Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 2 days ago
Huli ang nagpakilalang dentista sa Cotabato na nag-aalok umano ng murang serbisyo tulad ng pagkakabit ng braces. Pero ang suspek, sa social media lang daw natuto.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Huli ang nagpakilalang dentista sa Cotabato na nag-aaluk-umano ng murang serbisyo tulad ng pagkakabit ng braces.
00:09Pero ang suspect, sa social media lang daw natuto ang nabistong operasyon niya sa isang motel sa pagtutok ni June Veneracion.
00:19Pero matagal ka nang nag-anin ganito, ma'am.
00:24Investor sa clinic, sa kwarto ng isang motel sa Cotabato City,
00:28pinapunta ng nagpakilalang dentista na si alias Bart ang kanyang pasyente yung susukatan umano ng braces.
00:40Pero ang inakala niyang pasyente, polis pala.
00:43Arestado si alias Bart dahil hindi naman pala siya lisensyadong dentista.
00:47Stick ko lang yung bag mo.
00:53Ikinasaang entrapment, matapos mamonitor ng PNP Anti-Cybercrime Group ang suspect na nag-aaluk online ng dental services,
01:01gaya ng pagkakabit ng braces sa halagang 1,000 pesos lang.
01:05Wala naman talaga itong clinic.
01:08Yung mga kwan na lang niya, mga pagpapanggap ay kung asan siya, ay doon na lang pupuntahan.
01:14Sabi ng Anti-Cybercrime Group, marami na ang nabiktima ng suspect na pumasok daw sa iligal na gawain para suportahan ng kanyang pag-aaral.
01:24Dahil mura ang alok para sa dental services, karamihan daw sa mga naging biktima ay mga estudyanti rin.
01:31Itong suspect natin ay natutunan niya yung paggawa ng braces ay sa isang social media platform dito.
01:39So doon siya nag-aaral at pinag-practicehan niya yung kanyang mga naging biktima.
01:47Ayos sa PNP, may mga minomonitor pa silang ibang peking dentista.
01:51Mula March 12 hanggang April 28 ay nasa labing apat na ang naaresto ng PNP ACG sa Mindanao dahil sa illegal dental practice.
02:00Nakita nila medyo lucrative yung illegal business na to.
02:04Sinusubukan pa namin makuha ang pahayag ng suspect.
02:08Para sa GMA Integrated News, June Van Rasyon, Nakatutok, 24 Horas.

Recommended