biktima.
02:14Sa isa pangangulo ng CCTV, isang lalaking nakaputing damit ang makikitang nakipagpalitan ng putok ng baril sa gunman.
02:21Pero nabaril din siya sa kanang paa.
02:23Ayon sa polis siya, off-duty na polis ang lalaki na bumibisita lang noon sa isang kaibigan.
02:29Nagkataon lang na na-witness niya yung pangyayari kaya bilang isang polis nag-react siya at nakipag-engage siya dito sa ating mga suspect.
02:37Nagpapagaling pa ang polis pero si Bakud, hindi na umabot ng buhay sa ospital.
02:42Bumuuna ang Manila Police District ng Special Investigation Task Group na tututok sa kaso.
02:47Lahat yung gagawin natin, sabihin nga natin, walang batong hindi itatawag sa pag-ibistiga.
02:51Sa ngayon, hindi pa masabi ng MPD kung may kinalaman sa politika ang pamamaril.
02:55Nagkasa na rin sila ng drug death operation at inalerto ang lahat ng ospital para malaman kung may pasyenteng nagpagamot matapos tamaan ang bala.
03:04Sinubukan din namin makipag-ugnayan sa barangay at sa kanak ng biktima pero tumanggi muna silang magbigay ng pahayag.
03:10Para sa GMA Integrated News, ako si Jomer Apresto, ang inyong saksi.
03:15Inerekomendang sumailalim sa embisigasyon ang anak ng piratay na negosyanteng si Anson Tan o kilala rin bilang Anson Ke.
03:24Sa sinumpaang salaisay na isa sa mga sumukong suspect, ang anak umano ang nagutos na dukutin at patayin ang negosyante at ang kanyang driver.
03:33Saksi, si Salima Refra.
03:34Sa isinomiting referral ng PNP Anti-Kidnapping Group sa Department of Justice noong April 19, may anim na pangalan silang inerekomenda para sa preliminary investigation.
03:48Kaugnay sa pagkidnap at pagpatay sa businessman na si Anson Tan na kilala rin sa pangalang Anson Ke at sa kanyang driver.
03:56Kabilang sa kanila ang isang Rongshan Gao o Alvin Ke na 42 taong gulang na ayon sa isang source sa PNP ay kaisa-isang anak na lalaki ni Tan.
04:08Habang nasa kamay ng kidnapper si Anson Tan, ang anak na si Alvin ang nagsilbing negosyator ng pamilya.
04:15Ayon pa sa police report, si Alvin ang nagbayad ng ransom sa mga kidnapper.
04:20Sampung milyong piso ang unang inilagak sa isang cryptocurrency account noong March 31,
04:25dalawang araw matapos makidnap si Tan.
04:28At dagdag na 3 milyong piso noong April 2 sa parehong account.
04:32Pero kahit bayad na, natagpo ang paring patay si Tan at kanyang driver noong April 9 sa Rodriguez Rizal.
04:39Kasama sa isinumite ng PNP sa Department of Justice,
04:42ang affidavit ng suspect na si David Tan Liao, 48 taong gulang na tumungfugian, China.
04:49Si Liao ay sumuko sa polisya matapos may maarestong dalawang suspect sa Palawan
04:54noong mahal na araw.
04:55Sa affidavit ni Liao, sinabi niyang kilala niya ang mag-amang Anson at Alvin.
05:00January ng taong ito, Anya, nang tawagan siya ni Alvin at sabihin may bibigay sa kanyang trabaho.
05:06February naman ang mag-offer sa kanya si Alvin ng P100 million pesos para dukuti ng amang si Anson.
05:14Ayon kay Liao, kasama niya sa pagpaplano ang mga suspect na inaresto sa Palawan
05:18na si Richard Austria alias Richard Dan Garcia at Raymart Catequista.
05:24May babae rin siyang nabanggit na kasama Anya sa pagdukot at paghingi ng ransom.
05:29Si Alvin Anya ang nagbigay ng ghost signal na patayin si Tan at ang driver.
05:34Ayaw magbigay ng pahayag ng pamilya tan sa ngayon.
05:38Sa preliminary investigation kahapon, sinabi ng abogado nila na gusto na lang maimbestigahang mabuti ang kaso.
05:44Meron sila kasing ini-implicate na ibang tao na request namin i-pursue.
05:54Kung hindi man totoo, i-clear yung pangalan.
05:57Kung totoo man, dapat malaman yung totoo.
06:02Patuloy na kinukuha ng GMA Integrated News ang panig ni Alvin K.
06:06Ayon naman sa Department of Justice,
06:07Kailangan pa nila ng kaunting panahon para matukoy ang mastermind at ang motibo ng krimir.
06:14Give us around 20-25 days. It will be done.
06:18It might pull off a surprise. Baka kagulat-gulat ang lumabas.
06:23Para sa GMA Integrated News, sa Nima Refrain, ang inyong saksi.
06:29Tinatabunan pa rin ang lupa ang ilang bahagi ng nasunog na landfill sa Rodriguez Rizal.
06:34Yan po ay para hindi na muling sumiklab ang sunog.
06:37Saksi, si Ian Crew.
06:43Walang tigil ang pagtabo ng lupa ng mga dump truck sa Provincial Sanitary Landfill sa Rodriguez Rizal.
06:50Hanggang ngayon kasi, may umuusok pa roon.
06:52Magit 24 oras ang lumipas bago idinikla ng fire out ang nagalap na sunog sa Sanitary Landfill dito sa Rodriguez Rizal.
07:00Pero ngayon po, pasado alas 4 na ng hapon.
07:03Pero makikita natin, patuloy pa rin ang usok na nagbumula sa nasabing landfill.
07:08Ayon sa lokal ng pamalaan ng Rodriguez, nakipag-usap na sila sa pribadong kumpanya na may hawak ng landfill.
