Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • yesterday
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.


#GMAIntegratedNews #KapusoStream


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Mga kapuso, apat na tulog na lang, election 2025 na.
00:13Ang bisperas ng eleksyon, sabay pa sa Mother's Day.
00:16Kaya dumarami na ang mga biyaheng probinsya.
00:19Saksi, si Jamie Santos.
00:24Alas sa is ngayong gabi nang humaba ang pila sa ticket booths
00:27sa Paranaque Integrated Terminal Exchange o PITX sa Paranaque City.
00:32Sa ticket booth 1 nga, may nakapaskil na fully booked sa mga pasaherong bibili pa lang ng ticket.
00:38Marami ding pasahero ang nakapila sa ticket booth 4.
00:41Karamihan, bibili ng ticket pa-uwi para makaboto sa eleksyon sa lunes at ma-celebrate ang Mother's Day.
00:48Dahil sa eleksyon, kailangan po kasi para makapili tayo yung mga dapat nating i-boto ng mga kandidato.
00:56Kailangan natin bagoyin ang Pilipinas. Sa atin kasi manggagaling.
01:01Si Gene Pakatanduanes para sumunod sa mga anak na nauna ng bumiyahe.
01:06Bubuto at at least makapag-vacation din.
01:09Para makapili ng yung manunungkulan sa ating bayan, sa ating bansa.
01:16Para may magbago naman.
01:17Para may mabago naman sa pamamalakad ng gobyerno.
01:22Ayon sa pamunuan ng PITX, marami pa namang available na biyahe.
01:27Ang fully booked mula May 5 hanggang May 10, partikular sa biyahe patungong Bicol.
01:32May 51 trips para sa May 9 pa Bicol, 33 rito ay fully booked na.
01:37Sa May 10 naman, may 51 trips din pero 31 trips na rin ang fully booked.
01:42Para naman sa mga biyaheng Visayas at Mindanao, may tig limang biyahe kada araw sa May 9 at 10.
01:48Ngunit tig apat na biyahe sa bawat araw ang fully booked na rin.
01:52Pero sa Araneta City Bus Station sa Cobao, Quezon City, madalang pa lang ang mga pasahero.
01:57Ayon sa pamunuan ng terminal, maraming bus na masasakyan dito, lalo na ang mga biyaheng Palusena, Batangas at Nueva Ecija.
02:05Ang maaari pumunta na sila ng maaga para makaiwasan sila kung sakasakaling mang dumagsang pasahero dahil sa eleksyon,
02:11ang ating mga bus naman na narito ngayon ay supesyente naman.
02:14Sa Naiya Terminal 3, may mga pasahero na rin uuwi ng probinsya para bumoto.
02:19Siyempre ngayon na panahon ng alalan, we need to exercise the right to suffrage to choose po yung mga leaders that will lead our country.
02:29Paalala ng mga otoridad, siguraduhin planado ang inyong pag-alis upang maiwasan ang aberyas sa biyahe.
02:35Makabubuting magpabok ng mas maaga at lumating ng maaga sa terminal upang maging maayos, maginhawa at ligtas ang inyong biyahe pa uwi sa probinsya.
02:43Para sa GMA Integrated News, ako si Jamie Santos, ang inyong saksi.

Recommended