Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 2 days ago
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Nagsimula na ngayong araw ang final testing and sealing ng Comelec sa automated counting machines para sa eleksyon sa May 12.
00:06May ulap on the spot si Bernadette Reyes.
00:09Bernadette!
00:13Rafi, layo nitong final testing at sealing na ma-familiarize na ang electoral board members sa paggamit ng automated counting machines.
00:22Pagkakataon din ito para malaman kung may problema ba ang mga makina, kung may kulang ba sa mga pinadalang gamit, para kung may pagkukulang ay madali raw itong ma-provide.
00:34Halimbawa, kailangan bang palitan ang makina o ang SD card? May mga nakapreposition na rin daw na gamit ang Comelec.
00:41Isa rin sa pinakaimportante sa ginagawang testing at sealing ang pagkakaroon ng initialization report na nagpapakita na zero o wala pang boto sa lahat ng posisyon.
00:51Itinakda ng Comelec na gawin ng testing at sealing simula ngayong araw hanggang May 7 lang para may sapat pa na panahon na tugunan kung may mga makikitang problema.
01:01Kung hindi raw makapag-transmit halimbawa ang makina sa mismong araw ng eleksyon, ay ang mismong makina raw ang dadalhin sa canvassing center para hindi masabi na nakompromiso ang SD card.
01:12Nakikiusap rin ang Comelec na bumoto ang mga tao sa araw ng eleksyon, lakip ang layunin na ayusin ang lahat.
01:18Sa mga susunod na araw ay patuloy pa rin ang voters' education at hinihikaya rin ng Comelec ang mga kandidato na ingganyuhin ang mga tao na bumoto.
01:28Rafi, ayon sa Comelec ay meron daw mahigit 100 na mga repair hubs sa iba't ibang bahagi ng bansa at meron rin nakastandby na 16,000 na mga automated counting machines
01:39na maaaring gamitin sakaling may makitang problema sa mga makina ngayong final testing and sealing.
01:45Rafi?
01:46Maraming salamat, Bernadette Reyes.
01:48Maraming salamat, Bernadette Reyes.

Recommended