07:15Natukoy na rin daw na sa itaas na bahagi ng landfill, nagsimula ang apoy.
07:19Ito po'y outside grass fire na naka-apekto dun sa ating mga basura o dun sa ating landfill.
07:24And because of it, dahil nga sa init na rin ang panahon, kaya na-apektuhan yung lugar, nag-escalate itong apoy na ito.
07:32Dahil sa malinsangang panahon at sa inilalabas ng methane gas ng mga nakatambak na basura, lumawak daw ang apoy at umabot sa lower portion ng landfill.
07:41Meron pa rin tayong risk na magkaroon ng rekindling ng flames.
07:45Kaya yun ang iniiwasan natin.
07:47Kaya mayat-mayat din ay nagkatabon tayo ng lupa doon sa mga umuusok pa ng mga area at nagbubuga pa rin tayo ng tubig.
07:53Sa ngayon ay sa BFP Rodriguez, 90% na ng umuusok na bahagi ng landfill ang natabunan ng lupa.
08:01Tuloy-tuloy naman ang pagpasok ng garbage truck doon, kaya baliktrabaho na ang ilang nangangalakal ng basura.
08:08Sana nga po hindi na maulit po, matanggal na po yung usok na may amoy mabaho.
08:14Nagsibalika na rin sa kanika nilang bahay ang karamihan sa mga inilikas sa pamilya kahapon.
08:20Nasa 6 na pamilya o 25 individual na lang ang nananatili pa rin sa evacuation center.
08:27Sabi ng LGU na tugunan na nila ang pangailangan na maapektadong pamilya.
08:33Para sa GMA Integrated News, ako si Ian Cruz, ang inyong saksi.
08:37Bistado ang pangingikil umano ng tatlong polis Kaloocan sa mga dalaw ng mga preso sa isang polis station.
08:45Ang siya ilang nagreklamo, umaabot ng 1,500 piso ang siyil sa kanila para madalaw ang kanilang mga kaanak.
08:52Ating saksihan!
08:53Mismong polis station ng Kaloocan ang sinalakay ng Special Action Force at Integrity Monitory Enforcement Group o IMEG.
09:05Ineresto nila ang tatlo nilang kabaro, isang polis major at dalawa pang polis.
09:10Reklamo kasi ng mga kaanak na mga nakakulong sa naturang presinto.
09:14Pinagbabayad umano sila ng mga polis para lang makadalaw.
09:18Every time daw po na sila ay may bisita sa kanilang mga relatives na nasa preso po, na nasa kustudya ng Kaloocan polis station, ay hinihingan daw po sila ng fee per prisoner po.
09:30200 pesos daw ang singil, base sa nakuwang impormasyon ng IMEG.
09:35Dagdag 100 pesos naman daw kung may dalang pagkain ang dalaw.
09:38Kung gagamit ng kubo malapit sa polis station, 550 pesos naman ang singil.
09:44May dagdag singil din daw kapag sumobra sila sa oras ng dalaw.
09:47All in all, usually, sabi ng ating complainant ay nakakapagbigay sila ng 1-5 fair visit.
09:53Na ginagawa talaga nila ito sa lahat ng preso?
09:55Yes po, sa lahat po ng preso.
09:56Parang kapag bibisita ka doon, automatic na po, ay yun ang hinihingi sa iyo.
10:01Sakot din daw sa naturang gawain ang dalawang inmate sa polis station.
10:05Sa kanila raw pinapadaan ang mga bayad.
10:08Nakakulong na ngayon sa IMEG ang mga nasabing polis na sinampahan na ng mga karampatang reklamo
10:13kabilang narito ang robbery extortion at prohibited transaction.
10:17Sinusubukan pa namin makuha ang panig na mga umuloy sangkot sa pangingikil.
10:22Nagpanggap naman daw na polis ang tatlong nalaking naaresto sa Binondo Manila.
10:26Ayon sa polis siya, pinacheck sa mga tauwan ng Binondo Police
10:30ang sumbong sa kanila na may kahina-hinala sa sakindaw na paikot-ikot sa lugar.
10:35Mga nakasuot pang polis din ang natatnan nila pero nagdudaraw ang mga polis
10:40dahil iba-iba na ang sinasabi nila ng halughugin.
10:44Nakumpis ka sa kanila ang iba't ibang baril, isang granada at mga bala.
10:49Batay sa IMEG sa kasod, nagbihis polis ang mga ito para di masita sa kanilang tunay na pakay.
10:54Bibirahin sila na jewelry shop at saka yung may-ari sa parang kukuni nila.
11:01Actually, kumpleto na yung casing nila at nakuna na nila ng mga picture
11:06at lahat-hat may mga drawing-drawing pa nila kung paano nila sasagawa yung ano.
11:11Yung posibleng gawin sana nila yung Binondo.
11:14Isa sa mga naaresto na na-dismiss noong 2022.
11:18Nasa likod rin umano ng Iwantibang Krimen ang grupo.
11:21Isang dismissed na polis dyan is meron ng warrant for murder case.
11:26For murder case nangyari sa Bulacan.
11:29They are involved doon sa murder cases, doon sa kidnapping, doon for high robbery, okay?
11:37Sa illegal drugs.
11:39Sinisubukan namin punan ng pahayag ang mga suspect pero...
11:43No comment, sir.
11:44Maaarap sila sa patong-patong na reklamo.
11:47Para sa GMA Integrated News, ako, si John Consulta, ang inyong saksi.
11:53Ngayon patapos ng Abril hanggang unang linggo ng Mayo, inaasahan ang pinakamataas na heat index o damang init ayon po sa pag-asa.
12:01At sa gitna nito, ilang lugar naman sa bansa ang inulan ng yelo.
