Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • today
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Ikinwento ng nagreklamo laban kay Congressman Paulo Duterte na si Criston John Patrias-Yon sa GMA Integrated News
00:07ang pinag-ugatan ng mani pananakit at pagubanta sa kanya ng kongresista.
00:12Natagalan daw siya mag-high ng reklamo para kumalap ng ebidensya.
00:17Balitang hatid ni Emil Sumangil.
00:21Sa kuha ng CCTV na kumakalat sa social media, makikita ang isang lalaking nakapolo shirt
00:27na dinuduro ang isang lalaking nakasumbrero.
00:31Ang lalaking nakapolo, itinaas pa ang kamay ng may hawak na kutsilyo.
00:37Eksklusibong nakausap ng GMA Integrated News ang lalaking nakasumbrero sa video
00:41na si Criston John Patrias-Yon.
00:44Ayon sa kanya, si Davao City First District Representative Paulo Pulong Duterte ang nasa video.
00:51Sinampakan niya ng mga reklamong physical injuries at grave threats.
00:54Sa kumakalat na video, ilang beses hinedbat si Sean.
00:59Sinuntok din ito sa tagiliran habang may hawak na kutsilyo ang nanuntok.
01:03Ang video isinumite ni Sean sa Department of Justice.
01:07Pero hindi daw siya ang nagpapakalat ng video sa social media.
01:11Nasa kustudiya ngayon ng PNP si Sean.
01:13Dami yung nagano sa akin sa Facebook.
01:15Gusto ko lang i-clear sa napat na yung video.
01:19Hindi yun siya planted or AI.
01:21Aminadong bugaw si Sean na taga Davao City Rear.
01:25February 22, kinontak daw siya ng isang regular na kliyente na kaibigan umano ni Congressman Duterte.
01:32Sabi niya, chat yun siya boss. Sabi niya, Sean, dala ka ng babae.
01:37Yung mga okay tapos hindi maarte kasi pupunta si boss.
01:41Gabi noong February 22, dinala daw niya ang limang babae sa baki ng kaibigan ni Duterte.
01:47Doon daw niya nakita ang kongresista.
01:49Lumipat sila, kasama ang mga babae sa isang bar pasado alauna ng madaling araw ng February 23.
01:55Sabi ni Sean, nag-ibah ang timpla ni Duterte.
01:59Nang malamang hindi lahat ng kanyang mga kasama ay nabigyan ng babae.
02:03Mas nainisan niya ang kongresista nang nagka-issue sa bayad.
02:07Dito raw siya kinumpronta ni Duterte.
02:09Ano man siyon, pinapirahan mo ba ako?
02:12Yun din, papulit-ulit lang niya sinasabi niyon.
02:17Isang saksak niya, na anuan ko, yung tawag nga yun.
02:22Then nag-attempt na naman siya ng isa, dun tumakbo na may CCTV sa taas.
02:29Kaya yun, pina-off niya.
02:32Kaya yung clip na yun, medyo short lang.
02:35Kasi putol na yung video eh, pinakat niya.
02:39Natagalan daw si Sean na lumutang dahil kumakalap siya ng ebidensya
02:42at na-tiempo lang na malapit na ang eleksyon.
02:45Ang kalaban ko kasi medyo mahirap eh, kaya pinag-isipan ko talaga na mabuti.
02:50Wala naging ipusap sa'yo na kasuhan mo.
02:52Wala.
02:53Idadrap ko yung kasimong child traffic.
02:54Wala, wala.
02:55Medyo na-trauma ba din, stress, nag-alohalo na talaga ba.
02:59Wala naman po.
03:03Ikaw lang ito?
03:04Ako lang po ito.
03:05Sinusubukan naming kunan ang pahayag si Congressman Duterte.
03:08Pero nauna na niyang sinabi nitong weekend na ino-authenticate pa ng kanyang mga abogado
03:13ang kumakalat ng video.
03:15Emil Sumangil, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
03:19Sabi naman ni Palace Press Officer Claire Castro, hindi naman itinanggi ni Congressman Paulo Duterte ang video.
03:27Bakit ibinibintang ito sa administrasyon?
03:29Mas mainam daw na sagutin na lang ni Congressman Duterte ang reklamong pananakit laban sa kanya.
03:34Sagot yan ang palasyo sa pahayag ni Vice President Sara Duterte na paninira ng administrasyon
03:39ang naturang reklamo sa kanyang kapatid.

Recommended