Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 2 days ago
Inusisa sa Senado ang bagong Senior High School curriculum na ipatutupad sa mahigit 700 pilot schools sa pasukan. Kabilang sa tanong ng komite kung matutugunan ba nito ang mga reklamo na hirap pa ring makakuha ng trabaho ang mga graduates ng K-12.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Inusisa sa Senado, ang bagong senior high school curriculum na ipatutupad sa mahigit 700 pilot schools sa Pasokan.
00:09Kabilang sa tanong ng Kumite, kung matutugunan ba nito ang mga reklamo na hirap pa rin makakuha ng trabaho ang mga graduate ng K-12?
00:20Nakatutok si Bob Gonzales.
00:22Bagong curriculum ang babati sa mga papasok na senior high school student sa ilang pilot schools sa parating ngayong school year 2025 to 2026.
00:35Sisimplihan na ito at gagawing dalawa na lang ang kasalukuyang apat na tracks habang magiging lima na lang ang core subjects mula labing lima, magiging electives ang ibang subject.
00:45Pero pag-usisa ng Senate Committee on Basic Education, masosolusyonan na ba nito ang mga reklamong humaba lang ang pag-aaral pero hindi pa rin naman nakakakuha ng trabaho ang mga K-12 graduate?
00:56What we guaranteed to our constituents with the additional two years in senior high school, we will reduce the number of years in college.
01:04Sa surveying ang kinomisyon ng opisina ni Sen. Wynn Gatchalian, lumalabas na mas maraming hindi kontento sa senior high school program at K-12.
01:12Parents have to shell out more money for transportation, food, for education, for their children.
01:19Senior high school diploma is not enough to get a better job, so they still want to go to college.
01:25Ayon sa Department of Education, may 10% naman ang mga senior high graduates na nakakakuha ng informal jobs.
01:32Kaya layo ng bagong senior high curriculum na mas maging employable sila.
01:36Nag-uusap na rin ang DepEd at Shed para hindi magkapareho ang subject sa senior high school at sa kolehyo.
01:42Pero pag-amin ng DepEd,
01:44The five proposed core subjects are not enough for students to be college ready. They need to take electives.
01:51Sabi ni Gatchalian, dapat bawasan din ang subject sa kolehyo.
01:55Top of mind is PE. We can push this down to basic education.
01:59Pwede rin daw iayon sa magiging core sa kolehyo ang kukuning subject sa senior high school.
02:04May health services NC2 na kung iisipin mo, baka mas appropriate pa sa mag-nurcing kaysa mag-take siya ng calculus at ng iba't-ibang STEM programs.
02:14So baka po pwede nating pag-isipan siya more holistically that some of the NCs may give them actually better training, better preparation for the college programs they wish to take and have those credited already too.
02:27Sa ngayon may 727 private at public pilot schools. Pero puna ni Gatchalian, parang kakaunti ang rural schools o yung mga nasa bundok at isla.
02:37I know that part of your rubrics is readiness. But I think we should also consider the rural schools because the readiness of those schools is really a challenge.
02:50They might not be ready for the rest of the, for a very long time. Include more rural schools.
02:57The end goal of the pilot is to learn what's wrong or to learn and to learn what's right and to correct what's wrong.
03:04Sa school year 2026 to 2027, inaasahan ang full rollout ng bagong senior high school curriculum.
03:11Para sa GMA Integrated News, Mav Gonzalez, Nakatutok, 24 Horas.

Recommended