12:05Ating saksi ha!
12:10Yelo ang ulan guys! Ayan!
12:13Ulan! Nalaki!
12:14Nagulat ang ilang taganaig kabite nang biglang sa gitna ng init, umula ng yelo kahapon.
12:21Tumagal ito ng sampung minuto saka umihip ang malalakas na hangin.
12:26Oh my God!
12:27What the hell?
12:28Wala!
12:29Gaulan sa'yo ay!
12:31Nagka-hailstorm din kanina sa Esperanza Sultan Kudarat na tumagal ng lampas limang minuto.
12:36Ayon sa pag-asa, namumuo ang hail o yelo tuwing may makakapal na ulap na nagdudulot ng severe thunderstorms.
12:44In distance po ng cloud doon sa ground ay short lamang po o maiksi.
12:50Kaya po para sa halip po na matunaw o mag-evapore o lumeet yung crystal po o yung ulan, ay bumagsak po ito into hail.
13:00Thunderstorms din na nagpaulan sa Maynila pasado alas 3 ng hapon kanina.
13:05Halos mag-zero visibility sa Timasalang Street.
13:09Kumulan din sa bahagi ng Mindanao Avenue sa Quezon City.
13:13Ayon sa pag-asa, may chance na pa rin ang thunderstorms sa Metro Manila bukas.
13:18Pusibla rin magpaulan sa iba pang bahagi ng bansa, ang umiiral pa rin Easter Lease at Intertropical Convergence Zone.
13:25Sa rainfall forecast ng Metro Weather, may mga pag-ulan sa ilang bahagi ng Luzon pero mas maraming uulanin sa Visayas at halos buong Mindanao.
13:36Pusibli pa rin ang malalakas na ulan na maaaring magpabaha o magdulot ng landslide.
13:41Ang binabantay ang low pressure area naman, panandali ang lumabas ang Philippine Area of Responsibility.
13:48Pero pumasok na ulit. Kasabay ng mga pag-ulan, posibling umabot sa danger level ang init sa ilang lugar.
13:54Pinakamataas ang 46 hanggang 47 degrees Celsius.
14:00Pusibling hanggang 42 degrees Celsius ang heat index sa Metro Manila.
14:04Peak po na ating heat index ngayong end of April hanggang first week po ng May yan po ay basis sa ating mga datos.
14:11Para sa GMA Integrated News, ako, si Mark Salazar, ang inyong saksi.
14:18Inirekomenda ng Senate Foreign Relations Committee ni Sen. Aimee Marcos na imbisigahan ng ombudsman ang ilang opisyal na sangkot sa pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
14:30Saksi, si Ma'am Gonzales.
14:32Ang pahayag ni Sen. Aimee Marcos laban mismo sa administrasyon ng kanyang kapatid.
14:40Ang pag-aresto at pagsuko kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa ICC ay klarong may motibong politikal.
14:50Maliwanag ang pag-aresto kay dating Pangulo ay bahagi ng malawakang pagsisikap ng gobyerno na pabagsakin ang mga Duterte bago mag-2028 election pa.
15:02Sabi ng Senadora, yan ang lumabas sa imbestigasyon ng kanyang Senate Committee on Foreign Relations tukol sa pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
15:11Ayon pa kay Marcos, bahagi rin ng plano ang naonang pagsulong sa People's Initiative para baguhin ang konstitusyon.
15:18Ang imbestigasyon ng Quadcom ng Kamara sa Duterte Drug War.
15:21Ang imbestigasyon sa Confidential Funds ni Vice President Sara Duterte.
15:25At ang pagpapapasok sa mga kinatawa ng International Criminal Court.
15:29Ayon sa isang mapagkakatiwalaang source, naglunsad na ngayon ang administrasyon ng isang communication plan
15:37upang ilihis ang atensyon ng publiko patungo sa mga issue ng West Philippine Sea
15:44at diumanong disinformation ng mga tinatawag na China trolls ng kanilang embassy.
15:51Rekomendasyon ng Senadora, imbestigahan ng Ombudsman ang mga sangkot sa tinawag ng Senadora
15:57na invalid administrative arrest sa dating Pangulo.
16:00Kabilang sina Justice Secretary Boying Remulia,
16:03ang kapatid nitong si Interior Secretary John Vic Remulia,
16:07PNP Chief Romel Marbil,
16:09at PNP CIDG Chief Major General Nicolás Torre III.
16:12False testimony at perjury naman ang gustong isampa laban kay Ambassador Marcos Lacanilaw.
16:18Ayon kay Senadora Marcos,
16:19sa umanay Oplan Horus ng Partidong Lakas CMD nakaalyado ng administrasyon,
16:24pagtutulungan aniya ng iba't ibang ahensya ang pagsira sa pamilya Duterte.
16:29Nakuha ang kinakailangan boto para sa impeachment ni BP
16:33sa pamamagitan ng paggamit ng tinatawag na soft projects
16:38katulad ng AICS, ACAP at TUPAD.
16:41Tinukol na kailangan pabilisin ang impeachment ni BP Sara
16:45at makakuha ang boto sa Senado sa pamamagitan na naman
16:49ng pamimigay ng proyektong 4 Later Release
16:54or yung mahiwagang FLR
16:56bilang gantimpala sa tamang bumotong mga Senador.
17:01Kinukuha ng panami ng tugon ang Lacas CMD.
17:03Nang tanungin naman kung nagkausap na sila ng kapatid na si Pangulong Bongbong Marcos,
17:08masamang-masama ang loob ko,
17:10ngunit ang aking lamang,
17:13kailanman hindi kami nag-away ng aking kapatid,
17:16yung mga amuyong sa palasyo,
17:18yung mga larian,
17:20yung mga lulong,
17:22ayun, sila po ang ating kaaway.
