24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:00Mga kapuso, dahil po sa inyong tulong, 17 na ang napa-operahan natin sa ating Operation Bukol Project.
00:12May 38 pang susunod, kaya sana po patuloy niyo silang matulungan.
00:18Sa loob ng labing isang taon, daladala ni Jeveline ang malaking bukol sa liig dahil sa goiter o bosho.
00:30Hindi naman daw siya makapagpa-opera dahil hindi sapat ang kita niyang 800 piso kada araw sa pag-iextra bilang masahista at assistant sa dental clinic.
00:42Iihirapan po ako sa paghinga. Tapos ang tulog ko po medyo na, ano ako sa pagtulog dun pa, putol-putol.
00:52Yun po yung mga nararamdaman ko. Sa paglunok po ng pagkain, pag nabibigla po ako ng inom ng tubig.
00:58May mga pasyente tayo na lumalaki ang nito, laki-laki ng ganyan.
01:03It's because hindi sila masyadong kumakain, hindi sila nagtatake ng iodine.
01:07Kung ganyan kalaki na tapos may normal na yung ano, pwede na siyang, ready na siyang operahan.
01:13Kaya laking pasasalamat ni Jeveline ng dinggi ng GMA Kapuso Foundation ang matagal na niyang dasa.
01:20Natanggal na ang kanyang bukol sa isinagawa nating operation bukol katwang a Jose Reyes Memorial Medical Center.
01:28Ngayon, handa na siyang harapin ang bawat araw na punong-puno ng pangarap para sa kanyang anak.
01:35Sabi kung gusto ko namang makita pa yung pag-unlan ng anak ko, yung future niya.
01:43Si Cesar, na isa rin nating benepisyaryo, maayos ng nakakapagtrabaho at nakakatulog matapos matanggal ang bukol sa kanyang balikat noong Febrero.
01:54Kahit wala pang one year, parang pag magbuhat ako, kahit hindi ganun kabigat ang video, okay na siya.
02:01Mga Kapuso, dahil po sa inyong tulong, nagkaroon ng bagong pag-asa sa buhay sila Jeveline at Cesar.
02:09Matinding pagsubok ang dinaranas ng isang binatilyo sa General Tria sa Cavite,
02:16dahil sa pambihirang sakit sa dugo na kung tawagin ay aplastic anemia.
02:21Kabilang po siya sa mga Kapuso Cancer Champions na atinang tinutulungan.
02:27Pero kailangan pa ng tuloy na gamutan kaya siya po'y inalalapit natin sa inyong mabubuting puso.
02:34Lumaking masigla at mapagmahal sa pamilya, ang labing pitong taong gulang na si Jiro.
02:44Pero unti-unti siyang nanamlay matapos ma-diagnose ng aplastic anemia noong July 2024.
02:55Simula noon, labas-masok na siya sa ospitan.
02:58Mumagsak at nanghina ang kanyang katawan at madalas magkaroon ng mga pasa.
03:04Dahil dito, tumigil siya sa pag-aaral.
03:07Lagi siya nawawalan ng ganang kumain.
03:09Lagi pong matamlay, ma'am, hindi po makalakad.
03:12May yung paan niya, ma'am, lagi po siya nanginginig.
03:15Isa siyang sakit kung saan yung buwan maro o sa madaling silita yung factory ng dugo,
03:20pati component sa katawan natin ay pumapalya
03:23na nagkakos ng pagbagsak ng pula sa dugo, ng puti sa dugo, pati ng mga platelets.
03:29Halos monthly, nagsasali ng dugo kay Jiro.
03:32Si Ana Liza, hirap makahanap ng dugo para sa anak.
03:36Kaya laking pa sa salamat niya nang mapabilang ang anak
03:40sa Kapuso Cancer Champions ng GMA Kapuso Foundation.
03:45Bukod sa dugo, nagpigay rin tayo ng ilang gamot.
03:49At bukod dito, kailangan pang sumailalim sa stem cell transplantation ni Jiro.
04:01Hindi rin biro ang gastos niya sa gamot na umaabot sa 1,900 pesos kada araw.
04:08So yung immune system niya mismo yung sumisila sa buwan maro,
04:10yung mga gamot na iniinom ni Jiro sa ngayon ay yun yung nagpapabagal.
04:14Yung pinaka mabibigyan ng chance yung bata na gumaling ay yung tinatawag na stem cell transplantation.
04:22Nanawagan po ako sa inyo na sana po may handi akong tumulong sa gamota po ng aking anak.
04:29Sana po matulungan niyo po ako.
04:31Dito lamang martes, itinampok natin dito po sa 24 oras
04:36ang magkakaanak na nasa bugan sa gitna ng pagkakabit nila ng LPG tank sa Taytay Rizal.
04:42Agad na nakipag-ugnayan ang GMA Capuso Foundation sa pamilya para magpaabot ng medical assistance.
04:49Pero dahil sa malubhan nilang kondisyon, kinakailangan pa po nila ng inyong tulong.
04:54Tila bangungot sa pamilya Bernardino ang nangyaring malakas na pagsabog sa kanilang tindahan.
05:04Sa San Juan Taytay Rizal, nito lamang March 28.
05:07Nalapnos kasi ang mukha at iba pang bahagi ng katawan ng may-ari ng tindahan na si Marivic,
05:12anak natong si Ivan at pamangking si Jiro.
05:15Nagkaroon ng pagsabog habang ikinakabit ang bagong biling LPG tank.
05:19Kaya sabi daw lumilis ko, palitan mo na yan, ganun din yung anak ko si Ivan, papalitan mo na yan kasi depiktibo yan.
05:25Pag bukas niya, biglang may sumirit, ayun na, sumabog na.
05:29Ganun na lang ang awa ng magkapatid na sine-MVL at Ivy sa sinapit ng mga kaanak, lalo na ng kanilang inang si Marivic.
05:37Noong nakaraang taon lang kasi, na-diagnose ito na may ovarian cancer at sasa ilalim pa lang sana sa chemotherapy.
05:43Noong nakita ko po yung kalagayan, mami ko po, hindi ko po kaya.
05:47Critical pa rin ang kondisyon ng tatlo sa intensive care unit ng East Avenue Medical Center.
05:53Yung percent burn of the patients range from 30 to 40 percent.
05:57Kita namin is they had signs of inhalational injury.
06:00We had to do bronchoscopy which is sinisilip yung airways to check if may sulog sa airways.
06:09Kaya bilang tulong, nagbigay ang GMA Kapuso Foundation ng mga kinakailangan nilang gamot at supplies.
06:15Samantala, iniimbestigahan na rin ang Bureau of Fire Protection ng Taytay ang nangyaring insidente.
06:21Paalala nila,
06:22Pag bumili po kayo ng bagong LPG, ugaliin po natin i-check lagi ang ating hose ng tubig na may sabon at ating valve.
06:31Paikutan po natin, i-on po natin ulit ang kanyang valve dahil pag may singaw siya, bumubula po ito.
06:38Mga Kapuso, mahaba-haba pa pong gamutan ang kinakailangan ng pamilya Bernardino gaya ng skin grafting procedure.
06:46Sa mga nais tumulong, maaaring magdeposito sa aming bank accounts o magpadala sa sibwa ni Luwilyur.
06:52Pwede rin online via GCash, Shopee, Lazada at Globe Rewards.
07:08Pag bumili po natin, i-on po natin, i-on po natin, i-on po natin, i-on po natin.