Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • yesterday
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time). For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Taong may magandang kalooban, ganyan inilalarawan ng ilang Pinoy ng pari ang bagong Santo Papa na si Pope Leo XIV.
00:08Kemento nila ang kanilang close encounter sa bagong pinuno ng simbahan.
00:13Live mula sa Maynila, may unang balita si James.
00:16James?
00:20Igang good morning, ilang beses na nakabisita dito sa Pilipinas ang bagong Santo Papa na si Pope Leo XIV.
00:26At isa dun sa mga binisitan niya, itong Intramuros sa simbahan dito sa Intramuros sa Maynila na San Agustin Church.
00:35Dati kasi siyang Prior General ng Order of St. Augustine.
00:42Naong 2010, nang isagawa ang Intermediate General Chapter ng Order of St. Augustine dito sa ating bansa.
00:48Nagdaos noon ang Banal na Misa sa San Agustin Church sa Intramuros, Maynila,
00:52na pinangunahan ng dating Prior General Robert Francis Prevost, nang ngayon si Pope Leo XIV.
00:58Kuha ang mga larawang yan ni Father Genesis Labana, OSA, na seminerista pa lang noon.
01:03Si Father Labana ng isang Filipino Agustinian priest na ngayon ay nag-aaral sa Roma.
01:08Nasaksihan niya ang unang paglabas sa bato ni ng St. Peter's Basilica ng bagong talagang Santo Papa kanina.
01:14Naiyak daw siya sa kasiyahan.
01:16Kuwento ni Father Labana lunis na huli niyang makita si Cardinal Prevost sa Agustinian General Curia
01:22at binati pangaraw siya nito ng mga kasalubong sa kusina.
01:26Nung Enero siya rin daw ang nag-record ng video message ni Cardinal Prevost
01:30para sa ika-apat napong anibersaryo ng inaugurasyon ng Agustinian Province of Santo Niño de Cebu.
01:35Nagkita kami, sa likod ng kitchen namin, nagkasalubong kami, ako papasok, siya papalabas.
01:42Yung moment na yun, sabi niya sa akin, oh, it was in English, oh, Genesis, how are you?
01:51Nasurprise ako kasi he remembered my name.
01:57I never expected that with that very short encounter with him.
02:01Isa pang Filipino Agustinian Priest ang may close encounter sa Bagong Santo Papa.
02:06Kuha ang mga larawang niya nung unang linggo ng Abril sa Roma.
02:09Kuwento ni Father Jonas Mejares, OSA.
02:12Nagkasabay sila man ang halian ni Cardinal Prevost.
02:15Nagpasalamat daw siya sa Cardinal sa pagpapadala ng video message sa Pilipinas.
02:19Lubos na ikinatuwa ni Father Mejares sa pagkakatalaga sa Bagong Santo Papa
02:23na isinalarawan niya na may mabuting kalooban.
02:26He's a very good man, very cool.
02:28Talagang kung makikita mo siya, nakala mo, nakala mo siya ito,
02:35pero kung palapitan mo siya, he has a good heart.
02:38And then, yun na nga, he's a person na kompleto talaga sa pastoral livery.
02:43Equipped siya dyan sa administratively administration.
02:47Magaling siya dyan because he became our prior general for two terms.
02:51Sa matala, Igan, umaasa naman yung mga nakausap natin na mga Agustinian priests
03:02na si na Father Labana at si Father Mejares
03:04na muling makakabisita dito sa Pilipinas ang Bagong Santo Papa.
03:08Yan ang unang balita mula rito sa Maynila.
03:10Ako po si James Agustin para sa GMA Integrated News.
03:13Igan, mauna ka sa mga balita, mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube
03:19para sa iba-ibang ulat sa ating bansa.

Recommended