17:25Para sa GMA Integrated News,
17:27ako si Mav Gonzalez, ang inyong saksi.
17:30Hindi naman po sang-ayon si Pangulong Bongbong Marcos
17:33sa mapahayag ng kapatid na si Sen. Aimee Marcos.
17:36Kaugnay ng imbisigasyon ng komite nito
17:38sa pag-aresto kay dating Pangulong Duterte.
17:41Nagbigay na rin po ng reaksyon ng ilang opisyal
17:44na pinaiimbisigahan sa ombudsman.
17:47Saksi, si Tina Panganiban Perez.
17:49Sa graduation ceremony ng PNP Academy sa Cavite,
17:56nakausap ng media si Pangulong Bongbong Marcos,
17:59katatapos lang noon ang mga pahayag ng kanyang kapatid
18:02na si Sen. Aimee Marcos,
18:05na politika ang motibo sa pag-aresto
18:07kay dating Pangulong Rodrigo Duterte
18:09basa sa pag-iimbestigaan niya
18:11ng kanyang komite sa Senado.
18:14Ang maikling sagot ng Pangulo,
18:16may kanya-kanyang opinyon
18:17at hindi siya sang-ayon sa opinyon ng kapatid.
18:20Everyone's entitled to their opinion.
18:23I disagree.
18:25Nasa PNPA graduation deal
18:27si Interior and Local Government
18:29Secretary John Vic Remulia,
18:31nakabilang sa inire-rekomenda ni Sen. Marcos
18:34na imbestigahan ang ombudsman.
18:36We will have our chance to prove ourselves,
18:39pero important is that Sen. Aimee believes in due process
18:42unlike the people that she follows.
18:45And you're ready to be, sir?
18:46Of course, anytime. I have nothing to hide.
18:49Si PNP Chief Romel Marbil,
18:51nakabilang din sa nais pa imbestigahan,
18:54tumangging magkomento.
18:58Bukas naman siya si Secretary Jesus Crispin Remulia
19:02sa rekomendasyong imbestigahan sila
19:04ng ombudsman,
19:05kaugnay ng pag-aresto
19:06kay dating Pangulong Duterte.
19:09Sabi ng kalihim,
19:10hindi siya natatakot sa rekomendasyon
19:12ng kumite ni Sen. Aimee Marcos.
19:14So welcome, development.
19:17Hindi naman tayo natatakot dyan.
19:18Ginawa namin yung dapat gawin.
19:20At it's for the best,
19:21it's the best,
19:22to our best judgment.
19:24What's good for the country
19:25is what we did.
19:26Sinisika pa namin kunan ng pahayag
19:28si Ambassador Marcos Lakanila.
19:31Para sa GMA Integrated News,
19:33tina panganiban Perez
19:35ang inyong saksi.
19:38Kinupi man ang Vatican
19:39na dalawang kardinal na
19:40ang nagsabi na hindi sila dadalaw sa conclave
19:43para sa pagpili ng susunod na Santo Papa
19:45dahil sa kanilang kalusugan.
19:47Magiging kaagapay naman
19:49si Luis Antonio Cardinal Tagle
19:51sa paghahanda sa conclave.
19:52Saksi si Maki Pulido.
19:58Sa Apostolic Nunchature
20:00na Embahada ng Holy See sa Pilipinas,
20:02tumira si Pope Francis
20:03sa loob ng limang araw
20:04na pagbisita niya sa bansa
20:06noong 2015.
20:08Doon binigyan ang pagkakataon
20:09ng mga gustong makiramay
20:10sa pagpanaw ni Pope Francis
20:12na magsulat sa Books of Condolence
20:14na ipadadala sa Vatican.
20:16He was your Lolo Kiko
20:17and it's normal to feel sadness
20:20when your Lolo passes from this world
20:23to the life of the world to come.
20:24And we believe as Christians
20:25that in Jesus and through Jesus
20:27we will pass through death into life.
20:31Isa si Bishop Edgardo Juanich
20:32sa mga nag-iwan ng mensahe
20:34sa Books of Condolence.
20:36Naging inspirasyon daw
20:37ng mga manging isda
20:38at magsasaka ang mensahe
20:39ng Santo Papa
20:40tungkol sa pangangalaga sa kalikasan.
20:422,000 hectares of timberland
20:45Old Growth Forest
20:47ng North Palawan
20:48na sila ang magbabantay
20:51including the mangroves
20:52150 hectares ng mangrove.
20:55So ngayon ay tinutuli-tuli
20:57ng inaalagaan.
20:59At si Pope Francis
21:00ang kanilang talagang
21:03nagbigay ng inspirasyon.
21:04Pope Francis had a great love
21:06for the Philippines.
21:07He had that famous line
21:09that he spoke
21:11about Filipino Catholics
21:13in I believe 2021
21:14he talked about
21:16the Filipinos
21:17as the
21:17contrabandieri della fede
21:20and that's in Italian
21:21but in English
21:21it means
21:22the smugglers of the faith.
21:24People who are kind of
21:25bringing the contraband
21:27of the faith
21:27Catholic faith
21:28all over the world.
21:30Everywhere you go
21:31you see Filipinos
21:32in church.
21:34That is a great testament
21:35to the faith
21:36of the Filipino people.
21:38Mahaba pa rin ang pila
21:40ng mga nais masilayan
21:41ng kuntod ni Pope Francis
21:42sa Basilica Santa Maria
21:44Mayores sa Roma.
21:45Binago na nga
21:46ang sistema
21:46ng pagpapapasok
21:47at pagtila sa Basilica.
21:49Kung noon
21:50nasa gilid ang pila,
21:51ngayon nagmumula na ito
21:52sa plaza
21:53sa likod ng Basilica.
21:55Sa Vatican City
21:56at maging Roma,
21:57mabili pa rin
21:57ang mga Pope Francis
21:58memorabilia
21:59gaya ng autobiography
22:01ng Santo Papa
22:01na inilathala
22:02nitong Enero lang.
22:04Ayon sa Holy See Press Office,
22:06halos 35 milyon
22:07ang dumalo
22:08sa PayPal events
22:09mula 2013
22:10hanggang 2025.
22:12Naglabas din
22:13ang Vatican Post Office
22:14ng Special Edition Stamp
22:15para sa Sede Bakante
22:17o ang panahong
22:18walang nakaupong
22:19Santo Papa.
22:20Sa gitnayan
22:21na paghahanda
22:22ng simbahan
22:22para sa PayPal Conclave
22:24na itinakda sa May 7
22:25at idarao
22:26sa Sistine Chapel.
22:27Ayon sa Catholic Bishops
22:29Conference of the Philippines,
22:30isa si Luis Antonio Cardinal Tagle
22:32sa tatlong kardinal
22:34na tutulong
22:34kay Camerlengo
22:35Kevin Cardinal Farrell
22:37sa paghahanda sa conclave.
22:39Tingin ng ilang kardinal
22:40oras na magsimula
22:41posibleng tumagal
22:42ang conclave
22:43ng dalawa
22:43o tatlong araw.
22:45Sa 135 kardinal
22:47na edad 70 siyang pababa
22:49at pwedeng maging
22:50cardinal elector
22:51nagsabing
22:52di makakalahok sa conclave
22:53dahil sa kanyang kalusugan.
22:55Si Archbishop Emeritus
22:56Antonio Canizares
22:58Liovera
22:59ng Valencia, Spain.
23:01Nagsabi na rin
23:01di lalahok
23:02ang 76 na taong gulang
23:03ng Italian cardinal
23:05na si Angelo Bicciu
23:07ang pinakamataas
23:08na church official
23:09na nilitis
23:10sa criminal court
23:11sa Vatican.
23:12Sinintensyan siya
23:12ng limat kalahating
23:13taong pagkakakulong
23:14noong 2023
23:15dahil sa embezzlement
23:17at fraud.
23:18Dati nang itinanggi
23:19ni Betchu
23:19ang aligasyon
23:20at inaapila ngayon
23:21ang kanyang kaso.
23:22Sa isang pahayag
23:23sinabi ni Betchu
23:24na susunod siya
23:25sa kagustuhan
23:25ni Pope Francis
23:26at hindi lalangok
23:27sa conclave
23:28pero nanindigan siyang
23:29inosente siya
23:30sa mga aligasyon.
23:32Para sa GMA Integrated News,
23:33ako si Mackie Pulido
23:34ang inyong
23:35Saksi.
23:38Aransado is
23:39ang Chinese National
23:40na nagiikot umano
23:41sa tanggapan
23:41ng COMELEC
23:42at may dalang kagamitan
23:43na pwedeng gamitin
23:44sa pang-e-espia.
23:46Saksi,
23:47si John Consulta.
23:48Ito ang surveillance video
23:54ng NBI-NCR
23:55sa dalawang Chinese
23:56habang nag-aayos
23:57ng sasakyan
23:58sa Makating
23:59itong weekend
23:59na pinaniwala
24:00ang may gamit
24:01na pang-espia.
24:03Limang araw
24:03nang minamatsaga
24:04ng galaw
24:04ng mga dayuhan.
24:05Ito nga mga kapuso
24:07na tuloy yung ating
24:08stakeout
24:08dito sa
24:09prague ng Maynila.
24:12Pero ang kapansin-pansin
24:13ay nandito
24:15sa ating kanan
24:15itong mismong
24:17palaso
24:18del gobernador
24:19na tanggapan
24:20ng COMELEC
24:21at yung ating
24:22target
24:23na sasakyan
24:25ay nandito
24:26lamang
24:26sa
24:28pang-wit
24:29ng mga
24:29kag-isada.
24:31So,
24:33ito nga natin
24:34kung ano nga ba
24:35yung pakay
24:35na itong sasakyan
24:36na ito?
24:37Ano ba yung
24:37laman?
24:40At bakit
24:40siya nandito
24:41sa lugo na ito?
24:43Nang kumalaw na
24:44ang sasakyan,
24:45hinarang na ito
24:46ng NBI.
24:48Open the door!
24:50NBI!
24:51Down!
24:52Down!
24:53Down!
24:53Down!
24:53Down!
24:58Down!
24:59Down!
24:59Down!
24:59Down!
24:59Down!
25:01Pusas!
25:01Pusas!
25:02Down!
25:02Down!
25:05Down!
25:06Arestado ang isang Chinese
25:08na may tourist visa.
25:09Tumambad sa likuran
25:10ng sasakyang nirentahan
25:11ng Chinese
25:12ang uma-underfang equipment
25:14na kung tawagin
25:15ay MC Catcher.
25:17May kakayaan itong humigop
25:18ng mga sensitibong data
25:20at impormasyon
25:21tulad ng text messages,
25:23cellphone numbers,
25:24calls,
25:24at iba pang data
25:25mula sa mga cellphone
25:27na malapit dito.
25:28May ikot sa mga
25:29government facilities natin.
25:31O eh, napaka ano,
25:32kumilik ang iniikutan na nila
25:34ngayon.
25:35Remember na
25:36fast approaching
25:37ang ating eleksyon,
25:38ano?
25:39Hindi natin alam
25:39kung anong pakay nila.
25:41Na-recover din sa sasakyan
25:42ang tatlong SIM cards,
25:44cellphones,
25:45at iba pang mga gadgets
25:46nang tanungin ang Chinese
25:48sa kanyang aktividad.
25:49What's this, sir?
25:50What's this?
25:51What's this?
25:51What's this?
25:52Hindi nila.
25:53You're okay.
25:54Patuloy na hinahanap
25:55ang ikilawang Chinese
25:56na sangkot sa umunoy
25:57spying activities
25:58ng naarestong dayuhan.
26:00Ayon naman
26:01kay Kamalic Chairman
26:02George Garcia,
26:03walang dapat ipangamba.
26:05Wala raw election data
26:06sa Kamalic headquarters.
26:07Nagsagawa rin daw sila
26:08ng test
26:09at wala raw na kompromiso
26:10sa kanilang system.
26:12Para sa GMA Integrated News,
26:14ako,
26:15si John Consulta,
26:16ang inyo.
26:16Saksi!
26:25Pinasisiyasad sa
26:26Comalic Committee on Contrabigay
26:28ang video ng mga campaign poster
26:30ni Makati Representative
26:32Luis Campos
26:33sa isang barangay hall
26:34sa Lungsod.
26:35Inireklamo po yan
26:36ng kanyang hipag
26:37at mga kalaban
26:38sa pagkamirin ng Makati
26:39na si Senadora Nancy Binay.
26:42Saksi!
26:43Si Sandra Aguinaldo!
26:47Sa Facebook video
26:49na pinost ni Senadora Nancy Binay
26:51at nakarating na sa Comalic,
26:53inireklamo niya
26:54ang mga poster na ito
26:55sa barangay hall
26:56ng barangay pinagkaisahan.
26:58Ang mga poster
26:59kay Makati Representative
27:00Luis Campos
27:01na asawa
27:02ng kanyang kapatid
27:03na si Mayor Abby Binay
27:04at makakalaban
27:06ni Senadora Binay
27:07sa pagkamayor ng Lungsod.
27:08Sagot ni Campos
27:22sa isang Facebook post,
27:24hindi naman nakakabit
27:25sa anumang bahagi
27:25ng barangay hall
27:26ang mga poster.
27:28Nakatupi
27:28at nakasadansan daw ito
27:30ng maayos
27:30sa ibabaw ng mesa
27:31para pwedeng kumuha
27:33ang mga residente
27:34upang ikabit
27:35sa kanilang bahay.
27:36Kayaan niya kailangan pa
27:37itong bulat-latin ni Binay.
27:40Sa video ni Binay,
27:41may babala rin ito
27:42sa mga taga-barangay hall.
27:44Pasensyahan na tayo
27:45kung kailangan may kasuhan kami
27:47dahil sa mali.
27:48Sorry na lang.
27:49Tatwira naman ni Campos,
27:51hindi pinagbabawalan
27:52ng Civil Service Commission
27:53ang barangay officials
27:55sa pakikibahagi
27:56sa partisan political activities
27:58at may laya raw
27:59ang barangay officials
28:00na supportahan
28:01ang napupusuan nilang kandidato.
28:03Sabi naman ni Comalic Chairman
28:05George Erwin Garcia
28:06ni-refer na nila
28:07ang issue
28:08sa Comalic Committee
28:09on Kontrabigay.
28:11Sa ngayon,
28:12nasa 213 na
28:14ang hawak na kaso
28:15ng komite.
28:16Number one among the complaints
28:17is still the misuse
28:19of the ayuda,
28:20use of posters
28:21in state-owned facilities,
28:23vehicles,
28:24and other properties
28:26and equipments.
28:27Samantala,
28:28nag-hain na ng petition
28:29for disqualification
28:30ang Comalic Task Force Safe
28:32laban kay Misamis Oriental
28:34Re-electionist Governor
28:36Peter Unabia
28:37dahil sa pahayag na dapat
28:38magaganda
28:39ang nabibigyan
28:40ng nursing scholarship.
28:42Pinagbasehan din
28:43ang pahayag ni Unabia
28:45na naguugnay umano
28:46sa mga muslim
28:47sa karasan
28:48at terorismo.
28:49Hiniling ng task force
28:51na isuspend
28:51ang proklamasyon nito
28:52kung manalo sa eleksyon.
28:54Sa isang pahayag,
28:55kinumpirma ni Unabia
28:56ang petisyon
28:57pero sinabing
28:58mananatili siyang
28:59gubernatorial candidate.
29:01Nag-hain na rin
29:02ng tugon
29:02si Manila mayoral candidate
29:04Iscomoreno Dumagos
29:05sa Comalic
29:06kaugnay sa show cause order
29:08dahil sa umunay
29:09pamimili niya ng buto.
29:10Paliwanag ni Dumagos
29:12sa pamamagitan
29:12ng kanyang abogado.
29:14Hindi totoong
29:14namigay siya
29:15ng 3,000 piso
29:16sa mga guro.
29:18Nagsalita lang daw siya
29:19sa event
29:19na dinaluhan niya
29:20noong March 26
29:22na hindi papasok
29:23sa simula ng
29:24campaign period
29:24para sa local candidates
29:26na March 28.
29:28Para sa GMA Integrated News,
29:31ako si Sandra Aguinaldo,
29:32ang inyong saksi.
29:38Nasa mayorya pa rin
29:40ang nagtitiwala
29:40at nasisiyahan
29:41sa performance
29:42si Pangulong Bongbong Marcos
29:43sa pinakahuling tugon
29:44ng masa-survey
29:45ng grupong Octa Research
29:46ngayong Abril.
29:47Pero mas mababa ito
29:48kumpara nung nakarang survey.
29:51Bawa ba sa 60%
29:52ang trust rating
29:53ni Pangulong Bongbong Marcos
29:54itong Abril
29:54mula sa 65%
29:56noong Nobyembre?
29:57Bawa ba rin sa 59%
29:59ang mga nasisiyahan
30:00sa pagganap
30:00sa tungkulin ni Marcos
30:01mula sa 64%?
30:03Baga man buawa ba,
30:04sinabi ng Pangulo
30:05na inspirasyon sa kanya
30:06ang survey results.
30:07Well, it just validates
30:10that what we are doing
30:12that people are beginning
30:13to understand
30:14what we have been trying
30:17to do for the last
30:18two and a half
30:19almost three years.
30:20So, it continues
30:22to inspire me
30:23because it shows
30:26that we are making progress.
30:29That's always good to know.
30:32Sa limang pinakamataas
30:33official ng bansa,
30:35tayong si Vice President
30:36Sara Duterte lamang
30:37at tumakas ang trust
30:38and performance ratings
30:39itong Abril.
30:40Tumakas sa 58%
30:41ang nagsabing
30:42nagtitiwala sila
30:43sa Vice
30:43mula sa 49%
30:45itong Nobyembre.
30:46Pagdating sa performance rating,
30:48tumakas sa 56%
30:49si Duterte
30:50mula sa 48%.
30:51Kapwa buwaba naman
30:53ang trust rating
30:54si na Senate President
30:55Francis Escudero
30:55sa 55%
30:57at House Speaker
30:58Martin Romualdez
30:59sa 54%.
31:00Nasa 5%
31:01ang trust rating
31:02ni Chief Justice
31:03Alexander Gizmundo.
31:05Ang mga nagsabing
31:05nasisiyan sila
31:06sa pagganap
31:06sa tungkulin ni Escudero
31:08buwaba sa 53%
31:09habang buwaba rin
31:10sa 55%
31:12at 5%
31:13ang performance ratings
31:14ni Romualdez
31:15at Gizmundo.
31:16Wala nagpakomisyon
31:17sa survey
31:17na ginawa nitong
31:18April 2 hanggang 5
31:19sa 1,200 Filipino adults
31:22sa respondents.
31:23May margin of error ito
31:24na plus or minus 3%.
31:27Para sa GMA Integrated News
31:29ako si Ivan
31:29may rinangin yong
31:30Saksi.
31:32Labing tatlong araw
31:33bago ang eleksyon 2025.
31:36Pagsusulong
31:36ng karapatan
31:37ng iba't ibang sektor
31:38ang tinutukan ng kampanya
31:39ng mga kandidato
31:40sa pagkansenador.
31:42Saksi,
31:43si Rafi Tima.
31:45Halaga ng pananampalataya
31:50sa pamumuno
31:50ang idiniinima
31:51ni Pacquiao sa Davao.
31:54Pagpapalakas
31:54sa sektor ng agrikultura
31:55ang itinulak
31:56ni Kiko Pangilinan.
31:59Pagbibigay ng oportunidad
32:00at trabaho
32:01ang inihayag
32:01ni Ariel Quirubin.
32:04Si Danilo Ramos
32:05isinusulong
32:06ang pagpapalakas
32:07ng lokal na produksyon
32:08ng pagkain.
32:09Si Jerome Adonis
32:11karapatan
32:11ng mga manggagawa
32:12ang advokasya.
32:13Si Arinandamo
32:16o mento
32:16sa sahod
32:17ng health workers
32:18ang itinutulak.
32:20Si Ronel Arambolo
32:21binigyang diin
32:22ang karapatan
32:23sa edukasyon.
32:25Karapatan
32:26ng mga kababaihan
32:27ang isinulong
32:28ni Kang Guzuman
32:28Arden Brosas.
32:31Pagtutol
32:31sa political dynasty
32:32ang inihayag
32:33ni Teddy Casino.
32:36Maayos na lokasyon
32:37sa pondo
32:38ang nais
32:38ni Kang Guzuman
32:39Franz Castro.
32:40Tutol
32:42sa korupsyon
32:43si Mimindo Ringo.
32:47Ayon ni Mody Floranda
32:48sa Jeep
32:49ni Face Out.
32:52Karapatan
32:52ng mga moro
32:53at katutubo
32:54ang inilalaban
32:54ni Amiral Lidasan.
32:57Si Liza Masa
32:58binigyang diin
32:59ang halaga
33:00ng aktibismo.
33:02Nag-i-call
33:03sa Valenzuela
33:03si Willa Rebillame
33:04kasama niya
33:05si Nabato
33:06de la Rosa
33:06at Senador Bongo
33:07na binigyang diin
33:09sa Bataan
33:09ang Basic Medical Services.
33:12Kasama niya roon
33:13sina Atty.
33:14J.D. Hillo
33:14Atty.
33:19Raul Lambino
33:19Dr. Marites Mata
33:25at Philip Salvador.
33:29Tamang pasahod
33:30sa delivery riders
33:31ang nais
33:32ni Sen. Francis Torrentino.
33:34Suporta sa turismo
33:36sa buhol
33:36ang pangako
33:37ni Congressman Camille Villar.
33:39Pondo
33:40sa mga programang
33:40suportado
33:41ang mga magsasaka
33:42ang pangako
33:43ni Bama Quino.
33:44Suporta sa mga katutubo
33:46sa Palawan
33:46ang inihayag
33:47ni Roberto Malyon
33:48sa pulong
33:48sa Quezon City.
33:51Pagalis ng tax
33:51sa overtime
33:52at bonus
33:52ang nais
33:53ni Mayor Abby Binay.
33:55Proteksyon
33:56sa karapatan
33:56ng indigenous people
33:57ang pangako
33:58ni Congressman Bonifacio Busita.
34:01Importansya
34:01ng inklusibong pamahalaan
34:03ang idiniin
34:03ni Sen. Pia Cayetano.
34:05Pagpaparami
34:06ng Korte
34:07ang nais
34:07ni Atty. Angelo
34:08D'Alban
34:08para mapabilis
34:09ang mga kaso.
34:12Ayaw ni Lodi D. Guzman
34:13ng anyay
34:13Politics of the Elite.
34:16Pagpapalago
34:17ng turismo
34:17sa buhol
34:18ang isa
34:18sa mga tututukan
34:19ni Ping Lakson.
34:21Suporta sa mga
34:22magsasaka
34:22ang itinulap
34:23ni Congressman Rodante
34:24Marcoleta
34:24sa Nueva Ecija.
34:26Patuloy namin
34:27sinusunda
34:27ng kampanya
34:28ng mga tumatakmong
34:29Senador
34:29sa eleksyon 2025.
34:30Para sa GMA Integrated News,
34:33Rafi Tima
34:34ang inyo.
34:35Saksi!
34:38Sa pool,
34:40ang drone target
34:41sa aktwal na pagpapalipad
34:42ng missile
34:43mula sa BRP
34:44Jose Rizal
34:45ng Philippine Navy.
34:46Dalawang beses
34:47isinagawa ang test fire
34:48ng Mistral-3
34:49Surface-to-Air
34:50Missile Launcher
34:51sa bahagi ng dagat
34:52sa kanlura
34:53ng San Antonio,
34:54Zambales.
34:55Ay po sa Philippine Navy,
34:56patunay ito
34:57sa kahandaan nilang
34:58palakasin
34:59ng mga aset
35:00para mapalakas
35:01ang pang-depensa
35:02sa karagatan
35:03ng Pilipinas.
35:08Nais ng mag-move on
35:10ni Kailin Alcantara
35:12kagunay ng issue
35:12sa hiwalayan nila
35:13ni Kobe Paras.
35:15Ayon po yan
35:16sa inilabas na pahayag
35:17ng Sparkle
35:17GMA Artist Center.
35:20Mas gusto rao ni Kailin
35:21na panatilihin
35:22ang kanyang pagrespeto
35:23sa mga indibidwal
35:24na naging bahagi
35:25ng kanyang buhay.
35:27Pumaasa rin
35:28ang aktres
35:28na makamupon
35:29na ang lahat
35:30at matapos
35:31na ang issue.
35:32Kahapon,
35:33naglabas ng saloobin
35:33si Jackie Forster
35:34para ipagtanggul
35:35ang anak na si Kobe
35:36sa gitna
35:37ng hiwalayan.
35:38At sa gitna
35:39ng pinagdaraanan,
35:40ipinagdiwang naman
35:41ni Kailin
35:41ang bagong milestone
35:42sa Instagram
35:43kung saan
35:44umabot na
35:44sa halos 5 milyon
35:46ang kanyang mga follower.
35:53Lumitaw
35:54ang pagiging
35:54malikhain
35:55ng mga tagadagupan
35:56sa kauna-unahang
35:58Palitaw
35:59at Louvre Festival.
36:0115,000 piraso
36:02ng Palitaw
36:02ang pinagsaluhan
36:04ng mga residente
36:05ng Barangay
36:05Maluwet.
36:07Ididesenyo pa ito
36:08sa dahon ng Louvre
36:09kung saan daw
36:10hinangwa ang pangalan
36:11ng barangay.
36:13Nais daw nilang
36:13mas magkilala pa
36:14ang barangay
36:15sa ipinagmamalaki nilang
36:17Palitaw.
36:18Sumalang
36:25si Michael Sager
36:26at Emilio Dias
36:27sa Fast Talk
36:28with Boy Abunda.
36:30Dito nag-react sila
36:31sa mga naging feedback
36:32sa kanila
36:33ng mga housemates.
36:36Do you feel betrayed?
36:37I don't know.
36:38Baka there's something
36:38I did that made her
36:39feel that way
36:40so I'm really opening
36:40to asking her first
36:41before saying
36:42I feel betrayed.
36:43Emilio,
36:44did you ever feel
36:45na nadamay ka
36:46sa atin din ang emosyon
36:48ng housemates
36:48kay Michael?
36:50Definitely not
36:51Tito Boy
36:51kasi this is my duo
36:53and we are a team.
36:55So when you are a team
36:56you accept anything
36:58that happens
36:58to your team.
36:59My brother.
36:59Because he is my brother
37:01and whatever they say to him
37:02they also say to me.
37:06Ibinahagi rin
37:07ng Team Millie
37:07na pinaka
37:08na-miss nilang housemates
37:10sina River
37:11at Sneer.
37:12At kahit evicted na
37:13kita pa rin
37:14ang magandang samahan
37:15ni Michael
37:16at Emilio.
37:17Hilingaro nilang
37:18makatrabaho
37:19ang isa't isa.
37:20At sa panayam
37:21sa Jimmy News Online
37:22ibinahagi ni Emilio
37:24na gusto niya
37:25maging bahagi
37:25ng Running Man Philippines
37:27kung saan
37:27naging cast
37:28sa dalawang season
37:29ang kanyang kapatid
37:30na si Mikael Dais.
37:34Salamat po
37:35sa inyong pagsaksi.
37:37Ako si Pia Arcangel
37:38para sa mas malaking misyon
37:39at sa mas malawak
37:40na paglilingkod
37:41sa bayan.
37:43Mula sa Jimmy Integrated News,
37:44ang News Authority
37:46ng Filipino.
37:47Hanggang bukas,
37:48sama-sama po tayong
37:49magiging
37:50Saksi!
37:55Mga kapuso,
37:57maging una sa Saksi.
37:58Mag-subscribe sa
37:59Jimmy Integrated News
38:00sa YouTube
38:00para sa
38:01ibat-ibang balita.
38:02ho va Lifeline.
38:05H lag inatus!
38:05Mga kapuso.
38:06Mga kapuso,
38:15mga kapuso.

Recommended